Simula
Paalala: Ang kwentong ito ay pawang kathang isip lamang. Gawagawa lang ng makulit na imahinasyon ng may akda. Ang mga tao, bagay, lugar, Aksidente, Negosyo at mga pangyayari sa kwento ay produkto lamang ng bulate sa utak ng manunulat.
______________________________********
Zhariya Celestine Hermosa Alvarez
"At the age of 24 po Paano nyo po napagsasabay ang pagsusulat nyo at pagiging Chairwoman nyo sa Hermosa High University? Plus may anak at asawa pa po kayo" tanong ng isang fans na sinangayunan ng iba
"oo nga!"
"How to be you po"
Sigaw ng iba
Napangiti naman ako Sa tinuran nila
Kasalukuyan akong nasa Fan meeting/Booksigning ngayon. Booksigning ng bago kong story na "Memorize all the Memories"
Ang "Memorize all the Memories" ay kakatapos ko lang isulat noong nakaraang dalawang buwan lang halos mahigit Isang taon ko rin itong sinulat at katatapos lang nitong disyembre
"ah siguro ay time management. Kung napapansin nyo ay medyo mabagal ang progress ko sa story dahil nagkakaroon din ako ng writer's block pero ginagawan ko rin ng paraan."
"Naging hadlang rin po ba sa bonding nyo ng anak nyo ang pagsusulat nyo" tanong naman ng isa.. Napaisip naman ako
"Ah hindi naman, Actually yun pa nga ang naging bonding namin mukha ngang namana nya saakin ang hilig ko sa pasusulat ng kwento" nakangiting sagot ko sakanya habang iniisip ang anak kong si Ivelle Celestina na ngayon ay 6 years old na
"Naiisip nyo na rin bang huminto sa pagsusulat at magfocus nalang sa Husband and Daughter nyo?" Umiling ako
"No. I didn't. Buhay ko ang pagsusulat at hindi ko kailan man inisip na iiwan ko to siguro noon inisip kong magpahinga muna pero bumalik din ako dahil parang hinanap hanap ko yun. Parang ang hirap iwan. Para syang nakakabit na saakin at di na matatanggal pa. Ang pagsusulat kasi para saakin ay parang gumagawa ka nang sarili mong mundo Kung saan ikaw ang may kapangyarihan ikaw ang magkokontrol ng lahat dahil nga ikaw ang may akda at hindi ko talaga maiisip na iwan dahil mahal ko ang pagsusulat.Sumasaya ako kada may isinusulat ako kaya bakit ako hihinto diba. Hindi rin ako magiging si Zhariya Celestine kung hindi ako nagsusulat parang kulang ang pagkatao ko" ngumiti naman sila... Hindi ko kailanman naisip na huminto sa pagsusulat. Hindi ko alam kung bakit di ko to maiwan-iwan parang nakatatak na sa boung kataohan ko at ang hirap ng tanggalin
Pag tapos ng book signing at Fan meetings ay sinundo na ako ni Lester ang Asawa ko
Isa syang doctor.
"Nasa school pa si Ivelle?"humalik ako sa pisngi nya.
