PROLOGUE

3358 Words
Makalipas ang apat na taon... Agad akong napangiti nang matanawan ko na ang sundo ko. "Waaaaaah! Hein! Namiss kita!" malakas na sigaw ni Ari habang tumatakbo palapit sa akin. Sinalubong ko naman siya ng ngiti saka kami nagyakap. "I missed you too," masayang sagot ko nang humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin. "Is that you?! Ang laki na ng pinagbago mo! Hindi ka na mukhang gangster pero ang laki pa din ng damit mo! Hahaha! Pero atleast hindi na ganoon ka baduy tingnan. Mukhang nagkaroon ka na din ng taste of fashion ah?"  namamanghang tanong niya at sinuri pa ang kabuuan ko. "Ano, kumusta ang Canada? Maganda ba doon?" sunod-sunod ulit na tanong niya at sinipat ang mga dala kong bagahe. "Woi! 'Wag mo ngang kalkalin 'yan. Maghintay ka sa bahay. Nandito pa tayo sa airport," mahinang saway ko sa kaniya nang makita kong nililingon na siya ng ibang mga tao doon. 'Tss! Kahit kailan, hindi na nahiya!' "Naks! Iba na talaga ang umaasenso e! Nasaan na ang mga pasalubong ko?! Siyempre, dapat marami 'yan ha?! Apat na taon mo 'kong iniwan nang walang paalam. Tapos, nakatanggap na lang ako ng email na lumarga ka na papuntang ibang bansa? Jusko! Kung alam mo lang ang nangyari kay---" "Can we go home first? I'm tired, Ari," pagsapaw ko sa kaniya saka nagpaunang maglakad. 'I'm not yet ready to face him again. Natatakot ako na baka hindi niya na ako mahal tulad ng dati.' "Hehehehe, sorry na. Akala ko kasi handa ka na e. Ang tagal mo kasing nawala. Inakala tuloy no'ng mga ka-batchmates natin na patay ka na," nahihiyang kwento niya at nginitian ko na lang siya nang pilit. Nang makasakay kami sa taxi ay nanahimik lang ako buong biyahe. Doon pa rin kami uuwi sa dati naming tirahan, sa isang maliit na apartment na malapit lang sa Unibersidad ng Batangas. Kung saan ko una't huling nakita ang lalaking hindi ko akalaing mamahalin ko kahit nasa malayo. Sa tagal ng pananatili ko doon sa Canada, wala akong ibang inisip kung 'di ang kalagayan niya. Lagi kong kinokontak si Ari upang palihim na alamin ang sitwasyon niya at ng mga kaibigan namin dito sa Pilipinas. Dahil sa kaniya natuto akong gumamit ng social media. Araw-araw kong ina-update ang account ko upang mapansin niya. I even made a RP account and then I added him on my friendlist para lang maging updated ako sa buhay niya. Hindi lang pag-iisip at paghinga ang ginawa ko sa Canada, dahil nag-aral din ako doon ng Medisina. Sa tulong ng pamilya kong hindi pa din sumusuko sa akin, nairaos ko ang buhay ko doon nang mag-isa. Hindi nila ako tinanggalan ng sustento upang makapagtapos lamang ako ng isang degree. Kahit suportado na ako't lahat, nagtrabaho pa rin ako sa isang café doon upang hindi masyadong makunan ang mga perang hinuhulog nila Mommy sa bank account ko. "Hein! Hein! Gising na! Nandito na tayo!" dinig kong sabi ni Ari sabay yugyog sa balikat ko kaya nagmulat ako ng mga mata at kinusot 'yon. "Ano? Ayos ka pa? Mukhang namumungay na 'yang mga mata mo ah? Ano bang nararamdaman mo?" nag-aalalang tanong niya sa akin. Bumangon ako mula sa pagkakasandal sa isang maliit na bagahe ko at nag-unat bago bumaba. Sumunod naman siya sa akin at tinulungan akong magbuhat ng mga gamit papasok sa apartment namin. Sandali pa akong nahinto sa tapat ng maliit naming bahay saka napangiti. 