What Gangsters really are?
Gangsters dare to live outside the laws and customs of conventional life, no matter what type of gangster you become: mobster, gangsta or Yakuza.
Being a gangster means you have streets smarts and you follow your instincts, the instincts of the street.
Gangster life isn't about just surviving, even though you do what you have to do to survive. Lots of people survive in the neighborhood. Being a gangster is being the king of the streets. That takes power, and power takes attitude, and attitude takes fearlessness.
Gangsters don't think; they act. A gangster has to be fearless. Quick mind, quick reflexes. It's all instinctual.
Masama ba akong tao dahil isa ako sa kanila? O masama akong tao dahil ito ang pinili kong landas upang mairaos ang pang-araw-araw? 'Yan ang mga tanong na gumugulo sa isipan ko matapos kong basahin ang ibig sabihin ng gangster mula sa internet.
Agad kong naisara ang laptop nang biglang pumasok si Ari sa kwarto ko.
"Are you ready?" nakangiting tanong niya sa akin.
"Saan?" kunot ang noo'ng tanong ko.
"Hala siya! Don't tell me nakalimutan mong first day of class natin bukas?!" parang nagugulat pang tanong niya pabalik.
Napabuntong-hininga naman ako nang ipinaalala niya ulit sa akin ang pagbabagong-buhay ko.
"Hindi ko nakalimutan. Ayoko lang isipin masyado," pagdadahilan ko saka isinilid sa drawer ang laptop.
Tumabi siya sa akin at sumandal sa balikat ko.
"Masaya ako para sa'yo," malambing na aniya. Hindi ako nagsalita. "Alam ko namang kahit hindi ko sabihin sa'yo na suportado kita at masaya ako para sa'yo, nararamdaman mo 'yon."
"Tss. Anong drama na naman 'to, Ari?" tanong ko.
"Wala lang. Masyado mo kasing pinanindigan 'yang pagiging cold mo kaya hindi mo alam ang pakiramdam na sobrang masaya ka para sa kaibigan mong tutuwirin na ang baluktot niyang daan," sagot niya sabay yakap sa akin patagilid.
Hindi na ako sumagot dahil batid kong hindi siya papatalo, kaya matapos ang konting diskusiyonan ay bumaba na kami para maghapunan.
Nang matapos kumain ay nauna na akong umakyat sa kwarto upang ayusin ang mga gamit ko para bukas.
Habang naghahanda ay may nahulog na isang litrato mula sa kwaderno'ng binuklat ko.
Litrato namin ni Ari noong pareho pa kaming sanggano at baliko ang daa'ng tinatahak.
Naramdaman ko ang dahan-dahang pagbagsak ng mga balikat ko sa kadahilanang muli ko na namang naalala ang galit na naging dahilan ng pagpasok ko sa isang ilegal na organisasyon.
'Now that I am big enough to decide for my own, i'll take the right path for myself and Ari,' nangangakong sabi ko pa sa isip.
Hindi naging madali ang buhay para sa akin. Ipinanganak akong Venenum Hein Chevrolet ang pangalan. Pero sa likod ng magandang pangalang 'yon ay isang napakalaking impyernong naghihintay sa akin.
Labag man sa loob kong magrebelde sa pamilya ko, ngunit 'yon lang ang tanging naging kakampi ko no'n.
Walang batang gustong malayo at magtanim ng galit sa pamilya niya. Pero dahil naging mapait ang tadhana ko, kinailangan kong danasin ang lahat ng hirap sa kamay ng pamilya ko upang lumaki akong matapang at hindi nagdedepende sa iba.
Umabot sa sukdulan ang galit ko habang lumalaki ako sa puder nila. Sa murang edad ay natuto akong manakit ng tao, mambastos ng kapwa, at halos kumitil ng buhay na i***********l sa Bibliya at sa aming pamilya. Wala akong naging kabataan sapagkat lahat ng naranasan ko noon ay puro pahirap at pagdurusa.
Minsan nga'y natanong ko ang sarili ko, 'Mahal ba talaga ako ng pamilya ko? O minahal lang nila ako dahil kailangan nila ako?'
