ARMANDO'S POV Pagkatapos kung maligo sa banyo na nasa loob lang din ng aking opisina ay pumunta na ako sa opisina ni Brandon. Nakailang katok na ako pero hindi pa rin ako binubuksan. Naririnig kung may nag uusap sa loob pero hindi ko marinig. Kumatok ako ulit at sa wakas ay binuksan din. Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako nang makita ko si Mia sa table ni Brandon na prenteng nakaupo. Ang sabi niya naglilinis sya pero parang may mali. Si Bruce ay may hawak na pamunas at si Brandon naman ay may hawak na dustpan at walis. "Bakit nasa kanila ang mga gamit panglinis ni Mia? Naputol ang pag iisip ko nang magsalita si Mia. "Ahh tapos na po akong maglinis. Lalabas na ako. Bye mga pogi.." at nagflying kiss pa ito sa dalawang mokong samantalang ako ay di man lang pinansin. Nag usap lang k

