ARMANDO'S POV
"f**k that woman. Kapal ng mukha. Ang lakas ng loob na pagtripan ako"
Nakaupo ako ngayon sa swivel chair sa aking opisina. Nagpuputok ang butsi ko sa inis sa janitress na yon. Hanggang ngayon hindi parin ako maka move on sa ginawa nya sakin. Hindi naman ako takot na mawalan ng trabaho dahil hindi naman ako mamumulubi. Marami akong pinagkakitaan, sideline kung baga. May sarili ring negosyo ang pamilya ko. Hindi man kasing laki ng DV GLOBAL CORPORATION pero sapat na para mamuhay kami ng marangya. Pinipilit nga ako ni Daddy na ako na ang mamahala ng negosyo pero tumanggi ako. Ayoko kong ma stress. Kaya pumasok ako sa kompanyang ito para makaiwas sa alok niya. Kaibigan ko ang magpinsang Brandon at Bruce. At dahil si Brandon ang CEO hindi ako nahirapang makapasok.
"Kala mo gwapo, mukha namang tsaka, mukhang palaka" nag eecho sa isip ko ang sinabi niya kanina.
"Huh, sa gwapo kung ito, maraming nagkakagusto sa hitsurang to. Halos magkandarapa nga ang mga babae mapansin ko lang. Yung iba nga halos maglupasay na sa kilig pag binati ko, bati pa lang yun ha..pero para sa kanya mukhang palaka lang ako?s**t!!" Duling yata ang babaeng yun." pag aalburuto ko. Bigla akong na concious sa hitsura ko kaya tumayo ako at lumapit sa salamin sa pinakadulo ng office ko.
Tinitigan ko ang mukha ko sa salamin. Lumingon ako sa kanan maya maya ay sa kaliwa naman. Enexamin kong mabuti bawat anggulo nito baka nga totoong mukha na akong palaka. Pero kahit saang anggulo ko tinggnan wala akong makikitang bakas ng palaka.
"Haist! bat ba ako nagpapaniwala sa babaeng yon?" "At inaalok pa ako ng sampung pisong underwear. Huhh, Anong akala niya sakin, namumulubi na at di kayang bumili ng branded? Baka gusto niyang isampal ko sa mukha niya ang mga branded kong brief." kausap ko sa aking sarili sa salamin.
Nasa ganoon akong posisyon ng may biglang nag salita sa pintuan.
BRUCE'S POV
Kumatok ako sa office ni Armando pero walang sumagot. Sabi ng secretary niya nasa loob siya kaya binuksan ko na ang pintuan. Pagbukas ko ng pinto nagulat ako ng makita syang kinakausap ang sarili sa harap ng salamin. Binabaling niya ang mukha niya pakaliwa at pakanan habang may binubulong. Pinapakinggan ko ang mga sinasabi nya pero hindi ko masyadong maintindihan dahil hindi naman ganun kalakas ang boses nya. Natatawa akong pinagmasdan sya, hindi niya yata napansin ang pagdating ko.
"Bro." tawag ko sa kanya. Nagulat pa siya ng marinig ako at lumingon sa akin.
"Huh. Kanina ka pa dyan?"
Pumasok na ako at umupo sa sofa na nasa bandang gilid lang.
" Yeah. Anong nangyayari sayo at kinakausap mo ang sarili mo. Mukha kang ewan diyan."
"Nothing. Bakit ka ba nandito?" iwas nya sa tanong ko.
" Sagutin mo muna ako kung anong nangyayari sayo. My God bro, para kang sinto sinto dyan . Teka, nagpapa check up ka ba? Baka kung ano na yan bro? natatawa kong sabi.
"You, moron! sapak gusto mo?'
"Concern lang ako bro. Kahit sinong makakakita sayo, mag iisip kung normal ka pa ba. Baka may problema kana hindi mo lang namamalayan" asar ko sa kanya pero pinipigilan ko ang tumawa baka sapakin nga ako.
" At ano yung palakang narinig ko ha? Kelan ka pa nagkainteres sa palaka?" Bigla akong tumawa ng malakas dahil naalala ko ang hitsura nya kanina sa harap ng salamin.
Kinuha niya ang ballpen na nasa ibabaw ng mesa at binato sa akin pero mabilis akong nakailag. Kumuha siya ulit ng isa pa at binato ulit ngunit nakailag ulit ako. Tawa ako ng tawa dahil sa naiinis niyang mukha.
"Ayaw mong matamaan ha, tingnan natin kung makailag kapa ngayon."
This time hinubad na niya ang sapatos niya. Akmang ibabato na nyang muli sa akin nang may magsalita.
". What happened here?" Nabitin sa ere ang kamay ni Armando na may hawak na sapatos at sabay kaming lumingon sa pinto.
" Anong nangyayari at oras ng trabaho ay nagbabangayan kayo.?" Nagsalita ang aming mahal na CEO, si Brandon, na akala mo napakaseryoso eh isa rin tong isip bata.
" At ano yung naririnig kong palaka? Hanggang dito ba naman naririnig ko pa rin yang palakang yan." tanong niya.
"So may alam ka sa palakang sinasabi nitong Armando.?"
" Anong Armando? matuto kang gumalang ha, mas mataas ang position ko sayo" biglang sabat nito.
"Ok sir Armando kung yan ang gusto mo. Mas mataas ka nga sa akin pero mukha ka namang may sayad." asar ko na naman sa kanya
"May sayad pala ha.." Bigla itong ngumisi.
"See? tignan mo, kani kanina lang nanlilisik na yang mata mo na parang aatake, ngayon bigla ka na lang ngumisi, baliw ka nga o di kaya may sapi ka."
Nakangisi pa rin ito at nagsalita. "Puwes tikman mo ang ganti ng isang baliw, dahil ito ang totong atake, hahaha." Sabay bato niya sa akin ng hawak niya pa rin palang sapatos kanina at dahil hindi ako nakapaghanda, hindi ako nakailag, ayon sapol ako sa noo.
" Aaahh, f**k you bro!! Shiit! ang sakit.." saad ko habang nakahawak sa aking noo. "Magkakabukol to mamaya eh"
Nakangisi pa rin ito na akala mo nanalo sa pustahan.
Umiling iling na lamang si Brandon at nagsalita
" We have a meeting by 10 o'clock, so get ready, this is very important"
"Ok sir, sabay naming sagot ni Armando.
" Ikaw bakit nandito ka, wala ka bang sariling opisina? Kausap niya sa akin.
" Eh yayain ko sana siyang magbonding mamaya kaso wag nalang baka dun pa sapian eh, nakahihiya." Nakangiti kong sabi sabay tingin kay Armando na nag uumpisa na namang kumunot ang noo. Sarap asarin eh.
Tumingin ako ulit kay Brandon.
"Bro, pwede mo bang sabihin sa akin kung anong meron dun sa palaka. Nacurious ako e dahil parang ang palakang yan ang dahilan ng pag aalburuto nitong kaibigan mo."
"You shut up!! kalalaki mong tao napakatsismoso mo." Bakit hindi ka nalang pumunta sa opisina mo at magtrabaho." asar n naman nyang sagot.