AMARI'S POV
Tinitigan ko si papa ng makahulugan. Mukhang nakalimutan niya yata ang usapan namin nung nakaraan lang.
"Mr. Dela Vega, goodmorning. Im sorry I didn't recognize you earlier." lalong nangunot ang kanyang noo at ang mga mata nya ay parang lumuwa na sa gulat...
DON MIGUEL'S POV
"What!!! Wait... Mr. Dela Vega..??? What happened to my daugther? She did not recognize me??? Ohh no... Is she having an amnesia? Bakit parang hindi nya ako kilala? Ang malambing na boses ng aking anak who used to call me papa ay biglang naglaho. Wala na rin ang maganda nitong ngiti sa tuwing magkasama at nag kakausap kami. Ibang iba rin ang ayos nya ngayon. Hindi mo makikitaan ng karangyaan. Sa simpleng suot nya ay walang mag aakalang sya ang tagapagmana ng aking mga kayamanan. Kahit ako hindi ko siya nakilala nung nakatalikod sya. Gulat akong napatingin sa kanya at magtatanong sana ngunit nakita ko ang kanyang mga matang titig na titig sa akin na para bang gustong may ipahiwatig. Nang hindi ako umimik at nakatitig lang sa kanya bigla nya akong pinandilatan ng mata. At bigla kung naalala ang pinag usapan namin nung nakaraan.
"Ahmm. Good morning Ms. Hernandez." Bigla kong pinatigas ang aking boses. "Do you need something.?"
"Ahhh... No sir."
"So why are you here in front of us? strikto kung tanong sa kanya.
"Sorry sir, aalis na po."
"Are you an employee here or visitor?"
"No sir.. I am applying for a job." Nakayuko nitong sagot
" Ohh.. then why you wouldn't go to HR Departmant now.? Dito ka ba sa akin mag aapply? pinaseryoso ko pang lalo ang aking anyo upang walang makahalata na magkakilala kami.
" Ahh no sir, sorry po ulit. I'm leaving now." Sabi nito sabay alis. Napapailing na lang ako sa kalokohan ng anak ko.
AMARI'S POV
Umalis ako agad pagkasabi nun dahil bigla akong kinabahan sa tono ng boses ni papa. Napabuntong hininga nlang ako. Ganun pala si papa sa iba. Strikto, seryoso, suplado. Titig pa lang matatakot ka na sa kanya, pano pa kaya pag nagalit ito. Hindi na ako magtataka kung bakit nagkakagulo sila kanina nung nabalitaang paparating sya.
Papunta akong HR Department nang madaanan ko ang mga empleyadong aligaga pa rin, parang hindi alam ang gagawin. Ang iba ay naglalakad ng walang direksyon, pabalik balik lang, punta rito punta roon. Meron ring nakatayo lang at may nakaupo na kinakausap ang sarili. Kung titingnan mo sila parang wala sila sa kanilang mga sarili.
"Pwede ba pumirmi naman kayo. Ako nahihilo sa inyo eh." Dinig kung sabi ng isang babae. Sa tingin ko ay superior nila iyon. "Kanina pa kayo eh. Parang sinilihan yang mga puwet nyo. Bakit hindi kayo maupo dun sa mga pwesto nyo at magtrabaho. Paano nalang kung pumunta si Mr. Dela Vega dito sa puwesto natin at ganyan ang mga itsura nyo. Ano nalang ang sasabihin nya? Just relax, ok? Normal lang naman na pumupunta ang may ari sa kompanya diba? Dagdag niya pa na halatang pinipilit lang ding pakalmahin ang sarili.
Bigla akong may naisip na kalokohan kaya pumunta ako sa kanyang likuran at tumikhim.
"Ahemmm.. Excuse me ma'am" Bumaling siya sa akin at nagtanong.
"Yes? What do you need?" Nakataas pa ang kanyang kilay.
"Ahhmm... Mr. Dela vega is already in the lobby, at papunta na sya rito sa department nyo. He will be here in any minute, so prepare yourself.."
"Whaaattt!!! Wait.. Ahh..mmhh.. Ohh my God.!! Bigla itong nataranta. "Bakit dito agad, pwede namang sa ibang department muna. Anong gagawin ko ngayon..?
"So, sasabihin ko ba kanya na hindi pa sya pwedeng pumunta rito?
" Yes!! Ahh no, no..!! I mean ahhh.. any time pwede na syang pumunta..." Ohh Jesus Christ!" At bigla itong napa sign of the cross..
"Good." Natawa na lamang ako sa kanyang reaksyon at umalis na dahil baka mawalan na ito ng malay kung dadagdagan ko pa. "Hmmm. relax pala ha...?hahaha....Napapangiti na lamang ako habang tinatahak ang hallway patungong HR.
Kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok sa loob ng HR department.
"Goodmorning maam. Magpapasa po ako ng resume ko."