"Yup! Kamusta ang book signing mo?" pinagbuksan nya na ako ng pintuan ng sasakyan tsaka sya umikot at sumakay na
"Ayos naman. Grabe Nakakamiss pala ilang buwan din akong nagpahinga. I just felt that I'm home"
"You really love to write huh. I'm glad to hear that honey" ngumiti naman ako sakanya at kinabit ba ang seatbelt
3 years na rin kaming kasal ni Lester. Ayos naman ang pagsasama namin walang problema, bihira kaming magaway dahil lagi nya akong iniintindi. Pero kahit ganon pakiramdam ko talaga may kulang siguro dahil pinagkasundo lang kami ng both parents namin na magpakasal
Habang si Ivelle ay ampon namin. Anak ng namayapa kong pinsan. Naalala ko noong una kong nakita iyang si Ivelle sa burol Nicole ang pinsan ko isang taon palang sya noon at naiwan na sya ng Mama nya. Wala pa syang kaalam-alam at napaka inosente pa nya wala pa syang alam sa mga nangyayari. Kinausap ko si tita na lola ni Ivelle mahina na rin sya noon at alam kong hindi nya na rin kayang alagaan si Ivelle kaya sinabi kong aampunin ko nalang ang bata Pumayag na rin sya dahil bukod sa hindi nya alam kong sino ang tatay ni Ivelle hindi nya rin matanggap na nang Dahil sa bata ay namatay ang anak nya. Lumala kasi ang kumplikasyon ni Nicole sa puso simula ng ipanganak nya si Ivelle. Nung panahong iyon ay engaged narin kami ni Lester wala namang problema sakanya ang pag ampon ko sa bata Sa katunayan nyan ay ibinigay nya pa ang apilyedo nya kay Ivelle
"Mama, Papa" masayang tawag saamin ni Ivelle at niyakap kami. Binuhat naman sya ni Lester ako naman ay hinalikhalikan sya bahagya naman syang tumawa dahil sa kiliti
Nagaaral na si Ivelle sa Hermosa High University ang school na pagmamay-ari ng mga magulang ko na pinamana saakin kasalukuyang pre-school na sya.
"Where do you want to go ba--" di ko natapos dahil biglang may bumungo saakin na matanda kaya napaupo ako sa semento tinulungan naman ako ng ali pero ang pinagtataka ko ay ang kakaibang tingin nya ng aalisin ko na ang kamay nya mas lalong humigpit ang hawak nya sa braso ko
"Alam kong nararamdaman mo na may kulang, na may mali. Hindi magtatagal ay malalaman mo rin yun at kapag nangyari ang mga yun magbabago ang lahat, Magbabago ang takbo ng buhay mo maari ring mawala ang lahat saiyo at ang kapalit nun ay magbabalik sya ang totoong sya" bigla akong nakaramdam ng takot anong ibig nyang sabihin? Biglang kumabog ang puso ko ng malakas pilit akong kumakawala sakanya pero mas lalong humihigpit ang hawak nya namumula narin ang pulsohan ko at humahapdi narin sa higpit ng kapit nya
"Lola, nasasaktan na po ang Asawa ko bitiwan nyo po sya" Si Lester, tinanggal nya ang ang kamay ng lola sa pulsuhan ko di narin naman nag piglas kaya natanggal din tinignan nya rin ng masama si Lester
"Sulitin mo na ang ng Lahat ng nasa iyo ngayon dahil darating ang panahon mawawala lahat yan at walang matitira ni isa" hindi ko alam kong kanino nya sinasabi yun pareho kami ni Lester na parang nabahala sa sinabi ng Matanda tinignan nya pa kami ng masama bago sya umalis
"M-Mama,P-papa? Who is she?" napalingon ako kay Ivelle na mukhang natakot rin sa Ali, hinila ko nalang sya at niyakap para tumahan na sya
"Huwag mo nang isipin yun" Si Lester habang nakatingin sa harap at hawak ang kamay ko. Nasa kotse kami at pauwi na Nakatulog na rin si Ivelle nasa Backseat
"Natakot lang siguro ako sa lola H-Hon" Habang nakalingon ako sa labas pinagmamasdan ang ulan
"Don't overthink to much makakasama yan sayo" tumango nalang ako sakanya at ngumiti kahit pareho lang kami na napilitan sa kasal na Plinano nang pareho naming magulang di naman nya pinaramdam na hindi nya ako gusto o wala syang pakealam saakin, In fact inaalagaan nya ako at si Ivelle nang maigi kaya maswerte pa rin ako sakanya, Kami ni Ivelle
"Yeah. Baka napapraning lang ako"sabi ko nalang at tumawa
Pag dating namin sa bahay ay hindi parin ako tinantanan ng sinabi nang matanda saamin
"Alam kong nararamdaman mo na may kulang, na may mali. Hindi magtatagal ay malalaman mo rin yun at kapag nangyari ang mga yun magbabago ang lahat, Magbabago ang takbo ng buhay mo maari ring mawala ang lahat saiyo at ang kapalit nun ay magbabalik sya ang totoong sya"
Pilit akong binabagabag ng mga sinabi nya at parang mabigat ang pakiramdam ko ngayon marami na ring tanong ang bumabagabag saakin ngayon
Sinong sya ang tinutukoy ng lola kanina?
