CASPIAN POV Pagkaalis ni Thalia, agad akong pumunta sa sala para manood ng telebisyon. Maya-maya, pumasok si Jacob para mag-report. "Pina-imbestigahan ko na po ang mga gamot na iniinom ninyo, Sir," sabi ni Jacob. "At anong resulta?" tanong ko habang nakatuon pa rin sa TV ang paningin. Parang nag-aalangan pa siyang sumagot, kaya naman tumingin na ako sa kanya. "Say it, Jacob. What are the results?" malamig kong tanong. "Ang gamot po na iniinom ninyo ay hindi rehistrado na gamot kahit saan, sa hospital o sa pharmacy. Walang ganoong gamot na katulad sa inyo," sabi ni Jacob. "So you mean?" tanong ko. "Mukhang ang pinaiinom po sa inyong gamot ay peke at hindi talaga para sa mga binti ninyo para makalakad kayo. At dahil peke ito, kaya walang epekto kapag iniinom ninyo. At ang worst, ay

