PROLOGUE
THE ONE THAT GOT AWAY
written by: enelbeeehh/Enilbi/Enelve Diaz
****
Kulit kulit ugh!!
Dale Velasquez
sige na... promise di ko sasabihin sa kanya na sinabi mo
e ano ngang sasabihin ko e wala naman ugh!!
naiirita nako sa pangungulit niya. Di naman din pupwedeng mag imbento ako at akoy di naman scientist! susme!!
Wala namang binulong talagang pangalan si Shainah bukod sa 'kunyari sinabi ko sayo crush ko wag mo sasabihin kay Dale' tss. Ewan ko sa dalawang to. Maglokohan na nga lang dadamay pa ko hays.
Chessa Vio Sumandig
Ayaw nga. Kung gusto niyang ipaalam edi sana sinabi niya sayo agad
Ayaw ko na sanang pahabain kasi naman etong connection mas mabilis pa ata pagong hays >.
Dale Velasquez
typing...
Aba mas mabilis pa sa kidlat hmm
Dale Velasquez
sige, yung iyo nalang
Chessa Vio Sumandig
luh, realquick. Ba't naman napunta saken?
Dale Velasquez
'Buti pa sana kung crush ko e sasabihin ko pa. Kaso hindi e. Crush niya yun. Secret niya so bat ko sasabihin?'
Damn. He cornered me. Sinabi niya yung mismong sinabi ko kahapon. Hanep lakas ng memorya nito. Tokwa siyaaa.
Dale Velasquez
oh ano na?
aba't atat pa. Naloloka ako tekaa.
Chessa Vio Sumandig
eh anong mapapala ko naman?
Dale Velasquez
libre kita
LIBRE KITA??? Abaaaat. tekaaaa. Kahinaan ko yunnnn!! Ahhhhhckkk.
Dale Velasquez
libre kita
kahit ano sa 7/11
'kahit ano' parang biglang luminaw paningin ko. Bat parang naririnig ko atang kumakanta yung mga dem-errr hahaahaha 'kahit ano' hihihi aylabdat hahahaaha manda syaaa. Minsan ok din naman sigurong magshare ng unting secret para sa libre diba? diba? diba? tawagin nyo na kong patay gutom o kahit ano dyan. Magutom sana kayo!
Chessa Vio Sumandig
pano 'ko makakasiguro na tutupad ka? tyaka kailan?
Kunyare nagdodoubt tayo.. baka sabihin neto patay gutom ako tyaka namumulubi eh duh yaman yaman ko kaya. Sa ganireng edad may lupa nako noh.
Sa kuko nga lang HAHA pero hoyy! lupa pa rin yun. Mahal ang lupa ngayon!!
'Di naman sa interesado agad. Tanong tanong lang muna aba di pa kami gaanong close tyaka di ko pa siya masyadong kilala noh baka madaya tung tokwang tu. Ayokong maisahan. Mabuti na ang sigurado. Hindi rin naman siguro niya knows yung longtime crush ko na yun. Layo kaya ng bahay nila sa bahay ni fafa Harry ko ahihihi
Dale Velasquez
sa monday, kita tayo sa 7/11 hingin ko # mo para update kita
Bigla atang nagdiwang at baka e nagpaparty pa yung mga alaga ko sa tiyan kaya ayunn.. Sabi pa sa kanta ni Vice Ganda, wag nang mag patumpik tumpik pa. Kaya binigay ko na hehehe. Classmate ko naman yun..Di naman siguro yun scammer o may masamang balak.
Dale Velasquez
So what's the lucky name?
Chessa Vio Sumandig
Ugh! Harry Dawn
Drop yours
Dale Velasquez
ehh? Taga Shawntel?
Chessa Vio Sumandig
EEHHH? KILALA MOOO?
Dale Velasquez
Yup, a friend.
Owemjiiii. mukhang napatrouble ata ako. owemjiii so friend sila? Kapital OWEMJIEE!! capslock para damang dama. Pakilabas ako sa kahihiyan ahhhhh huhuhu T.T
Dale Velasquez
Yup, a friend.
Sumbong kita hahahhaha
Chessa Vio Sumandig
SUBUKAN MO TALAGA.HAMPAS KITA SA KAWALING MAY KUMOKULONG MANTIKA. TOKWA KAAA.
Dale Velasquez
Hahaha. Ayaw mo nun? mas malapit, mas may chance hahahaha
Chessa Vio Sumandig
EWAN KO SAYO. Wag mo iniiba usapan. Sinong sayo?
kunwari di ako yung umiiba err HAHA.
Dale Velasquez
ayaw. hahaha. bleeh :p
Chessa Vio Sumandig
Sabi na e!! kainis ka 'lamoyun?
Sige wag mong sabihin di na rin kita kakausapin
Dale Velasquez
Wagggg :(
Chessa Vio Sumandig
Sino kasi. Secret lang natin.
Dale Velasquez
Pano pag sinabi kong ikaw
Napahinto ako. Teka Joke ba tu. Tatawa ba ako? Nakatingin lang ako sa screen pati paghinga ko ata nakalimutan ko na rin. Saka lang bumalik yung kalukuwa ko nung magring yung cellphone ko.
Unknown number
Calling...
Di paman ako nakakahello... Unang salita palang parang gusto ko na i-end call
"Hi Ches" Sino to? inalala ko yung boses. pinilit kong alalahanin hanggang sa napanganga ako...
"Pano pag sinabi kong ikaw?" Ang tanging nagawa ko lang ay ang kumurap kurap. Ang naisip ko agad si Shainah. Pa'no si Shainah?
"Hi, Ches... Hi, Crush."
Nothing's special. No butterfiles in stomach. Walang slow-mo na naganap. And that's how it all started.
****