"Ok just put that in the table. I'll just call you if your qualified for interview."
"Ahh maam, hindi nyo ba titingnan ang resume ko? Para malaman ko kaagad if qualified ako." Hindi pwedeng hindi ako matanggap agad. Kailangan ko nang makapasok agad para masimulan ko na ang misyon ko.
"Later nalang miss dahil busy pa kami, marami pa kaming inaasikaso."
"Maghihintay nalang po ako maam hanggang matapos kayo." pangungulit ko pa sa kanya.
"Ang kulit mo namang babae ka. Sino bang nagpapasok sayo dito? Alam na nga nilang maraming ginagawa ngayon dahil may darating na importanteng tao. Sana hindi na muna sila nagpapasok ng aplikante."
"Si Mr. Dela Vega po nagpapasok sa akin." sagot ko
"Ha..?? Who's Mr. Dela Vega..? You mean.. si..." hindi makapaniwalang tumitig sa akin.
"Yes. Mr. Miguel Dela Vega. sabi nya sa akin dumeretso na ako sa HR department para ma assist." yun naman talaga ang sabi ni papa. Bigla syang nataranta at lumapit sa akin. Bigla itong ngumiti. Ang kaninang badtrip nyang hitsura dahil sa kakulitan ko ay biglang naglaho. Mga tao nga naman o.
"Maupo ka muna maam." sabi nya sa akin sabay turo ng upuan at dumeretso sya sa katapat na upuan at umupo rin. Kinuha niya ang resume ko at binasa.
"Ms. Hernandez, do you know Mr. Miguel Dela Vega? Are you related to him?" tanong nya agad sa akin.
" Ahh no maam." biglang kumunot ang kanyan noo.
" Sabi mo siya ang nagpapunta sayo rito." naguguluhan niyang sabi.
"Ahh yes maam. siya kasi ang napagtanungan ko sa lobby kanina kung my hiring ba ang kompanya.:" pagsisinungaling ko sa kanya.
"What!!! sa kanya ka talaga nagtanong? Ang lakas din ng loob mo ano? Buti hindi ka kinaladkad palabas ng buliding ng mga body guard niya.. Walang sinuman ang maglalakas ng loob na lumapit sa kanya unless pinatawag niya."
" Hindi ko naman po alam na sya ang may ari eh." Tsaka nagtanong lang naman po ako, wala namang masama dun diba. Pero ngayong alam ko na na sya ang may ari, hinding hindi na ako lalapit. hehe." sabay peace sign sa kanya.
" Ok balik tayo sayo, you're an accounting graduate right?"
"Yes maam" sagot ko. Accounting graduate ang nilagay ko dahil gusto ko sa accounting department makapasok. Dun ako magsisimula. Hindi pwedeng ilagay ko kung ano ano at ilang degree ang natapos ko dahil baka may makahalata. Mahirap na, hindi ko alam kung sinong mga kalaban sa loob..
"Ms. Hernandez, we dont have any vacant posistion for accountant."
" How about other position maam? " tanong ko.
"We have a vacancy for higher position, but you are not qualified Ms. Hernandez." " Kung makakapaghintay ka, next month magkakaroon ng vacancy dahil may magreresign. tatawagan nalang kita if ever.ok?"
"How about in lower position maam? tanong ko ulit.
" Janitress lang ang vacant position and over qualified ka naman para dun."
Napaisip ako, next month pa raw. sobrang tagal nun. Kailangan ko nang makapasok agad.
" Ma'am ok lang po kahit janitress, kailangan ko lang po talaga ng trabaho." pagmamakaawa ko sa kanya. "Marunong naman po ako ng mga trabaho nila at madali po akong matuto."
Nag aalangan siyang tumingin sa akin.
" Ma'am one month lang naman po diba at magkakaroon na ng bakante sa accounting department? Pwede nyo po akong ilipat dun if ever. Sa ngayon pwede nyo po akong i assign muna sa janitorial services. Ok lang po yon maam. Sayang naman po kasi ang araw kung tatambay lang ako ng isang buwan, wala akong kikitain.." Desperado kung sabi sa kanya.. Sana maawa sya..
Ganun pala ang feeling ng mga taong nangangailangan ng trabaho. Kulang na lang lumuhod sa harapan nila para tanggapin lang. Ngayon alam ko na na kailangan talagang pahalagahan ang trabaho.
"Ok. kung ok lang sayo ay walang problema. Kailangan na kailangan din namin mapunan ang posisyon na yan dahil kulang na kulang sila."
" Thank you ma'am." Tuwang tuwa kong sagot sa kanya.
" Ipapasa kita kay Ms. Rodriguez, ang assistant ko. Sya na ang bahalang magpaliwanag sayo. meron kang mga pipirmahan at siya na rin mag oorient sayo."
" Ok ma'am, no problem. Thankyou ulit."