CHAPTER 2: First Day

1584 Words
Chapter 2 1st day of school syempre masaya. Magkita-kita ba naman ulit kayong magtotropa kahit nagkakasawaan na ng mukha, keribels pa rin naman. Kahit na medyo nabadtrip ako kanina kasi diba excited nga akong pumasok... maypa pikit at hinga pa ako kanina sa may gate bago ang pa-red carpet natin sa may pathway para chill ang entrance tapos bubungguin lang ako ng kung sinong lalaking yun. Mas naimbyerna pa'ko no'ng napatalsik ako ng slight tas napahawak sa may wall at lahat-lahat, hindi man lang ako nilingon?! Aba hanep! Nagsorry nga ang tokneneng pero sa hangin naman hays. Muntikan na 'kong magwalling buti nalang talaga nakita ako ni Angelica nun kaya bumalik ako sa ulirat. Best friend ko si Angelica. Angie tawag namin sa kanya since yun din tawag sa kanila sa bahay nila. Sabay kami ni Angie sa paghahanap ng section. Accountancy ang kinabilangan kong kurso. Nagkasundo kaming magkakatropa na iyon ang kunin para daw #friendshipgoals e kahit naman halos magdikit na ang mga mukha niyo'y paplastikin ka ka parin naman. Pero iba kami. Solid. Sa classroom hindi ko mapigilang manibago. Iba-iba na ang mukha. Iba-ibang ugali na naman ang pakikitunguhan. Ewan kung magiging masaya ba to o mas pipiliin kong bumalik sa nakaraang taon. Di gaya ng inaasahan, nagkahiwahiwalay kaming magkakaibigan. Pareparehas kami ng kursong kinuha pero ewan ko ba't naging halo halo na. Dalawa sa tropa ko ang naging kaklase ko pero dahil sa pesteng seating arrangement, nga-nga. Tahimik lang ako kapag ganireng first day. Dapat behave muna tayo kunyare di tumatawa mag-isa. HAHAHA Kayamooot. Hirap pigilang magdaldal. T.T Nakayoko lang ako sa sarili kong desk nang umalingawngaw ang tunog ng bell. Ibig sabihin,start na ng orientation. Everyone should proceed to gymnasium kaya nilakad ko na kasama sina Shainah at Angie. Classmates ko before na kaklase ko ngayon. Angie's my bestfriend and Danica but unluckily Dan happened to be in the other section and thats when our plan became epic. Shainah's also my classmate. She's a friend as well. "Goodmorning students! Alam kong nagtataka kayo why you were not arranged according to your chosen courses. Well it wasn't fix yet but it'll be change as soon as posible. Ngayon, doon muna kayo sa kung saan ang pangalan niyo. If you'll ask if theres classes, yes ofcourse. We have attendance, start of class and the discussions but with regards to your section, well it's temporary. Maybe after a week you'll have your final section. We clear?" Tatango-tango ang iba pang nakikinig habang ang iba nama'y walang pakialam. May mga pagpapakilala pang naganap at syempre as usual, rules and regulations. Pagkatapos no'n ay bumalik na kami sa kanya kanyang classroom. Maingay at magulo.Well, marami akong nakikilalang mukha pero duh, never mind na. It's not my business to entertain naman. Iniyuko ko na lang ang aking ulo habang wala pang guro. Almost a week, we were compatible already with my new classmates. Ganun naman talaga, hindi mo masasabing hindi ka sasaya hanggat di kayo nagtatagal. After a week we shared laughter, jokes and found new friends.. A new circle of friends. Akala ko di ko magugustuhan ang bago kong section pero as time goes by, nagkamali ako. Masaya. Ngunit nakakungkot lang kasi alam naming di rin kami magtatagal. Mabubuwag din naman kami at mapupunta sa iba't ibang section. Hindi namin alam kung sino-sinong magiging magkasama kaya mas mabuting gawing masaya habang hindi pa dumadating ang araw na yun diba? Magkakalayo layo kayo pero atleast may memories na nabuo, maaring mapalitan ng bago pero hindi yun mawawala. Dumating ang lunes na syang kinalulungkot namin. Kahit naman sa kaunting sandali e naging panatag at naging masaya ang aming pagsasama. Heto na nga't dumating ang isang anusyo at ang lahat ay pinapapapunta sa gymnasium. Pagkatapos ng paliwanagan, nagkanya kanya na ang iba samantalang ang iba nama'y nagtutulungan sa paghahanap ng kanilang mga pangalang naka paskil sa mga pinto ng bawat silid. Kami nina Angie at Shainah ang magkasama sa paghahanap. Panatag kaming magiging magkaklase ulit dahil parehas lang naman ang kursong kinuha namin. Tumigil ang aming paghahanap ng makita namin ang aming mga pangalan. At tama nga ako, magkakaklase ulit kami. Section Plato Bagong section, bagong kamag-aral, bagong mukha. Kahit pa kasama ko ang aking mga kaibigan, hindi ko mapigilang mangamba. Ano nga ba ang naghihintay sa akin sa sectiong ito. Ano nga bang ala-ala ang magiging bahagi nito sa aking buhay? Sa bawat yugto o hakbang natin tungo sa tagumpay, hindi lang naman mga aralin at grado ang nagbibigay satin ng dahilan para pumasok sa paaralan. Mga ala-ala rin.. maging kaibigan. "Dannnnnnnniiiiiii!!!!!" Sigaw ko habang tumatakbo para yakapin siya. "Chessssssssaaaaaaa!!!" Tawag naman niyang balik sa akin. No'ng