"Sino ka? bakit alam na alam mo ang bawat kilos ko? Alam mo rin ba kung saan ako papunta? Paano nangyaring may nakakilala sa akin? Si Manang Elena lamang ang pwedeng makaalam dahil tanging sa kanya lamang ako humingi ng tulong. Kasabwat ba siya?" Iniisip kong mabuti ang mga nangyari. Iniisip ko kung paano ako tratuhin ni Manang Elena sa loob ng bahay ni Armando. Napakabait niya sa akin, para ngang hindi na iba ang turing niya sa akin kaya malabong isa siya sa magiging kasabwat. Pero sa kabilang banda naiisip ko rin na puwede namang magbalatkayo lalong lalo na ang mga may masasamang balak. Ewan ko, sumasakit ang ulo ko. Kasabwat man siya o hindi tsaka ko nalang poproblemahin. Sa ngayon ay kailangan kong makaligtas. Kailangan kong makarating sa pupuntahan ko. Madaling araw na dahil unti