Magbabago? May mawawala s-sino?
Kinalibutan ako sa iniisip ko, bigla rin akong nahilo at sumakit ang ulo ko bumibigat na rin ang pakiramdam ko mukhang magkakalagnat pa ata ako
"Mommy" nagising ako sa ulirat sa tawag ni Ivelle, oo nga pala tinuturuan ko sya ngayon sa aralin nila. Masyado na nga akong magooverthink pati pagtuturo sa kanya di ko matutokan
"Uhm?Why baby?" Malambing ko ng sabi at niyakap sya
"Are you okay po? Init mama init" Hawak nya ang leeg ko kinapa ko rin yun at napansin ko ngang nilalagnat ako sabi na nga ba kaya medyo mabigat ang pakiramdam ko ngayon ay nilalagnat na ako. Bigla namang pumasok si Lester sa study room ni Ivelle at kinapa rin ang noo at leeg ko nang mapagtanto nya na nilalagnat ako ay inalalayan nya ako papunta sa Kwarto namin pinahiga nya ako at nilagyan ng Thermometer. Sobrang bigat na rin ng ulo ko ngayon parang nilalamon na ako ng Antok nanginginig na rin ako sa Lamig kaya kinumutan na ako ni Lester tinanggal nya na rin ang thermometer
"Dito ka lang Ivelle bantayan mo si Mama kukuha lang ako ng gamot at Bimpo ha?" Rinig kong kausap ni Lester si Ivelle nakita ko namang tumago si Ivelle nang makaalis na si Lester tsaka lumapit si Ivelle saakin
"Are you fine now Mama? init ng body mo momma" hawak nya ang kamay ko, lihim akong napangiti dahil ang sweet ng anak ko
"shss Mama is fine.Magpapahinga lang si mama hm? It's already 8pm baby go to your room now and sleep" umiling-iling sya tsaka tinuro ang sofa
"Doon po ako matulog Mama babantayan ka po namin ni papa Lester" Wala akong nagawa kundi pagbigyan sya dahil kukulitin lng nya ako hangga't di ako pumapayag. Unti-unti narin akong nakatulog dahil sa bigat ng pakiramdam ko
Nagising ako nang may bahagyang yumugyug saakin pagmulat ko ng maga mata ko unang bumati saakin ang sikat ng araw
"Buti naman at Na gising ka na " Isang lalaki ang unang bumati saakin nakangiti sya kaya kita ang dalawang malalim na dimples nya, napatulala ako sakanya hindi magpakakaila na napakagandang lalaki nang nasa harapan ko. Moreno, Kulay Tsokolateng mga mata, Matatangos na ilong, Maninipis at mapupulang labi Matikas at Malaki rin ang kanyang katawan mukhang nag-gygym ata to at kung titignan ang kabuoan nya ay mahahalata mong galing sa may kayang pamilya, base sa postura nya ay nasa edad 20 na sya
"tama na ang pagtitig saakin baka matunaw ako nyan" natatawang sambit nya hindi ko napansin na kanina pa pala ako nakatitig sakanya kaya iniwas ko ang tingin ko ginala ko ang mata ko at napagtanto kong wala ako sa bahay ko ngayo Panay puti ang nakikita ko pati ang kama puti lumaki ang mata ko at..