'It's been a while...' At nauna nang pumasok si Ari dala ang ibang mga gamit ko. Nang naipasok na namin lahat ay agad akong sumampa sa mahabang sofa at inihiga ang ulo sa sandalan. Pumunta naman siya sa kusina at may dala na siyang isang baso ng tubig pagkabalik. "Uminom ka muna," alok niya at ibinigay sa akin ang dala niya. Tinanggap ko 'yon at saka siya nginitian. "Thank you," wika ko at nilagok ang tubig. Matapos kong nailapag sa mesa ang baso ay agad siyang tumabi sa akin saka sumandal sa balikat ko. "Sobra kitang namiss, Hein, alam mo ba 'yon?" malambing na tanong pa niya. "Mmm, siyempre. Namiss din naman kita kaya nga dito ko piniling umuwi," sagot ko naman. Umalis siya sa pagkakasandal sa akin at tiningnan ako sa mata. "Talaga?!" parang hindi pa makapaniwalang tanong niya sa akin. Tumango ako. "Nabuhay naman ako doon kahit mag-isa, dahil palagi kitang nakakausap sa phone." "Pero iba pa din kung personal, 'no! Alam mo namang nasanay na akong kasama kita lagi e! Nakagraduate nga ako pero napakaboring naman ng college years ko dahil hindi kita kasama," malungkot pang aniya. "Kung nandito ako noong mga panahong 'yon, hindi ka magiging independent. Pareho naman tayong nakasurvive e kaya ibalato na lang natin 'yon sa panahon," nakangiting tugon ko pa saka bumuntong-hininga. 'Kumusta na kaya ang bugok na 'yon? Naaalala niya pa kaya ako? O baka may iba na siya?' "Oo nga pala, baka gusto mong sumama sa akin sa Sabado?" maya maya'y tanong niya nang matapos maihanda ang hapunan namin. "Saan?" walang interes na tanong ko saka nagsalin na ng ulam at kanin sa plato. "Sa mansyon ng mga Friedrich---" "Huk!" halos nabilaukan ako sa sinabi niya. Mabuti na lang at may nakahandang tubig sa baso ko kaya agad ko 'yong ininom saka kinalma ang sarili. Nagmamadali pa siyang lumapit sa akin at hinagod ang likod ko. "Ayos ka lang?!" tanong niya at bakas ang pag-aalala sa mukha niya. "I'm fine," sagot ko upang hindi na siya mag-alala nang husto. "Ano ba kasing pumasok sa kukote mo at pinuno mo ng kanin 'yang bibig mo?! Ayan tuloy---" "Tss," putol ko sa kaniya. "Okay na nga ako," dagdag ko. "Psh! Tigilan mo 'ko, Hein! Kilala kita! Alam kong dahil 'yon sa pagbanggit ko sa apilyedo 'niya'! At oo, sa Sabado na ang birthday 'niya' kaya kailangan mo talagang pumunta!" madiin pang asik niya. Kumunot ang noo ko sa itinuran niya. "Bakit?" "Anong bakit?!" inis na tanong niya sa akin saka muling umupo sa upuan niya. "Kailangan mong pumunta! Walang bakit-bakit!" "Eh?" "Anong eh na naman?! Pupunta ka sa gusto at gusto mo!" "T-Tss," singhal ko pa. "'Wag mo 'kong artehan nang ganiyan, Hein. Alam mong alam kong gusto mo din siyang makita!" "Oo pero---" "Walang pero-pero sabi e! Naging makulit ka na rin ah?! 'Wag mo 'kong kumbinsihin diyan sa mga palusot mo! Walang mangyayari sa inyong dalawa kung patuloy kayong magtatago at magtitiis. Simula't sapol alam niyo naman pareho kung anong gamot sa mga puso niyo pero pinili niyo pa rin ang mga pride niyo! Nakuha mo?" nangangaral pang sambit niya at napatitig lang ako sa kaniya. 'Ang laki na din ng pinagbago nitong isang 'to. Nawala lang ako ng apat na taon, naging mature na. Magaling!' "Hoy! Tititigan mo na lang ako diyan, gano'n?! Wala ka man lang bang sasabihin?" muling tanong niya pa sa akin at pinandilatan ako. Umiling lang ako bilang sagot. "Kahit violent reactions? Clarifications? Wala talaga?!" Umiling ulit ako. "Wala," tipid na sagot ko. "Bakit wala?!" parang gulat pang tanong niya. "Eh kasi wala naman talaga. Ano bang dapat kong sabihin?" tanong ko at napakamot ng ulo. "Ha!" hindi makapaniwalang asik