makarating na'koy nilundagan ko siya. Sinalubong niya rin naman ako ng yakap. Buti nalang at nabalance niya ang bigat ko kundi mapapahiga kami sa matigas na semento. Lol "Sus naman. Parang ilang taon kayong 'di nagkita e kakakita niyo lang naman kahapon.. tss,"pagtataray ni Angie. Ganyan yan e. Kontrabida lagi sa mga drama namin. Nabatukan tuloy ni Dan. Sa aming tatlo, si Angie ang nasa gitna. Kaming dalawa kasi ni Dan mga isip bata so siya yung nagbabalance tyaka matured na si Angie. Less drama rin yun. Mas madrama kami ni Dan tyaka sweet. Sweet din naman si Angie pero siya yung tipong di showy. At times.. pero di lage. "So totoo? Legit talaga? Classmate ulit tayo?" Di ko makapaniwalang tanong. Tiningnan ko pa ulit yung papel na nakadikit sa pinto. Linda Fernando Shainah Marie Fernandez Phinellialine Marchesa Gomez Lea Thea Gunde Llorreine Danica Herrera Rheyn Josun Jayne Joshua Angelica Mhein Lee Jane Perciano Jophiel Marielou Soriano Chessa Vio Sumandig Binasa ko ulit mga pangalan namin... Llorreine Danica Herrera Angelica Mhein Lee Chessa Vio Sumandig "Ahhhhhhhhhhhhh!!!!" sabay pa kaming tumili ni Dan kaya yung mga tao napapatingin nalang samin. HAHAHHAHA magsi-tili rin kaya sila jan. MGA INGGIT! "Arayy!" Sabay naming sigaw ni Dan. "Para kayong mga takas sa mental, hay nako." Kaliit na tao, kelakas mambatok. Walanju. Sakit sakit ih. Babatukan ko rin sana kaso nagwalk out na. Nauna ng pumasok sa room. Aba bastos walang pasabi. Ughhhh! "May araw ka rin sakin makikita mo. Bwahahah-- aray!" napahawak ako sa batok. Anak ng.. nageevil laugh pako ihhhhh. "hahaahahaha para kang timang Chessa hahahha" tatawa tawang sabi ni Dan habang nauna na ring pumasok sa loob. Ewan ko sa mga 'to kung kaibigan ko ba o napilitan lang din sila. Ang sasalbahes kainisss. Pero kahit ganan yang mga yan, kahit puro pambabatok ang natatanggap ko.. di ko mapigilang mapangiti. Last year lang naman kami nabuo. Last year lang naman pero parang ilang taon na. Ang dami na naming napagdaan. Nagsimula lang naman kami sa simpleng pagtatanong ng direksyon, simpleng pagsabi ng 'natatae na ko' at sa simple niyang pagtawa pero ngayon... parang ang layo na ng narating. Sobrang swerte ko sa kanila. Hindi naman pala talaga nasusukat ang kaibigan sa tagal ng panahon, sa ganda ng simula, o sa simpleng ngiti lang. Kasi sa kaibigan, hindi ka lang pangingitiin.. kundi patatawanin ka. Hindi ka nila ituturing na basta kaibigan lang... Kundi kapatid. The tres marias are now backkk :) "Welcome to section Plato. I am your class adviser either you want it or not. Nah, u dont have a choice. As of now, we dont have seating arrangement so you are free to choose where you wanted to sit as long as di magulo. Kasi kung yung pagiging talkative niyo e sobra na, thats when I'll put you somewhere away from your previous chair or better outside.You want that?" Pag-eexplain ni sir or maam ba. Hay ewan. May kembot kasi sa bawat salitang binibitawan pati pitik ng kamay kaya madaling mahulaan tho lalaking lalaki ang dating at pogi pa. Errr. "No, sir." Sabay sabay naming sagot. "Good. So for now, We dont have discussion instead I'll orient you about our grading system....." At nagpatuloy na siya sa pageexplain. Dahil wala pa namang proper arrangement at wala talaga sa class ni sir which is odd sa mga previous classes and years because now, were free to choose so then nagtatabi kami. So here it goes. Ako yung nasa pinaka edge dikit ng pader. Gusto ko kasi sa may pader bukod sa pader din ako (echus) gusto ko lang may masandalan habang nakikita mo yung buo mong classmate. Tabi ko si Shainah tapos si Jayne then si Angie at sa kabilang edge naman ay si Dan kasi daw di daw sila makakapakinig tyaka makakapagconcentrate kung ako daw katabi like duhh.. tinanong ba nila ako kung gusto ko rin? mga feeling !!! Chos hahahaaa. Attentive tyaka nagpaparticipate kasi talaga si Dan kaya gusto niya e malapit siya kay teacher. Matalino yun e. While si Angie naman.. Nako feeling lang yun! hahahhahahaha dejwk lang nakikinig din yun. Nasa pinakaharapan kami. Magkaklase lang din kami last year kaya kami kami nalang din yung nagtabi. Parang unang araw lang din. At sigurado akong magiging masaya hindi lang ngayon.. kundi sa buong taon. Panigurado. Days had passed kaya't nagkakaigihan na ang iba. "Ay takte!" sa gulat ko napahawak pa ko sa dibdib. Jusko! Muntik na yun ah tokwa! Sino ba naman kasing papansin itong namamatid?! Paglingon ko, ayun lumipad na ang walangya. Grrr! "Chess dali ka rito!" tawag ni Shainah sakin habang natatawa pa sa ginawa nung lalaking katabi niya. "Gusto ka raw makilala ng espren ko" dagdag niya habang nakangisi ang katabing kumag. Parang di ko naman na siya kilala e classmate nga kami. Boplaks lang? "Utot niya!" Inirapan ko siya sabay talikod. Tss badtrip -,- ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD