CHAPTER 1
Dala ang resume, nakatayo si Amari sa harap ng building na pag-aari ng kanyang pamilya. Nakatanaw ito sa matayog na building habang piping umuusal.
"Mahuhuli rin kita. Kung sino ka mang hayop ka titiyakin kong may paglalagyan ka. Hindi pwedeng sisirain mo ng ganun ganun lang ang pinaghirapan ng pamilya ko. Sisiguraduhin kung magtatagumpay ako sa misyong ito."
" Excuse me!!! excuse me!!! Habang nagmamadali ang babaeng paparating ay nasagi nito ang kanyang kamay dahilan upang malaglag ang mga dala nyang resume at iba pang dokumento."
"Aaayyy!! Ano ba yan. Dahan dahan naman miss." Sambit nya sa babae habang pinupulot ang mga dokumento.
"Eh, ba't nakaharang ka kasi dyan sa daanan? Malalate na ako!"
"Aba! kasalanan ko pa ngayon kung malalate ka. Iba ka rin eh, no? Isisi ba naman sakin ang tardiness mo."
"Hmmpphh. Bahala ka na nga dyan.Pasalamat ka malalate na ako, kung hindi papatulan talaga kitang babae ka." Pagtataray nito sabay hakbang papasok ng building.
"Eh kung tanggalin kaya kita sa trabaho ngayon din? Piping usal ni Amari. " Kayang kaya kung gawin yun, isang pitik ko lng. Pasalamat ka rin nakadisguise akong ordinaryong mamamayang nangangailangan ng trabaho. Kung hindi sa kangkungan ang bagsak mo. Hmmph"
Maya maya pa ay napansin nyang lahat ng paparating na empleyado ay nagkukumahog na, tila ba nagpapaligsahan sa pagpasok ng building. At dinig na dinig nya ang usapan ng ilan sa mga ito.
" Dali!! Bilisan na natin! Baka mauna pa sa atin ang may ari ng kompanya, lagot talaga tayo."
" Hindi lang lagot. Baka wala na tayong trabaho maya maya lang pagnalate tayo."
"Naku wag naman sana. May pamilya pa akong pinapakain."
"Oo nga. Mabait kaya ang may ari? Baka may topak rin. Naku kinakabahan ako."
"Huh! may ari? si papa pupunta? bakit? tanon ng isip nya.
" Nakita nyo na ba yun? tanong ng isa pa.
"Hindi pa eh. Hindi naman pumupunta dito yun."
"Balita ko strikto yun.Pumupunta lang daw yun kung kinakailangan."
"Naku!! ano kayang problema at napasugod dito yun?" Baka magtatanggal ng empleyado."
"Huwag nman ganun besh, baka magdilang anghel ka."
"Minsan lang pupunta si Mr. Dela Vega kaya kailangan maayos ang lahat." dinig nya ulit sa mga paparating.
"Marco, icheck mo lahat kung nasa ayos na. Kailangan walang papalpak sa trabaho. ok?"
"Yes sir."
"Ok double time. Double time." parang kinakabahang sabi ulit nito."
Minsan lang pumupunta si Don Miguel dahil may pinapupunta lang itong katiwala kung may kailangan. Kaya nagtataka ang lahat pati si Amari kung anong nangyayari kaya lumapit sya sa entrance ng building at nagtanong sa guard na sa tantya niya ay nasa edad 40 at halatang hindi rin mapakali.
"Manong guard, Goodmorning po. Ano pong nangyayari bakit nagkakagulo ata kayo?"
"Aba ineng wag ka nang makitsismis pa."
"Manong naman tsismis agad? di ba pwedeng curious lang. Ikaw ba nman makakita ng taong nagkakagulo na para bang may darating na superstorm sa pagkataranta, hindi ka macucurious?" sagot niya.
"Ano bang kailangan mo ineng at nandito ka?"
Naalala niya ang pakay nya kung bakit nandito sya.