niya saka tumingin sa mga mata ko. "Buong akala ko talaga ay nagbago ka na nang tuluyan pero hindi pa pala! Hanep! Walang kwenta pala 'yang Canada na 'yan e! Hindi man lang nabawasan ang pagkapanget ng personalidad mo! Tsk!" dismayadong sabi pa niya saka nagtuloy na sa pagkain. Hindi ko na lang siya sinagot at nagpokus na din sa grasya. Lumipas ang gabing 'yon na wala kaming kibuan. Kinabukasan ay nagpunta kami ni Ari sa pinakamalapit na mall dito upang bumili ng maisusuot para sa birthday party bukas ni Azazel, ang lalaking iniwan ko dahil hindi pa ako sigurado noon sa nararamdaman ko. 'Ano na kaya ang itsura niya ngayon? Mas gwapo at matipuno na kaya siya? O baka naman ay mas mature na siya, 'no? Sana..' Napakibit-balikat na lang ako sa naiisip. "Anong tingin mo sa isang 'to, Hein?" tanong ni Ari habang ipinapakita sa akin ang mga napili niyang gown. 'Tss. Bakit kailangang naka-gown pa sa birthday ng iba kung pwede namang mag-dress na lang? Gastos lang 'yan e!' "Masagwa masyado," malamyang sagot ko saka naglakad at nagtingin-tingin na lang ng ibang cocktail dress. Naramdaman kong humabol siya sa akin. "Teka, alin ba sa dalawang 'to ang masagwa? Mukhang pormal naman pareho e," wika pa niya at ipinakita ulit ang mga gown. Napabuntong-hininga naman ako saka tiningnan siya nang nakakabagot. "Ari, dalawang oras na tayo sa botique na 'to pero wala ka pa ding napipili," naiinip na wika ko. "Eh kasi parang wala ka namang nagugustuhan sa mga pinili ko kaya nahihirapan din akong pumili," nakanguso pang sabi niya. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at tiningnan mula ulo hanggang paa na ipinagtaka pa niya. "Kung ako ang tatanungin mo, wala akong magugustuhan kahit isa diyan sa mga damit na 'yan dahil hindi naman ako nahilig sa mga ganiyan," huminto ako at tumingin sa labas ng botique at itinuro 'yong kabilang botique na pang-unisex. "Doon, doon ko gustong pumili ng maisusuot at hindi dito," kalmadong dagdag ko at ngumiti habang siya ay nakatulala pa rin. "Unbelievable! Hindi ka pa din talaga nagbabago!" naiiritang asik niya at sumimangot. 'Tss.' Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Bakit kailangan kong magbago? Edad ko lang ang dapat magbago at hindi ang pagiging ako," sambit ko at napabuntong-hininga naman siya. "Alam mo, kahit ano pang isuot mo babagay sa'yo kasi maganda ka naman talaga. Kahit sa simpleng damit nga ay maganda ka na tingnan, paano pa kaya kapag nagsuot ka na ng mga ganiyan?" pambabawi ko saka ngumiti nang malapad at kinindatan siya. "Talaga?" parang nabuhayan ng pag-asang tanong niya. "Mmm," walang-ganang sagot ko sabay tango. "Okay!" Tatalikod na sana ako nang bigla niya akong hilahin pabalik. "Sure ka na ba talagang ayaw mong mag-gown?" pahabol na tanong niya. "Ayokong magsuot nang ganiyan," sagot ko saka ngumuso. Oo, hanggang ngayon hindi ko pa din talaga nahiligan ang magsuot ng masyadong pambabae na damit. Ayos na ako sa loose na t-shirt at pants. Kapag party naman, ayoko ding pumunta lalo na kung hindi naman related sa akin 'yong mga tao doon. "Sayang naman," parang nalungkot biglang aniya. "Bakit?" takang tanong ko naman. "Eh kasi kailangan ikaw ang pinakamaganda doon! Jusko naman, Hein! Sa kakai-stalk mo diyan kay Azel wala ka man lang balita na may fiancee na siya?!" aniya at natigilan ako. 