"P-patay na ba ako ako" wala sa sariling sambit ko, Anghel ba itong lalaki sa harapan ko wag mong sabihing namatay ako nang dahil sa lagnat.. Paano nalang si Ivelle at si Lester ngayong patay na pala ako natigil ako sa pagiisip ng marinig kong humalaklak ng tawa ang Misteryosong lalaki sa harapan ko, napakunot ang noo ko anong problema netong taong to? May sira ata utak nitong lalaking toh sayang napakagwapo pero baliw naman mukha namang nabasa nga ang nasa isip ko ya tumigil sya kakatawa pero di parin natatanggal ang ngit sa mga labi nya
"Hindi ako nasisiraan ng ulo Celeste. Natatawa lang ako sa tanong mo Hahaha ehermm" Bigla syang nasamid sa dahil pagtawa hindi ko naman napigilang matawa ng mahina. Yan ang karma mo tawa ng tawa eh inirapan nya lang ako mukhang nainis sa Pagtawa ko. Luh kasalanan ko bang kinarma sya dahil pinagtatawanan nya ako
"tsaka hindi ka pa patay nasa clinic ka ngayon, sira! dahil nga nahimatay ka kanina habang nasa klase tayo. Sila Janine at Kheana ay pupunta na rin sila dito In-excuse kalang nila ka prof. Mendoza alam mo naman ang prof natin na yun daig pa ag babaeng nag me-menopausal tsk!tsk" teka ano raw? Di ko maintindihan ang lalaking to ni hindi ko nga kilala ang mga tinutukoy niya lalo na siya sino ba sya? At anong Celeste? Bakit Celeste pinangalan nya saakin? Ang hindi ko maintindihan ay ang biglang pagkabog ng dibdib ko naghuhurumintado sa lakas parang pamilyar ang kabog ng dibdib ko na ito. hindi naman ako ganto sa harap ni Lester ah
Mamaya pa ay may pumasok na dalawang babae ang isa ay tulad nitong lalaki sa harap ko Morena,May salamin at may dalang mga libro parehas din sila ng Mata na kulay tsokolate Maganda rin sya, at ang isa naman ay nakakatulala ang ganda nya Misteza at Mas matangkad naman to, maputi rin naman ang balat ko pero yung kanya ay kakaiba jusko parang papel na sya sa sobrang puti nahiya naman ang kulay ko Abala sya sa pagcheck ng gamit sa bag nya. What the heck? Tao pa ba tong mga to? Mukhang Mga diwata at Itong isa mukhang prinsipe kigaganda ng mukha nahiya naman ako sa itsura ko
"Beshy! Tsk! Anong nangyari sayo ayos ka lang ba?" nagaalalang sabi ng mistezang babae, Mahinhin din ag boses nya. Napansin ko rin ang simpleng pag tingin nya sa lalaking nasa gilid ko nung tumingin din sakanya ay pumula ang pisngi nya at nagiwas ng tingin
"Na excuse ka nanamin Bes kay Prof. Sa bukas ka nalang daw mag quiz sa kanya" Yung Morenang babae nakakatulala rin ang ganda nya kahit nakasalamin sya ay lumilitaw parin ang kagandahan nya, medyo masungit ang boses nya. Grabe talaga nasa mundo ba ako ng mga Engkanto
"uy ano Celeste di ka ba magsasalita?" Yung Morena nagaalalang tumingin na saakin
"Titingin ka nalang ba saamin? May problema ba?"yung Misteza nagaalala ri
"Nako ganyan din yan saakin nung pagkagising nya nakatitig lang saakin"
"Sino ba kayo ha?mawalang galang na pero hindi ko kayo kilala" tsaka ako tumayo napakunot ang noo nila tsaka nagkatinginan at
1....
..
..
..
2.......
..
..
..
3.....
..
..
..