Araw-araw nadadagdagan ang mga katanungan sa isip ko dahil araw-araw din nilang ipinaparamdam sa akin na utang ko ang buhay ko sa kanila, na may responsibilidad ako sa pamilya, na kailangan kong sundin ang kung anumang nakasulat sa batas ng aming pamilya upang maging kabayaran sa aking pagkabuhay.
Pero sa lahat ng 'yon, hindi ko kailanman naisip na magpakamatay. Naghirap na ako't lahat, ayokong masayang ang paghihirap na 'yon dahil lang suko na ako.
Isa ako sa mga taong naniniwala na hindi solusyon ang pagkitil ng sariling buhay sa mga problemang kinakaharap natin. Masakit at masalimoot, oo, pero malaki ang pasasalamat ko sa mga pangyayaring iyon sapagkat lumaki akong may kompiyansa sa sarili, matapang, at may paninindigan.
Hindi man ako kagaya ng iba na nabubuhay kasama ang pamilya, nag-aaral dahil binabayaran ng mga magulang ang tuition fee, at malayang nakakapaglakwatsa dahil mapera, alam ko naman sa sarili kong kahit wala ako ng lahat na mayroon sila, mabubuhay ako kahit mag-isa.
Death, that's our ending and we all know that. We live to die.
Kaya hangga't maaga pa, matuto tayong tumayo sa sarili nating mga paa.
Ang pera? Andiyan lang 'yan. Madaling dumating, mabilis ding naaagnas.
Ang pamilya? Andiyan lang rin 'yan. Minsan nadadagdagan, madalas nang-iiwan.
Ang tunay na kaibigan? Nag-iisa lang 'yan. Daragin mo man nang ilan, ikaw at ikaw pa rin ang uuwian.
Parang si Ari, halos tatlong taon na kaming magkasama sa iisang bubong. Pero hindi kagaya ko, may pamilya siyang nagmamahal sa kaniya at nauuwian sa tuwing gugustuhin niya.
Sa dami ng karanasan ko, isa lang ang hindi ko pa nasusubukan...ang mahalin at tanggapin ng isang pamilya.
Oo, isa akong gangster. Nananakit pero hindi pumapatay. Wala sa bokabularyo ko ang kumitil ng buhay. Kung gagawin ko man 'yon, sisiguraduhin kong handa na akong mamatay.
I yearned for a family who'll accept me completely kahit ganito na ako ngayon. Isang butangero na nasa daan ang ikinabubuhay, bastos ang pananalita, wala sa uso kung manamit, bisyosa, at higit sa lahat naghihikahos sa hirap.
Kumakapit sa patalim? Oo, isa ako sa kanila bago pa man dumating si Ari sa buhay ko.
Kung ako ang tatanungin, wala akong pinagsisisihan sa lahat ng nangyari sa akin dahil hindi ko na maibabalik ang tapos na. Ang tanging magagawa ko na lang ay matuto sa nakaraan, mabuhay nang tuwid sa kasalukuyan upang maging katanggap-tanggap ang aking hinaharap.
Nahinto ulit ako sa ginagawa nang biglang kumatok si Ari sa pinto.
"Pasok," malamyang utos ko habang nag-aayos pa din ng mga gamit.
"Hindi ka pa din tapos diyan? Isang oras na mula no'ng umakyat ka ah? Umidlip ka pa ba?" sunod-sunod na tanong niya at pumunta sa harap ko.
"Patapos na rin naman ako," sagot ko na lang saka mabilis na iniligpit ang mga nakakalat sa sahig.
"Tumawag nga pala si Mommy," biglang aniya dahilan para lingunin ko siya. Malungkot ang mga mata niya. Hindi ko mahulaan ang pinag-usapan nila pero batid kong masamang balita 'yon.
"Anong nangyari?" kaswal na tanong ko at hindi ipinahalata ang pag-aalala.
Nagbaba siya ng tingin sa mga paa saka bumuntong-hininga.
"Gusto niya akong pauwiin sa Cebu," malungkot na sagot niya at natigilan ako pero agad ding nakabawi.
"Anong sinabi mo sa kaniya?" kalmado pa ding tanong ko at muling umupo sa tapat niya.
Nakikita ko ang lungkot at pagtanggi sa mga mata niya. Hindi na ako nagugulat sapagkat nakahanda na ako sa pagdating ng araw na ito. Alam kong kahit sinong magulang ay ilalayo ang anak sa isang katulad kong pariwara.
Kung may isang bagay man akong pinapahalagahan ngayon bukod sa buhay ko, 'yon ay ang pagkakaibigan namin ni Ari.
Umiling siya saka mabilis na pinangiliran ng mga luha. Pinanood ko lang siyang nag-emote.
"Siyempre, gusto kong umuwi para makita sila. Miss na miss ko na din sila ni daddy," emosyonal nang anang niya at nagpunas ng sariling luha.
Hindi ako kumibo. Ayoko siyang mahirapang mamili sa amin ng pamilya niya. Mas gugustuhin kong umuwi siya sa kanila kaysa manatili sa akin. Natatakot ako sa kaligtasan niya lalo't pareho kaming umalis sa pagiging gangster nang walang paalam. Basta na lang kaming naglaho at hindi nagparamdam sa mga kasamahan namin.
"P-Pero," halos pumiyok na aniya at tumikhim bago tumingin sa akin na may luha pa ang mga mata. "Ikaw ang gusto kong makasama. Oo, gusto kong umuwi pero dito ko gustong maglagi...kasama ka," nakangiting dagdag niya.
"Tss. Ayokong mag-away kayo ng pamilya mo dahil sa akin," pagtutol ko sa sinasabi niya.
"Hoy! Nangako tayong walang iwanan e! 'Wag ka ngang tokshit diyan. Baka naririndi ka na sa akin kaya gusto mo na akong palayasin, 'no?" nambibintang pang tanong niya sa akin at sinundot-sundot ang mataba kong pisngi.
Tinapik ko ang kamay niya at sinamaan siya ng tingin.
"Siguraduhin mo lang na hindi ako padadalhan ng mga parak niyang parents mo dahil hindi ako magdadalawang-isip na ibigay ka ulit sa kanila," nambabantang asik ko at natawa naman siya.
"Hahahahaha! Kailan pa natakot sa mga parak ang isang Venenum?!" nang-aasar na tanong niya sa akin sabay tawa nang malakas.
'Tss. Bungangera talaga ang king ina!'
Inirapan ko lang siya saka ako tumayo at humiga sa kama.
"Lumayas ka na. Matutulog na ako," pagtataboy ko sa kaniya at agad naman siyang nagpagpag ng damit saka nakangising tumingin sa akin.
'Parang asong-sira! Tsk.'
"What?!" inis na tanong ko.
"Ang swerte mo talaga," nakangiti pa nang malapad na aniya.
"Ulol! Kailan lang?" natatawang tanong ko.
Pinagkrus niya ang dalawang braso at astang nag-iisip.
"Hmm, ngayon lang! Hehehe!" nakangiting banat niya.
"Oh? Bakit?" walang-interes na tanong ko.
'Ghad! I'm so sleepy.'
"Kasi ikaw ang pinili ko---"
"Kung gano'n mali ang desisyon mo," mabilis na pagsapaw ko sa kaniya.
Agad na nangunot ang noo niya habang nagsisipat ng tingin sa akin.
"H-Ha? Paanong mali? E ikaw nga ang gusto kong---"
"Mali pa din na ako ang inuna mo kaysa sa pamilya mo. Pero pagbibigyan kita kung ito talaga ang gusto mo," muling putol ko sa kaniya at tumingala sa kisame. Hindi ko na siya narinig na nagsalita pa kaya ipinikit ko na lang ang mga mata ko.
"Ha!" dinig kong singhal niya kaya bumangon ako nang bahagya at nagtatakang nilingon siya ulit.
Nagulat ako nang makita ko siyang nakaharap sa pader at kinakausap ang sarili.
"Ako pa ang mali?!" hindi makapaniwalang tanong niya sa pader at tinuro pa ang sarili. "Ambilibabol! Ako pa talaga mali! Siya na nga ang pinili e! Buset---"
"Woi!" malakas na tawag ko sa kaniya dahilan para mapatalon siya sa sobrang gulat at napalingon sa direksiyon ko habang nanlalaki ang mga mata.
'Tss! OA rin ang kingina!'
"Bakit mo kinakausap 'yang pader?" magkasalubong ang mga kilay na tanong ko pa.
Napanguso siya. "E kasi wala kang kwenta kausap! Sinabihan mo pa akong mali ang desis---"
"Tss!" singhal ko at napatitig siya sa akin. "Kasi mali naman talaga, kahit saang anggulo mo pa tingnan, Ari. Pero 'wag mo na ulit kakausapin 'yang pader ko dahil baka mahimatay ka kapag sumagot 'yan," wika ko at muling humiga.
"Fine. 'Yong pader ko na lang sa kwarto ang kakausapin ko, baka sakaling hindi ako sabihan ng mali ang desisyon ko sa pagpili sa kaibigan ko over my family. Psh!" napipikon na pagpaparinig niya at nagwalk-out.
'Tss.'
Hindi ko namalayan ang oras at nakatulog na pala ako.
Kinabukasan ay sabay kaming kumain ng agahan ni Ari pero hindi niya pa rin ako kinikibo. Umiiwas lang siya ng tingin kapag sinasalubong ko ang mga mata niya. Halatang nagtatampo.
'Mamaya na lang kita susuyuin. Kinakabahan pa ako sa first day natin,' sabi ko pa sa isip.
Pareho kaming walang kibuan hanggang sa natapos kaya mabilis kaming nakaalis ng bahay.
Habang nasa biyahe ay hindi ko mapigilang makaramdam ng kaba, at hindi ko alam kung bakit. Baka dahil ngayon lang ulit ako papasok sa paaralan, sa isang prestihiyoso pa at kasama ang mga mayayaman na estudyante.
'Bahala na! Kaya ko 'to!'
Maya maya pa ay nasa UB parking lot na kami.
"UNIVERSITY OF BATANGAS," basa ko doon sa mga malalaking letra na nakatayo sa bungad ng parking lot.
Maaga pa lang kaya hindi pa masyadong maraming sasakyan ang nakaparking noong dumating kami. Agad naman kaming nakahanap ng magandang parking space kaya sabay din kaming pumasok ni Ari.
Natigil ako sa paglalakad nang biglang huminto si Ari at sinuyod ng tingin ang buong paligid. Halatang manghang-mangha siya sa mga nakikita niya base sa reaksyon ng mukha niya.
"Woooow! Ang gandaaaa!" parang pumapalakpak pa ang tenga niya sa sobrang tuwa.
Para siyang batang first time pa nakapasok sa Enchanted Kingdom.
"Tss," mahinang singhal ko pero hindi pa din siya nagpatinag.
Nagsimula na siyang maglakad ulit habang nanlalaki pa rin ang mga mata sa pagkamangha sa paligid niya.
Hindi ko na lang siya pinansin at naglakad na kasabay niya.
Inaamin ko, maganda talaga ang UB. Pangalan pa lang, pribado at mamahalin na. Parang humihiga sa pera ang mga estudyante dito. 'Yong tela ng uniporme nila, sobrang magastos. May badge pa ng logo nila ang coat at plantsado.
Pinagtitinginan at pinag-uusapan na kami ng mga ibang estudyante, marahil ay kami lang ni Ari ang hindi naka-uniform dito. Hindi ko na lang din pinansin 'yon.
Hanggang sa makarating kami sa harap ng building namin.
'Ang tayog! Ilang floors ba 'to?! Parang perfect spot sa gustong magsuicide---tsk!'
"Grabe! Parang magtatrabaho na tayo sa isang kompanya, Hein ah? Ang taas ng gusali oh! Ilang floors kaya 'to? May elevator kaya sila dito?" tanong ni Ari mula sa tabi ko habang nakatingala sa matayog na building ng High School.
