AMARI'S POV
Matuling lumipas ang dalawang linggo. Medyo tahimik ang buhay ko sa kompanya dahil hindi ko nakakasalamuha ang makukulit kong pinsan. Umiiwas rin ako para iwas tsismis na rin.
Ang COO naman na masungit na mukhang palaka ay nakakasalubong ko minsan, binabati ko naman siya bilang paggalang at tango lang ang tanging sagot.
Ala sais e medya na ng gabi, kakalabas ko lang galing sa trabaho at naglalakad ako sa gilid ng kalsada pauwi nang naramdaman ko na may nakamasid sa akin. Luminga linga ako pero wala akong nakita. May mga iilan ding naglalakad. Maya maya pa naramdaman ko na ang pagsunod nito sa akin. Huminto ako at lumingon sa likuran upang tingnan kung sino ito, ngunit wala ulit akong nakita kaya nagpatuloy ako sa paglalakad. Pero nang makailang hakbang pa lamang ako naramdaman ko ulit ang pagsunod nito.
Ang kaninang isang yapak na naririnig ko, ngayon ay marami na. Dumeretso lang ako ng lakad, hindi na ako lumingon at binilisan ko ang paglalakad. Mas mabilis na rin ang yabag na naririnig ko, mukhang malapit na rin sila sa akin.
"s**t ako talaga ang sinusundan nila." Nag uumpisa na akong kabahan.
"Ano naman kaya ang pakay nila." Ano kaya ang mga ito? holdaper? rapist? o hired killer...? "Shit." Kinalma ko ang aking sarili at nag isip. Mas binilisan ko pa ang aking paglalakad. Sa bandang unahan may nakita akong paliko na daan. Lakad takbo na ang ginawa ko para makarating doon at lumiko. Pagliko ko tumakbo na agad ako ng mabilis, sa unahan ay may nakita akong iskinita pero hindi ako pumasok dun dahil baka isipin nila na dun ako nagtatago. Dumeretso pa ako, sa pangatlong isknita ako lumiko at nagtago. Habol hininga akong napasandal sa pader, ngunit hindi pa man ako nakakabawi naririnig ko na sila.
"Hanapin nyo, hindi pa yun nakakalayo. Lagot tayo kay boss pag pumalpak na naman tayo."
"So may nag utos sa kanila. Sino naman kaya?"
Kumalabog na naman ng husto ang dibdib ko. Tumakbo na ako papunta dun sa pinakadulo ng iskinita bago pa nila ako makita.
"Hindi nila ako pwedeng mahuli, hindi sila dapat magtagumpay." Ngunit nasa kalagitnaan palang ako narinig ko na ang putok ng baril.
"Tigil"
Napahinto ako at nangangatog ang tuhod na lumingon sa likuran.
Nakita ko ang tatlong lalaki ang isa ay may hawak na baril na nakatutok sa akin.
"Sino ba kayo? Anong kailangan nyo sa akin?" nanginginig ang boses na tanong ko kahit alam ko na kung anong gusto nila. Ang buhay ko...
"Sorry miss, napag utusan lang."
Akmang ipuputok na nya ang baril nang ibato ko sa kanya ang hawak kung bato na napulot ko kanina.
Tinamaan ko siya sa bandang balikat at sinamantala ko iyon para tumakbo ulit..
"Buweset!! hindi ka na makakatakas babae. Wala ka ng mapupuntahan." sigaw niya.
Dumeretso lang ako sa pagtakbo. Narinig ko ulit ang putok ng baril, isa, dalawa, tatlong putok. Hindi ko alam kung tinamaan ba ako pero siguro hindi dahil nakakatakbo pa rin ako. Hindi ko alintana ang mga putok ng baril. Pazigzag akong naglakad para hindi tamaan. Yumuyuko rin ako sa tuwing naririnig ang putok kahit hindi ko naman alam kung saan ang tinatarget nila. Basta ang alam ko kailangan kung makatakas.
"Habulin nyo. Huwag nyong hayaang makatakas." rinig kong utos niya sa mga kasamahan nya.
Tumatakbo pa rin ako ng mabilis patungo sa pinakadulo ng iskinita at nagpasuot suot sa maliit na daan. Hindi ko na alam kung nasaang lugar na ako. Basta sumusuot na lang ako kung saan saan. Parang squater area na sa bandang unahan dahil sa maliliit at dikit dikit na bahay na natatanaw ko. Hindi ko alintana ang pagod, nang masigurado ko na wala ng sumusunod sa akin huminto ako saglit para magpahinga. Ngunit wala pang isang minuto ay naririnig ko ang mga mahihina na kaluskos.
"s**t, hindi ba talaga nila ako titigilan."
Dahan dahan akong kumilos at naglakad muli. Ngunit naramdaman kong nanghihina na ako. Nanginginig na rin ang tuhod ko.
"Oh God. Please help me." Hindi ko na talaga kaya ang maglakad kaya humawak ako sa pader para makakuha ng lakas.
"Ouch.!! Napahawak ako sa aking kaliwang balikat ng itaas ko ito dahil nakaramdam ako ng kirot. Tiningnan ko ito at laking gulat ko ng maraming dugo ang umaagos mula dito.
"s**t! may tama ako, bakit hindi ko namalayan kanina? So kaya pala ako nanghihina dahil mukhang mauubusan na ako ng dugo."
Sumandal ako sa pader dahil parang matutumba na ako at saka pumikit.
"Ito na ba ang katapusan ko? Dito na ba ako mamamatay? Tssskk, saklap naman, hindi ko man lang nakilala ang mastermind."
"Hindi dapat ako mamamatay ng ganun ganun lang. Kailangan kung lumaban. God, please hear me out."
Nagmulat ako ng mata para maglakad sana ulit ngunit pagdilat ko palang ay nakita ko na ang tatlong lalaki ilang dipa lang ang layo mula sa akin.
"Pinahirapan mo pa kami ha, ngayon wala ka ng kawala."sabi ng isa na nakangisi pa.
Tinutok niya ang baril niya sa skin.
Wala na, wala na nga akong pag asa. Wala na akong lakas para lumaban pa dahil parang mawawalan na ako ng ulirat dala ng pagod at tama ng baril.
Wala na akong magagawa kundi tanggapin ang mapait na kapalaran. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at hinintay ang pagtama ng bala sa aking katawan. Ilang segundo lang narinig ko na ang pagputok nito. Unang putok, naramdaman kong tumama iyon sa aking tagiliran, narinig ko ulit ang pangalawa, tinamaan ulit ako sa balikat, ang pangatlo putok ay hindi ko na alam kung saan tumama dahil pakiramdam ko namanhid na ang buong katawan ko. Meron pang pang apat, panglima ngunit wala na akong maramdaman.
"Paalam papa, mama. I'm sorry I failed you. Babawi ako sa kabilang buhay." bulong ko sa aking sarili kasabay nun ay ang pagkawala ng ulirat ko...
THIRD PERSON'S POV
"Good job. Here, take it, kasama na bonus diyan."
"Salamat boss. Galante mo talaga."
" Basta maayos ang trabaho wala tayong magiging problema."
"Ngayong wala ng sagabal ano ang susunod na hakbang boss"
"Magpapalamig muna tayo, pag ok na tsaka tayo umataki ulit. Slowly but surely."
" No problem boss. Just give me a call."
" Okay, you can go now."
"Yes boss."
Hawak ang baso ng alak, sumipsip ito at ngumisi ng nakakaloko.
"One down. hahaha. Wrong move Mr. Dela Vega. Hinayaan mong pakalat kalat ang anak mo eh. Sino ngayon ang gagawin mong tagapagmana?" kausap nito sa sarili.