"Ahh, mag aapply sana ako manong, may hiring po ba kayo?"
"Ang alam ko meron, hindi ko lang alam kung anong vacant position. Pumunta ka nalang sa receptionist at magtanong. Ito bibigyan kita ng temporary pass para hindi ka sitahin sa loob."
" Thankyou manong."
Pagkapasok niya sa entrance ay saktong papalabas ang ilang empleyedo kasama ang ilang security guard. Nagmamadali at lakad takbo ang ginawa ng mga ito. Papunta ito sa kanyang direksyon. Kaya wala siyang nagawa kundi huminto sa gitna ng hallway habang nagtataka.
AMARI'S POV
"Anong nangyayari? Huhulihin ba nila ako? May pass nman ako ahh." tanong ko sa aking sarili.
"Naku miss umalis kana dyan sa gitna. Bilisan mo na." dinig kong sabi ng isang babae sa di kalayuan na nakapwesto sa reception area kaya nagtataka akong napalingon sa kanya.
"Huh! Bakit?" Hindi ko magawang ihakbang ang aking mga paa dahil sa gulat at pagkalito. Isa pa malapit na sa akin ang mga ilang empleyado na may kasamang security guard. Mukhang ako nga talaga ang pakay mg mga ito."Lagot na, anong gagawin ko ngayon? Ano naman kaya ang kasalanan ko. Wala naman akong nilabag na rules. E kapapasok ko pa nga lang." Nang ihahakbang ko na sana ang aking mga paa papalayo sa kanila ay bigla silang nagsalita nang sabay sabay.
"Goodmorning Boss.."
"Huh? Boss? Ibig sabihin kilala ako ng mga ito." tanong ng isip ko. Paano nila ako makikilala e halos walang nakakaalam ng pagkatao ko. Im a secret heiress ika nga. Tanging malalapit lang na kamag anak ang nakakaalam. Wala akong nagawa kundi ang gumanti ng bati sa kanila.
" Goodmoring.."
Ngunit napansin kung hindi sa akin naka sentro ang tingin nila kundi tagos ito hanngang sa aking likuran. Hanggang sa may narinig akong pamilyar na boses.
"Goodmorning too." Bigla akong kinabahan. Sa boses palang malalaman mong malaking tao ang babanggain mo. Ang ma owtoridad nitong boses na kinatatakutan ng lahat. Malayong malayo sa malambing nitong boses pag kaming dalawa lang. Lumingon ako sa aking likuran na gulat na gulat. May kasama itong tatlong body guard. At sa labas ng building ay natanaw ko rin ang nagkalat na iba pang tauhan. Nagmamatyag sa paligid na handang makipagbakbakan kung saka-sakali. Pero hindi ko sila binigyang pansin dahil nakatuon ang atensyon ko sa taong nasa harap ko na.
"Pap..." Hindi ko natuloy ang aking sasabihin nang magsalita ito na nagulat rin ng mapagsino ako.
"Why are you here?" Gulat nya ring tanong.
"Boss, sorry. Baguhan po siguro sya kaya hindi kayo nakilala." Biglang sagot ng kanyang empleyado. "Miss, what's your name?" Baling nito sa akin.
"Ahhhh. Mia.. Mia Hernandez po." Nauutal kong sagot.
"Ms. Hernandez. Don't you recognize the person in front of you? This is Mr. Dela Vega. The owner of this company." "Please pay respect to him" Strikto nitong sabi sa akin.
" Of course I know him. I know him better than you." Gusto kong ipangalandakan sa harap nilang lahat na kilalang kilala ko ang taong kinatatakutan at nererespeto nila pero hindi pwede kaya sa isina isip ko nalang.
"Ms. Hernandez!!!" Bigla akong nabalik sa kasalukuyan ng tinawag ulit nito ang pangalan ko. Mukhang galit na si manong empleyado.
" Ahh, Sorry sir." Sagot ko at lumingon ako kay papa na nakakunot parin ang noo.....