Hindi ko siya sinagot bagkus ay nauna na akong umakyat. Dala naman niya ang studyload niya kaya kampante akong hindi siya maliligaw.
Noong una akala ko pinagtitinginan lang nila kami dahil hindi kami nakauniporme pero ngayon ko lang unti-unting napagtanto na sobrang sama pala ng mga tingin nilang 'yon.
'Ano na namang trip ng mga 'to?'
Hindi ko na lang ulit sila pinansin. Nagtuloy lang ako sa paglalakad sa floor namin at iniisa-isang tiningnan ang mga room number na nakasulat sa itaas ng bawat pinto ng classroom.
Room 305 kasi kami ni Ari kaya medyo sa may gitnang bahagi pa 'yon dito ng floor. Napakahaba ng hallway, mga sampung room pa bago marating ang kabilang dulo.
Nasa ganoong estado ako ng pag-iisip nang biglang,
"Hoy, ikaw!" malakas na sigaw ng isang boses na nanggagaling sa likuran ko kaya napahinto ako sa paglalakad.
Ramdam ko ang paglapit niya pero hindi ko siya nilingon. Diretso lang ang tingin ko sa harap ko habang 'yong mga tao sa paligid ay kaniya-kaniyang bulungan na.
'I knew it.'
Napapikit na lang ako sa naiisip.
Nang iminulat ko ang mga mata ko ay nagtama ang paningin namin ng isang matangkad, kulay porselana ang balat, at gwapong lalaki. Nakangisi siya sa akin at tila ba pinaglalaruan na niya ako sa isip niya.
'Sino naman ang isang 'to?! Tsk!'
"Bow," nakangisi pa ring aniya.
'Huh?'
Tiningnan ko lang siya sa mata at hinihintay na maglaho siya sa paningin ko.
"I said 'bow'," madiing pag-uulit niya at ngumisi na naman.
Kumurap lang ako nang tatlong beses at hindi siya kinibo.
"Hindi ka makaintindi ng ingles?" maya maya'y tanong niya nang tinitigan ko lang siya.
Hindi ko siya sinagot at dahil nababagot na ako ay umurong ako at nilagpasan siya pero bago pa man ako makatatlong hakbang ay naramdaman ko na ang marahas na paghawak niya sa kanang braso ko kaya kusa akong huminto.
Mas dumadami na ang mga estudyante sa paligid ngunit wala akong naiintindihan sa mga sinasabi nila at ayoko ding pakinggan.
"I told you to bow. Hindi ka ba talaga susunod?" may bahid ng inis ang tono niya.
Padaklot kong binawi ang braso ko na ikinagulat nila.
'Para 'yon lang? Tss.'
At hinarap ko siya. Nanatiling blangko ang mukha ko dahil hindi ko talaga siya trip ngayon kahit may itsura siya. Mukha kasing g**o lang ang dala niya sa akin.
'Tsk! Subukan lang niyang sirain ang araw ko, lagot siya sa akin.'
Tinaasan niya ako ng kilay at tila hinihintay na magbow ako sa kaniya.
'Sino ba siya sa akala niya? Hari? Tss!'
"Sino ka ba?" naiinip na tanong ko sa kaniya at nanlaki ang mga mata niya sa inis. "Badtrip ka, alam mo ba 'yon?" dagdag na tanong ko pa.
Nangunot ang noo niya, mukhang hindi niya nakuha ang pinupunto ko.
'Slow! Amp!'
"Ano?!" nagtaas siya ng boses at hindi ko nagustuhan 'yon. "At tinatanong mo kung sino ako?! Ha! Nakikita mo ang lahat ng mga 'yan," turo niya doon sa mga estudyante sa paligid pero hindi ko man lang sila tiningnan. Nanatili lang ang mga mata ko sa kaniya. "Lahat sila lumuluhod sa harap ko kung gusto ko. Kaya gawin mo na ang sinasabi ko kung ayaw mong maging katawa-katawa," utos niya, masama ang tingin sa akin.
"Hahahaha!" tawanan ng lahat.
'Ang galing. Bida ka na naman, Hein!'
Nanatili pa rin akong walang reaksyon at kalmado.
"Omaygod, b***h! Sumunod ka na lang!"
"Bow now!"
"Magbow ka na girl! Baka mapahiya ka lang!"
"Hahahaha! Ang tanga nga naman---"
"Pwede ba?! Napakaingay niyo! Lumayas nga kayo sa harap ko! Baka palakarin ko kayo nang nakatuwad hanggang baba!" galit na pigil no'ng lalaki sa mga babaeng nagsasalita kanina.
'Mga patawa ang mga 'to e. Nananakot pero wala namang nakakatakot sa mga sinasabi at ginagawa nila. Tss!'
Pipihit na sana ulit ako patalikod nang may biglang sumampal sa akin mula sa gilid kaya muli akong napaharap sa arogante'ng lalaki kanina.
"Ouch! Ang sakit no'n!"
"s**t! Napalakas yata ang sampal mo, ate Kate!"
"Hahahahaha! Namula ang mukha ni transferee girl oh!"
Dinig kong sabi ng mga bubuyog sa paligid.
Nakangising lumapit sa akin 'yong lalaki at iniangat pa ang baba ko upang magpantay ang paningin namin.
"Ganiyan ang mangyayari sa'yo kapag hindi ka sumunod sa hari," mayabang na asik niya pero nanahimik pa rin ako.
'Sige lang. May araw din kayo, mga king ina!'
Pinunasan ko ang gilid ng labi ko nang maramdaman kong namasa ito. At hindi ako nagkamali, pumutok nga ang labi ko.
Pumunta sa gilid no'ng lalaki ang babae'ng nangahas na sampalin ako nang malakas kaya nakita ko ang kabuuan niya.
Maganda, sexy, maputi, at malakas ang dating.
'Isang chic ang sumampal sa akin?! Tsk! Sayang.'
Inayos ko ang bag ko saka astang tatalikod nang itulak ako nang malakas no'ng lalaki. Hindi ko inaasahan 'yon kaya nawalan ako ng balanse at natumba.
Ayon na naman ang tawanan sa paligid ko. Para silang mga langaw na nag-iingay!
'Mga peste! Ano bang kailangan ng mga 'to?!'
Kalmado akong tumayo at iniwas na lang ang tingin sa kanilang lahat.
"Hoy!"
Kahit hindi ko lingunin, batid kong 'yong arogante'ng lalaki ang nagsabi no'n.
"Ang ayaw ko sa lahat ay 'yong bastos at walang galang!" galit nang asik niya at hindi ko naramdaman ang mabilis na paglapit niya sa akin kaya agad ko siyang naitulak nang mahina sa dibdib gamit ang kamao ko upang lumaki ang distansya namin.
'Bakit kailangang lumapit nang sobra?! Tsk!'
"Wala akong pakialam sa mga ayaw at gusto mo," malamig na tugon ko at agad na umusok ang ilong niya sa galit at sinampal ulit ako gamit ang likod ng palad niya kaya hindi ko agad naibalik ang ulo ko sa harap dahil parang na-stiff neck ako sa mas malakas na sampal na 'yon.
Nang makarekober ako ay nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.
"Ano? Kay simple lang no'ng inutos ko, magbow ka! 'Yon lang! Pero talagang matigas ka ah?! Ang lahat ng kumakalaban sa akin---"
"Sasaktan mo?" seryosong putol ko sa sinasabi niya dahilan para matigilan siya at ngumisi ako. "Sige lang. Gawin mo ang gusto mo," nagpipigil na dagdag ko habang nakatingin lang nang diretso sa mga mata niya. "Pero kapag ako napuno sa'yo, hindi mo ikakatuwa ang ganti ko," pambabanta ko saka pinulot ang bag sa sahig.
Umalis ako na parang walang nangyari at dumiretso sa classroom. Hindi ko alam kung paano ko natunton agad-agad ang room namin, basta na lang kasi akong naglakad nang mabilis paalis sa lugar na 'yon at pumasok nang walang pasabi sa guro na nasa harap.
To be continued...