'F-Fiancee?!' gulat na tanong ko sa isip. "A-Anong---s-sino a-ang f-fiancee n-niya?" nauutal na tanong ko nang nakabawi at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Ayokong makita niya ang reaksyon ko. Lalo niya lang akong kakaawaan kapag nangyari 'yon. Parang sinaksak ang puso ko nang higit sa isangdaang beses dahil sa ibinalita niya. Mula sa peripheral vision ko ay nakita ko ang pagtango niya bilang sagot. "Balita ko nga ay sa susunod na buwan na sila ikakasal. Hindi na kasi kami ganoon ka-close ni Azel ngayon dahil busy din siya sa trabaho at marami rin akong inaasikaso sa negosyo ng pamilya ko," malungkot na talagang paliwanag niya. "Eh saan pala galing ang mga ina-update mo sa akin tungkol kay Azel?" "Kay Nixel. Sila palagi ang magkakasama e," kaswal na sagot niya. "Ahh," maikling pahayag ko saka wala sa sariling lumabas ng botique. "Teka, Hein! Saan ka pupunta?" dinig kong sigaw niya pero hindi ko na siya nilingon. Parang anumang segundo ay babagsak na nang tuluyan ang mga luha ko. Nakakapanlumo ang narinig ko ngayon. Pakiramdam ko ay pinutol ang lahat ng ugat na nakakonekta sa puso ko at sa katawan ko. 'T-Tss. Kasalanan ko din 'to dahil pinili kong lumayo at iwan siya nang walang pasabi. Alam kong nasaktan ko siya pero nasasaktan din naman ako hanggang ngayon dahil mali 'yong naging desisyon ko noon.' "Hein, sandali naman!" habol sa akin ni Ari at humihingal pa nang humarap sa akin kaya huminto ako sa paglalakad. "Bakit ka ba umalis doon?! Hindi ko pa nababayaran 'tong gown na isusuot ko!" At pinagkunutan ko lang siya ng noo. "Tsaka, hindi ka pa nakakabili ng isusuot mo." "Ikaw na lang ang pumunta. Hindi na ako tutuloy," walang emosyon na sabi ko. "What?!" gulat na tanong niya. "Ano bang problema mo?! Kanina pumayag ka, tapos ngayon magbaback-out ka na?! What the heck, Hein?!" inis na tanong niya sa akin. Naiwas ko naman agad ang paningin ko at saka tumingala nang bahagya upang hindi tumulo ang mga nagbabadyang luha. "Ayoko nang pumunta," pormal na sagot ko. "Bakit?!" inis pa ring tanong niya. "I changed my mind," diretsong usal ko. "At bakit?!" nakapameywang na pang-uusisa niya pa. "Tss." "Ano? Dahil na naman ba sa sinabi ko?! Eh ano naman kung may fiancee siya? Kasalanan mo rin 'yan dahil umalis ka nang wala man lang iniwang kahit isang salita! Pero, 'wag mong sabihin sa aking isusuko mo na lang basta-basta si Azel dahil sa mga narinig mo?! Ikaw na talaga ang bayani kung ganoon!" inis na sabi niya sa akin saka bumuntong-hininga. Tiningnan ko lang siya habang nag-iisip ng sasabihin. "Anong gusto mong gawin ko?" "Pumunta ka sa party at patunayan mong ikaw ang mahal niya at hindi ang fiancee niya. Ipakita mo sa kaniya na mahal mo din siya dahil 'yon naman talaga ang totoo. Tapos," huminto siya kaya napatitig ako sa kaniya. "Tapos, ano?" "Tapos, wala na! Este---kayo na ang bahala pagkatapos. Alangan namang ako pa ang mag-iisip ng gagawin niyo, 'no! Ano kayo, sinuswerte?!" sarkastiko pang tanong niya sa akin. "Tss. Hindi pa rin ako pupunta. Tapos," pagmamatigas ko. "Hein, naman! Hanggang ngayon ba hindi mo pa din maisantabi 'yang pride mo para sa kaniya? 'Yan na nga 'yong naglayo sa inyo e, tapos ngayon hahayaan mo pang pigilan ka niyan?!" "Hindi naman kasi pride ang dahilan ng lahat. May sarili akong mga rason. Ayoko lang na mahirapan siya dahil sa akin," paliwanag ko. "Ah talaga? Sa tingin mo ba masaya siya sa ginawa mo? Hindi! Kasi naging makasarili ka. Hindi mo inisip 'yong mararamdaman niya! Basta ka na lang lumayas dahil gusto mong mag-isip! Paano naman 'yong taong iniwan mo? 