THALIA POV Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha, kaya agad akong napabangon. Napansin kong wala si Caspian sa aking tabi, kaya't nilibot ko ang aking paningin sa buong silid. Kinuha ko ang aking cellphone at tinignan ang oras. Alas onse na pala ng tanghali. Nakatulog ako kaninang alas nueve, dalawang oras din pala akong nakatulog. Bumangon ako at akmang lalabas na para tingnan si Caspian nang biglang tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko ito at nakita ko sa screen ang pangalan ng doktor ng mama ko, kaya naman agad kong sinagot ito. "Good morning, doc," bati ko. "Thalia, may oras ka ba ngayon? Pumunta ka dito sa hospital, may mga sasabihin ako na importante tungkol sa mama mo," sabi nito. Napakagat naman ako sa aking labi sa kanyang sinabi at bahagyang kinabahan

