THALIA POV Nagising ako na masakit ang ulo. Napahawak ako sa ulo ko. Umaga na. Agad akong bumangon kahit masakit ang ulo ko. Lumabas ako para hanapin si Caspian. Hanggang ngayon, hindi pa rin nagsi-sink in sa akin na wala na si Mama. Kailangan kong asikasuhin ang burol niya. Bakit ba ako nakatulog? Lumabas ako at deretso na sanang lalabas nang isang boses ang pumigil sa akin. "Hindi ka ba magbibihis man lang bago humarap ulit sa Mama mo?" tanong ni Caspian. Kalalabas niya lang sa kusina. Napatingin naman ako sa suot ko. Naka-pajama lang ako at t-shirt. Wala din akong bra kaya parang nahiya naman ako. Buti na lang pinigilan ako ni Caspian. "Pasensya na. Magbibihis na ako. Masyado lang magulo ang isip ko ngayon," sabi ko. "Magbihis ka na tapos kumain muna tayo ng almusal bago ka umalis

