
Napilitin si Nick Braganza Perez na bumalik ng Hacienda Braganza dahil sa lolo niyang may sakit. Dahil iyon ang kahilingan sa kanya ni Don Gilberto Braganza, ang ama ng kanyang mommy.Sa kanya nais ipamana ang hacienda dahil siya ang nag iisang apong lalaki at panganay na apo ng matanda. Ngunit tinanggihan iyon ni Nick dahil mas gusto niya ang pamumuhay sa lungsod.Sa pagbalik ni Nick sa probinsya nila ay makikilala niya si Lianne Gonzaga, ang caregiver ng kanyang abuelo na anak ng kanilang tauhan sa hacienda na may malaking utang na loob sa kanyang abuelo.Maiin-love si Nick kay Lianne. Ngunit ang dalaga ay may nobyo na, ang kababata niyang si Archie.Lahat ay gagawin ni Nick sa ngalan ng pag ibig niya kay Lianne, kahit na may masaktan siya at manatili siya sa Hacienda.