"HAHAHAHAHA HAHAHAHAHA HAHAHAHAHA" sabay silang humagalpak ng tawa ang lalaki sa gilid ay pinagpapalo ang kamay ko at halos di na makahinga sa pag tawa ag dalawa naman ay nawala ang pagkamahinhin dahil sa lakas ng tawa nila grabe para silang prinsesa at prinsepe na naging Monster dahil sa tawa nila nang mahimasmasan sila ay sabay silang tumingin saakin
"Nabagok ata ulo ng kaibigan natin" yung lalaki iniripan ko lang sya dahil sa inis
"Ay baka nabaliw na dahil sa hirap ng Exam natin kahapon" yung babaeng Morena na nagpipigil ng tawa pareho ng sa lalaki ay may dimple din sya sa Kaliwa ng pisngi nya medyo may pagkahawig din sila
"Shsh tama na yan!"awat sa kanila nung Misteza "Baka pagod lang sya. Di mo maalala siguro dahil nastress ka sabi sayo wag kang magpapagod eh!"dadag nya sinermonan pa ako
"hays sige papakilala ko nalang hah" yung lalaki
"ako si Elijah Marbhan Zaldua bestfriend mo madalas mo ako tawaging Marbahntot o diba putek Celeste tunay ngang mabantot ang palayaw mo saakin" yung lalaki. Natawa naman ang dalawa maski ako natawa dahil ang cute nya magmaktol parang bata
"ako si Kheana Alisa Santos beshy mo madalas mo kong tawaging Kheanang" yung Mestiza napairap sya sa huling salita sumingit naman ang dalawa
"Parang Manang" at humagalpak sila ng tawa hindi naman na offend si kheana dahil tumawa rin sya, pansin ko rin ang kakaibang tingin nya sa lalaking nag ngangalang Elijah
"And I am Amora Janine Zaldua I am your Best bessy s***h Study partner at kinakahiya ko man na sabihin ay magpinsan kami netong marbhantot na si Elija----" naputol ang sinasabi nya nang batukan sya ng pinsan nya nagreklamo naman sya binatukan din nya yung Elijah. They look familiar to me even their names
"hay nako para tayong tangang nagpapakilala dito, pinaprank lang tayo netong si Celstengpangit na to eh" Nagpantig ang tenga ko sa sinabi ni Elijah
"Napakakapal naman ng mukha mo" hindi ko na napigilang masabi tsaka sya inirapan sya naman ting parang nanalo sa lotto
"Uy nagbalik na ang Amazonang pangit kong bestfriend sabi senyo joke nya lang yun eh" para akong mahihimatay sa lakas ng t***k ng puso ko bahagya rin akong namutla para akong tinakasan ng dugo sa katawan dahil nakayakap sya saakin patalikod. Para na akong nagtaksil sa asawa ko neto ah bahagya akong napalingon kay Kheana nakita ko sa mga mata nya ang Selos, nagseselos sya? boyfriend nya ata to tapos itong lalaki kung makayakap kala mo sawa na nakapulupot saakin akin eh
"Arghh nasasakal ako peste!" inalis ko ang kamay nya sa leeg ko natatawa-tawa nya naman akong tinignan parang abnormal
Ang pinoproblema ko ay kung paano ako makakauwi sa bahay--teka pamilyar ang clinic na it-- tama ito yung clinic sa Hermosa High University kung ganon nasa school lang ako siguro itong tatlong taong to napagtripan lang ako pero paano ako napunta dito--Arghh never mind
"Gusto ko nang umuwi"sabi ko sakanila tumango tango sila
nasa sasakyan na kami at nakatingin ako sa bintana nasa Backseat ako katabi si kheana habang si Janine ay nasa front seat at si Elijah naman ang nagmamaneho
Paano kaya ako napunta sa school? Itong mga studyante na to ako pa napiling pagtripan
napatigil ako nang mapagtanto na maling daan ang tinatahak namin
"Teka mali yung daan--sa kaliwa ang bahay ng Asawa ko" napalingon naman sila saakin at tumawa nanaman
"Nababaliw ka na talaga ata Bes" si Janine habang pinupunasan ang salamin nya
"at kailan ka naman sinakal ha--este kinasal Celstengpangit" Si Elijah na di nakatingin dahil nagmamaneho
"kaka 18 mo lang noong friday tapos kasal ka na?" Si kheana, natatawa parin sila kaya hinayaan ko nalang. Saan naman nila ako dadalhin at hano raw? Kaka-18 ko lang? Ganoon na ba ako kababyface para pagkamalan na 18 jusko 24 years na akong nabubuhay sa mundo noh!
Tumigil ang sasakyan sa malaking gate noong una ay wala pang makita kundi mga bulaklak parang pamilyar to ah haggang sa marating namin ang Isang Malaking Mansyon__teka-- parang ganto ang isa sa mga lugar na nabanggit sa story ko na "Memorize all the Memories" Napatingin din ako sa mga taong kasama ko now I know kaya pamilyar isa sila sa mga characters sa Nobelang isinulat ko Wag mong sabihing-- no! no! no Erase! Erase! Erase- Panaginip lang to oo Zhariya panaginip lang dala lang to nang lagnat mo kaya kung ano-ano napapaniginipan mo gigisingin ka rin ni Lester mamaya antay ka lang
"Huy Celeste baba na dyan" natauhan ako ng bumukas ang pinto nang sasakyan kananina pa pala sila nakababa
"B-Bahay ko ba ito?" tanong ko na weirduhan naman sila
"May sakit ka ba? Oo naman diba sa inyo to?" Si kheana na kinapa pa ang noo at leeg ko
"Baka ipekto yan ng pagkahimatay nya kanina" Si Janine na lumapit din saakin para icheck din ako
"Hay nako nagpapalipas ka nanaman ng gutom kaya ka nahimatay kanina, sabi sayo wag ka nang magdiet eh. Kahit naman magmukha kang balyena sa katabaan ay kaibigan mo parin kami" matotouch na sana ako kaso "ateast diba pag tumaba ka may unan at higaan kaming malambot parang water bed lang" binatukan sya ng pinsan nya dahil sa pinagsasabi nyang walang sense hindi ko alam baka may lumot utak nya kaya walang maisip na matino
"Puro ka kalokohan." Bumaling sya saakin at hinawakan ang kamay ko "Tara na pasok ka na sa bahay nyo" tsaka nya ako hinila papasok halos malalaglag ang panga ko dahil gantong ganto ko inilarawan ang Casa Hermosa sa Story ko ang lugar na nasa story ko ay hango sa Mansyon ng lola ko na mama ng mommy ko pero hindi yun dito sa pilipinas dahil nasa Canada iyon mula sa Interior na may mga halong Spanish/Filipino Interior Design kuhang kuha pati anggolo ng Mansyon kaya pala pamilyar ang mga nadaanan namin na hardin ng mga bulaklak. Nanaginip ba ako? Siguro nga ay ganon nga marahil dahil katatapos ko lang isulat kaya di ko makalimutan at pati sa panaginip at nasa utak ko parin
Pumasok kami sa kulay pink na pintuan bumungad saamin ang pinaghalong pastel pink at pastel Violet na Kwarto.. May kingsize bed na kulay pastel pink at pastel Violet din ang study table sa gilid ay kulay puti pero ang mga gamit ay kulay Violet at pink para akong mabubulag dahil pareparehas ang kulay na nakikita ko-- Grabe ang girly masyado napakalaki ng kwarto parang ganto rin kalaki ang Masterbedroom namin ng asawa kong si Lester
"Para kang palakang gulat na gulat at manghang mangha ka masyado Celestengpanget" biglang banggit ni Elijah para mapatalon ako sa gulat
"Sige na aalis na kami Beshy magpahinga ka ah bye" si Kheana humalik pa sa pisngi tsaka nauna nang lumabas
"Oy bes a-alis na rin kami hah kunin ko na tong pinsan kong punggok pahinga ka dyan" Si Janine na pilit hinihila si Elijah
