CHAPTER 27

987 Words

THALIA POV Halos hindi pa sumisikat ang araw nang bigla akong mapabalikwas dahil sa ringing ng cellphone ko. Agad ko itong dinampot at nang makita kong ang doktor ni Mama ang tumatawag, biglang kumabog nang malakas ang dibdib ko. Bakit siya tatawag sa ganitong oras? "Hello?" sagot ko, halos hindi ko marinig ang sarili kong boses dahil sa kaba. Narinig ko ang boses ng doktor sa kabilang linya, halata ang pag-aalala. "Thalia, kailangan mong pumunta dito sa hospital, ngayon na." Hindi na ako nagtanong pa. Agad akong bumangon at kahit naka-pantulog pa, nagmadali akong lumabas ng kwarto. Mabilis akong nagsuot ng jacket at hindi na lumingon para tignan kung gising ba si Caspian. Basta't ang nasa isip ko lang ay makarating agad sa hospital. Sa labas, pumara ako ng taxi para makarating agad.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD