CASPIAN POV Habang naglalakad ako sa hardin, hindi ko maiwasang mapangiti. Ang acupuncture ni Thalia ay unti-unting nagpapanumbalik ng buhay sa aking mga binti, isang bagay na hindi nagawa ng mga gamot sa loob ng maraming taon. Ang bawat hakbang na aking ginagawa ay isang tagumpay, isang patunay ng kanyang galing at pagmamahal. "Jacob," tawag ko sa aking butler. Narinig ko ang kanyang mga yabag na papalapit sa aking kinaroroonan. "Sir?" tugon niya, naghihintay ng aking susunod na utos. "Kamusta na ang pinaimbestigahan ko sa'yo?" tanong ko, hindi maitago ang pag-asa sa aking boses. "Nakuha ko na po ang report mula sa tauhan na pinakilos ko, Sir. At base sa impormasyon na kanyang nakalap, hindi po lisensyadong doktor si Doctor Ken," sagot niya, seryoso ang kanyang tono. "What do you me

