Mag aalas onse na nang gabi ay hindi parin ako makatulog. Pagkagaling ko sa banyo kanina ay dumeretso na ako rito sa kwarto at nagmukmok. Kinatok ako ni Armando ngunit hindi ko sya pinagbuksan. Hindi ako gumawa ng anumang ingay upang isipin niyang natutulog na ako. Ayoko muna siyang makaharap ngayon. Naiinis ako sa kanya lalo na sa isiping dito matutulog ang babae. Speaking of that woman, narito na kaya siya? San kaya siya matutulog, sa ibang kwarto ba o sa kwarto ni Armando? "s**t. Wala akong pakialam. Bahala sila sa buhay nila." Mag aalas dos ng madaling araw ng magising ako. Nakaramdam ako ng pagkauhaw kaya bumangon ako para uminom. Ngunit wala pala akong tubig dahil nakalimutan kong magdala kagabi sa nagmamadali kong makaakyat agad dito. Lumabas ako ng kwarto para tumungo sa kusi