'Yong taong handang maghintay sa'yo pero iniwan mo?! Sa tingin mo hindi pa siya nahirapan do'n? Nasaktan mo na e! Sagarin mo na lang!" galit na sumbat niya at kusa akong natigilan. Tss. Kung makasumbat naman 'to! Batid kong totoo ang lahat ng sinabi niya kaya hindi na ako kumibo. "So, okay lang sa'yo na sila ang magkatuluyan, gano'n?!" "Oo," sagot ko dahilan para manlaki ang mga mata niya sa gulat at nasapo ang sariling noo. 'Tuleg! Anong gusto niya, pigilan ko ang kasal no'ng dalawa? Engot pala siya e! Ayokong makisiksik sa buhay nila!' nakangusong turan ko sa isip. "Anong 'oo'?! Papayag ka na lang na ikasal siya sa babaeng hindi naman niya talaga mahal?!" sigaw na tanong niya sa akin. "Tss. Hindi naman ako naniniwalang 'di niya mahal ang fiancee niya. Dahil hindi naman sila magiging engaged kung hindi niya 'to ginusto. Tsaka, kung pareho na silang masaya, bakit ko pa sila gagambalain? Wala na akong karapatang makisali sa buhay nila dahil parte na lang ako ng nakaraan ni Azel. Hanggang doon na lang ang papel ko sa buhay niya," mahaba ngunit kalmado pa ding sagot ko. "Aish! Nakakainis ka talaga! Kahit kailan hindi mo nakukuha ang logic ko!" sigaw niya pa. "Tss. Anong logic?" "Logic, ito 'yong part na sasabihin ko sa'yo ang totoo tapos magugulat ka dahil may fiancee na siya. Tapos, malalaman mong mahal ka pa din niya kaya pipigilan mo ang kasal nila. Ang ending, kayo ang ikakasal dahil mahal niyo ang isa't isa. The end," umaaksyong kwento pa niya. "Ang haba ng sinabi mo," natatawang sabi ko. "Anong nakakatawa?! Totoo 'yon! Maraming gano'n sa mga nababasa kong pocketbooks!" nagyayabang na aniya. "Talaga?" namamangha pa kunwaring tanong ko at tumango naman siya. "Eh kaso wala tayo sa pocketbooks. Kaya pasensya na, hindi ko ugaling manggulo sa buhay ng iba. If we're meant to be, then we are. Let the fate judge our book. Kahit ano pang mangyari, ako at ako pa rin ang gagawa ng sarili kong ending. Hindi nga lang happy ang gusto ko. Hehe!" mapaklang dagdag ko saka mabilis na dumiretso sa parking lot. "King ina ka talaga!" dinig ko pang sigaw niya nang makatalikod ako pero hindi ko na lang siya pinansin. Dito ko na lang siya hihintayin dahil gusto ko munang mapag-isa. Hindi pa kasi tuluyang naaabsorb ng utak ko ang mga sinabi niya. 'Bakit hindi mo 'ko hinintay, Shogo? Nangako ka pang kahit saan ako mapunta hihintayin mo ang pagbabalik ko.' Hindi ko na napansin ang pagtulo ng mga luha ko. Napasinghot pa ako saka nagpalinga-linga sa paligid habang nakasandal sa motor ko. Nang wala akong makitang ibang tao ay saka lang ako umiyak nang umiyak. Pabagsak kong naiupo ang sarili sa lupa at napayakap sa sariling mga tuhod saka humagulgol sa pag-iyak. Wala akong ibang nararamdaman ngayon kung 'di sakit...may masakit sa puso ko. 'Shogo, bakit mo 'ko kinalimutan? Ang sakit-sakit e,' umiiyak pa ding sabi ko sa isip. Lalo lang akong napahikbi nang maalala ko ang mga alaala namin noon. Kung paano kami nagsimula at kung bakit kailangan kong lumayo sa kaniya. 'Hindi mo man lang hinintay ang paliwanag ko. Pinagpalit mo na agad ako, Shogo. Napakabully mo talaga!' Patuloy lang ako sa pag-iyak habang iniisip ang naging dahilan ng lahat ng ito. 