Si Armando na ang nagpaligo sa akin at nagbihis. Dinalhan niya na rin ako ng pagkain at pinainom ng gamot. Para akong batang inaalagaan niya. Lagi syang nakaalalay sa akin at minsan ay binubuhat kahit kaya ko namang kumilos. Baka daw kasi magalaw ang sugat ko at matagal gumaling. Hinahayaan ko na lang siya dahil ayaw niya rin naman magpapigil. Ang tigas tigas ng ulo. Mas lalo pa syang naging malambing sa akin. Natatawa nga ako minsan dahil may itinatago rin palang sweetness sa katawan ang isang Armando Myers. Akala ko kasi puro kasungitan lang ang alam nito. Kung sabagay gustong gusto ko rin naman ang ginagawa niya. Ikaw ba naman ang inaalagaan at laging binubuhat ng mahal mo. Nakakakilig diba hehehe. Masaya ako ngayon na kapiling ko ang tanging lalaking nagpapatibok ng aking puso. Hind

