Huli na para umiwas kaya hinintay ko na lang na tumama ang bala sa aking katawan at pumikit na lamang. "f**k you Armando, magpapakamatay ka ba?" Boses ni Justine ang narinig ko kaya napadilat akong muli. Nasa harapan ko siya ngayon at ang lalaki kanina ay nakabulagta na sa sahig. Ibig sabihin galing pala sa baril niya ang putok na iyon. "Pano kung nahuli kami ha, e di paglalamayan kana mamaya." sermon niya sa akin. Hindi ako sumagot bagkus ay humarap ako kay Mia. Nakapikit na itong muli. "Mia... Mia!! Justine i check mo sya! Bilisan mo!" utos ko sa kanya habang tinatanggal ang pagkakagapos kay Mia. Lumapit si Justine kay Mia at tsinek ang pulsuhan nito at iba pa habang ako naman ay nakaalalay kay Mia para hindi ito tuluyang matumba. "She's okay pero nanghihina siya. Kailangan niy