'Alam mo bang iniisip kita palagi ha?! Alam mo bang kahit isang segundo ay hindi ka nawala sa isip ko? Hindi ako tumanggap ng manliligaw kasi umasa akong hihintayin mo 'ko! Nakakainis ka talaga kahit kailan!' Nasa ganoong sitwasyon ako nang may biglang bumusina sa akin kaya mabilis kong naiangat ang paningin. Bahagya pa akong nasilaw sa ilaw na nagmumula sa harap ng sasakyan na nasa tapat ko ngayon. Blangko ang mukha kong pinanood na bumaba 'yong driver no'n at agad na bumalatay ang magkahalong gulat, tuwa, pananabik, at lungkot sa dibdib ko. Gulat, dahil hindi ko inaasahang magkikita kami kung kailan sobrang hina ko tingnan. Tuwa, dahil sa wakas ay nasilayan ko ulit ang pagmumukha niya. Pananabik, dahil ang tagal ko siyang tiniis at ngayon ay nakikita ko na siya nang harapan. At lungkot dahil batid kong hindi na siya magiging akin. Naluluha man ay pinilit ko pa ding tumayo at hinarap siya. "S-Shogo," mahinang tawag ko sa kaniya. "Tch. Sa dinami-dami ng lugar at sitwasyon na pwedeng magtagpo ulit ang landas natin, dito pa talaga? At sa ganiyang itsura mo pa?" sarkastikong bungad niya sa akin at tinuro pa ako. 'Nice. King ina ka! Ugaling-ugali mo talaga na badtripin ako. Tsk!' Hindi ko siya sinagot at nagbaba na lang ng tingin sa lupa. "When did you arrive?" malamig na tanong niya. Naramdaman ko ang paglapit niya dahil sa mabibigat niyang mga yabag. Hindi pa rin ako tumingin sa kaniya. 'Please, gusto ko nang maglaho. Nakakahiya ang itsura ko ngayon!' "I asked you, so, answer me," utos niya. Napapikit na lang ako sa sobrang pagpipigil ng emosyon. Umiling ako bilang sagot. "Why? Why can't you face me after you left me with no word? Don't tell me you're still not ready?" May mababasa pa ding sarkasmo sa tinig niya. 'Anong sasabihin ko? Nakakainis!' "I-I can't face you because my face is messy," pagdadahilan ko pa. "Ha!" hindi makapaniwalang singhal niya kaya dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kaniya at doon nagtama ang paningin namin. 'Sa dinami-dami ng oras, ngayon mo pa talaga ako makikita?! Kung kailan para akong batang umiiyak dahil naiwala ng nanay! T-Tss!' "Where's your explanation?" seryosong tanong niya dahilan para mapalunok ako. "As far as I can remember, you told me that you'll explain everytime you'll go somewhere without leaving any word to me. So, where is it now?" Napakalamig ng boses niya. Mahihimigan ko ang galit sa tono ng pananalita niya pero, "Bakit mo pa ako hihingian ng paliwanag kung itatali ka na din naman sa iba?" magkasalubong ang mga kilay na tanong ko pa. Umangat ang gilid ng labi niya saka ngumising tumingin sa kabuuan ko. "You never changed. You're still the loser Kogami I used to know. How sad," malungkot kunwaring sabi niya pero ang dating sa akin ay nakakainsulto kaya agad na nagbago ang reaksyon ko. Pinunasan ko ang mga luha ko saka tumingin sa kaniya nang walang ekspresyon. "Pasensya na kung wala akong pinagbago, kasi ang alam ko lang gawin ay mahalin ka kahit nasa malayo ako," pigil-hiningang asik ko at napatitig siya sa akin. "'Wag kang mag-alala, makakalaya rin ako sa paghihirap na 'to. Pero kapag dumating ang araw na 'yon, kung kailan handa na akong isuko ka, sana pareho na tayong maging masaya. Dahil alam kong kakayanin kong kalimutan ka, na kahit ano pang paghahabol ang gagawin mo, makakaya na kitang tingnan sa mata at sabihang, 'nakayanan ko kahit wala ka at kakayanin ko pa dahil hindi na kita makakasama,'" makapangyarihang dagdag ko saka tinalikuran siya. 'Don't worry, dahil hindi kita hahayaang mamili sa aming dalawa. Kaya kong magparaya para makita lang kitang masaya. You're my happiness, after all.' At pinaharurot ko na ang motor paalis sa lugar na 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD