ARMANDO'S POV Ang sarap nya palang asarin. Tawa ako ng tawa sa reaksyon nya. Ang totoo hindi ko din alam kung bakit ganun ang naging deal ko. Luging lugi ako. Pero wala akong ibang maisip na mas madaling paraan. Yung hindi siya maiistress. Baka kasi magpumilit talaga syang lumabas. Pera lang naman yan, makikita ko pa. Pero sulit din naman dahil mas nagkakalapit kami at unti unti naming nakikilala ang isa't isa na syang gusto kong mangyari. Simula nung wala akong mahagilap na mga kapamilya nya inako ko na ang pagbabantay sa kanya. Kung tutuusin pwede ko na siyang iwan pagkatapos madala dito sa ospital. Nagampanan ko na ang tungkulin ko bilang isang mabuting mamamayan. Pero may nag uudyok sa kaibuturan ko na wag siyang iwan. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit gustong gusto ko siyan