"huy yung sabi ko ah wagpapalipas ng gutom kumain ka kaya ng marami grabe buto buto kana pwede ka nang ihagis sa aso para ngatngatin mga buto mo" di ko alam kung concern ba sya o nangaasar lang. Nagpahila narin sya sa pinsan nya sinara ko ang pinto naphawak ako sa bandang puso ko rinig ko ang malakas na tambol nito na para bang nagwawala sa loob loob ko
"What the heck--nababaliw na ata ako"bulong ko sa sarili ko ginala ko ang paningin ko maganda ang kwarto malinis--napatigil ako sa paglilibot sa kwarto nang marinig ko na bumukas ang pinto
"Kamusta Zhariya" napatingin ako sa pamilyar na boses paglingon ko ay ang matandang babae sa school pero medyo pinabata sya nang unti siguro nasa edad 65+ang itsura nya nang makita ko sya sa school ngayon parang nasa mid 50 palang sya ang hindi ako sumagot ay nagpatuloy sya sa pagsasalita habang naglalakad papalapit saakin
"Marahil nagtataka ka ngayon iha. Sigurado akong maraming tanong na gumugulo sa isip mo ngayon Ako nga pala si Emilda Lola Emily ang tawag saakin ng karamihan" nakangiting sabi nya ibang iba sa lolang sobra kung makatingin ng masama
"Bakit po ako nandito sa Istoryang isinulat ko panaginip ba to?" wala sa sariling tanong ko
"Sa ngayon Oo parang panaginip mo palang dahil diwa mo pala mang ang nakakapasok sa portal" nangunot ang noo ko
"P-portal?"
"Oo portal. Ang portal ay ang nagdudugtong sa totoong mundo kung saan nakatira ang totoon tao katulad mo at sa Mundo ng buhay na kwento kung saan nakatira ang tulad kong taong libro na nabubuhay sa nobelang gawa ng mga totoong tao" nakangiting sambit nya, hindi ko naman sya maunawaan
"Ano ho? Ano hong portal? Hindi ko kayo maunawaan buhay na kwento? Isa lamang yung nobela na gawa gawa lamang at kathangisip ko lang at Teka paano nyo naman nalikha ang portal?" nababaliw natalaga ako
"Hindi ako ang lumikha. Isa lang ako sa tagapangasiwa sa portal kung kaya't malaya akong nakakapunta sa lugar ninyo at lugar na ito at ang Nobela mo ay may sariling buhay na maaring magbago ang takbo ng kwento kung gugustuhin ng mga tauhan ko" naguguluhan na ako
"Ako po ang may akda kaya ako lang ang maaring magbago ng takbo nito kung kailan ko man gustuhin" umiling naman sya
"Hindi mo nga nauunawaan ang mga sinasabi ko"
"Tingin ko po nanaginip lang ako haha o kaya nababaliw na ako o kaya baka binabangugot ako. sabihin nyo po saakin kung paano magising at nang makaalis na ako o ang diwa ko dito" umiling sya
"Sa isang kondisyon." ano namang kondisyon yun?
"Ano po?"
"Kailangan kita.Tutulungan mo ko pagdating mo sa Totoong mundo doon ko sasabihin" tumango nalang ako
"Ipikit mo lang ang mata mo at isipin na bumalik kana sa Mundo mo" sinunod ko ang sinabi nya
Napabangon ako sa kama nang pawis na na pawis hindi narin mabigat pakiramdam ko inikot ko ang paningin ko nasa kwarto ako namin ni Lester buti naman
"Panaginip lang pala"
~To be Continue...