CHAPTER 28 CASPIAN POV Nagising ako dahil sa biglang paggalaw ng kama. Nakita ko si Thalia na nagmamadaling kumuha ng jacket at lumabas ng kwarto. Rinig ko pa ang mga yabag niya na halatang nagmamadali, para bang may hinahabol na importante. Kaya bumangon ako at nagtataka sa mga kinilos niya. Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Jacob at utusan siyang sundan si Thalia. Nag-aalinlangan pa ito dahil baka wala akong makasama kung aalis siya, pero wala akong pakialam. Basta kailangan niyang sundan si Thalia. "Jacob, sundan mo si Thalia. Agad!" utos ko sa kanya. "Pero Sir, paano po kayo?" tanong niya. "Huwag mo akong alalahanin. Sundan mo si Thalia. Siguraduhin mong ligtas siya," sagot ko. Binaba ko ang tawag at napahiga ulit sa kama. Bakit kaya nagmamadali siyang umalis? Anong nan

