Azel's Pov
"Ang aga mo yata ngayon, dre? Nagbago kana talaga!" nang-aasar na salubong sa akin ni Kenta at nag-apir pa kami.
Madalas akong nahuhuling dumating sa aming tatlo kaya bago nang bago sa kaniya sa tuwing nauuna ako. Tamad kasi akong bumangon nang maaga.
"Hindi pwedeng pumanget ang impression nila sa first day ko, dre. Baka mabawasan ang kagwapuhan ko!" mayabang namang sabi ko.
"Naks! Ibang level na 'yan ah! Oh, nasaan na nga pala si Lord? Siya pa talaga ang nahuli sa ating tatlo? Tsk! Tsk!" tanong niya nang makitang hindi ko kasama si Nixel Lord, ang isa pa naming kaibigan.
"Sa room na lang natin siya hintayin, dre. Paniguradong nagpapagwapo pa 'yon para magkalove life, hahahaha!" biro ko pa at pareho kaming natawa.
Nag-akbay kami papasok at gaya ng dati ay marami na namang nagsisigawan at nagtitilian ng mga pangalan namin lalo na kapag dumadaan kami sa harap nila.
'Tch! Mga easy-to-get! Tsk. Tsk. Tsk. Walang challenge!' iiling-iling na sabi ko pa sa isip at nagtuloy na kami papasok.
Wala pa masyadong tao sa room kaya nagtambay muna kami sa lobby. Nang dumating na si Nixel ay bumaba ulit kami para bumili ng makakain.
"Nagbreakfast na kayo, mga dre?" tanong ni Nixel nang pababa na kami ng building.
"Yes. Nagluto si Mommy ng masarap na pansit palabok," sagot ko.
"Hindi na ako kumain. Naexcite akong pumasok e! Hahahaha!" sagot naman ni Kenta kay Nixel.
"Psh! Edi busog ka na pala, Azel? Si hapon na lang ang ililibre ko kung gano'n," wika ni Nixel at agad na nagsalubong ang mga kilay ko.
"Bakit? Siya lang ba ang kaibigan mo? Tch. Hindi porke't kumain na ako, e hindi na ako kakain ulit, 'no!" inis na singhal ko at nagmamaktol.
"Ang presyon mo, dre. Kalma lang. Hahahaha! Tara, tara! Seryoso lang 'yang kaibigan natin dahil walang lovelife pero hindi 'yan kuripot, 'di ba dre?" banat na tanong ni Kenta kay Nixel ngunit hindi siya nakatanggap ng sagot mula dito.
'Tch!'
Inakbayan niya kami pareho ni Nixel saka sabay na naglakad papasok ng cafeteria.
Si Nixel ang umorder ng pagkain namin dahil ililibre niya kami. Naiwan naman kami ni Kenta sa table habang naghihintay sa kaniya nang biglang nagvibrate ang phone ko.
Tumatawag si Babe!
Agad ko 'yong sinagot at nakangiting inilagay sa tenga ang telepono. Nagtanong pa si Kenta kung sino 'yon at sinabi ko namang ang puso ko.
'Hehehehe!'
"Good morning, my love. What's up? Are you in school already?" masayang bungad ko sa kaniya.
"Good morning, babe. Nasa bahay pa ako e," sagot niya mula sa kabilang linya.
"Okay lang, babe. Drive safely! Kita na lang tayo sa building later," wika ko.
"See you then,"
"I'll see you. Take care, babe," nakangiti pa ding sabi ko kahit hindi niya naman ako nakikita.
'Wala e, nainlove ako sa babaeng ubod ng ganda at kasexy'han!'
Idagdag mo pa na mayaman din sila at hinahangaan siya ng lahat dahil sa angking talino niya.
'Ako na talaga ang may perfect girlfriend!'
"I love you. Bye!" paalam niya.
"I love you too," sagot ko at ibinaba na niya ang linya.
Sakto naman ang pagdating ni Nixel dala-dala ang order namin kaya sinimulan na naming kainin ang mga inorder niya.
"Dre, hindi ba't lolo mo pa rin ang nakaupong dean ngayon?" biglang tanong ni Kenta sa akin.
"Yeah. Wala pa naman daw kasing papalit sa pwesto niya dahil busy sina mom at dad sa law firm namin," kaswal na sagot ko habang sumusubo pa ng pagkain.
"Oo nga pala. Ang perfect match naman talaga ng parents mo, 'no? Biruin mo same field sila. Bakit hindi nagproceed ng law si Tita?" pang-uusisa ulit ni Kenta.
"Ewan ko. Tsaka, bakit ka ba tanong nang tanong? Hindi ka ba gutom?" nakangiwing tanong ko pa sa kaniya.
"Oh, e bakit parang galit ka? Tinatanong ka lang naman."
"Kasi ang ingay mo," kunot ang noo'ng sagot ko at nagtuloy pa din sa pagkain.
"Ayaaan! Parang hindi ka na nasanay ah?" nang-aasar pang tanong niya.
"Tch. Masasayang 'tong inorder ni Nixel kung hindi natin mauubos dahil diyan sa kaingayan mo. Mabubusog ka lang sa hangin!" asik ko pa.
"E kaso---"
"Friedrich, Morimoto, and Jimenez,"
Pareho naming nilingon 'yong tumawag sa amin at nagulat kami kung sino ang nagmamay-ari ng boses na 'yon.
'Speaking of the devil!'
SI DEAN.
'Ang aga naman yata niya ngayon? Pauso din sa first day?'
Parang bigla naman akong nalungkot dahil ang inaasahan kong pasok niya ay next week pa. Wala pa naman kasing dapat bantayan sa ngayon dahil mauubos lang ang isang linggo sa pagpapakilala, lalo na't first week ng first semester.
"Good morning, dean," sabay-sabay naming bati.
"Come to my office after lunch. We have a lot of things to discuss for your last year here," maawtoridad na aniya at agad akong napalunok dahil unti-unti nang umaakyat ang kaba sa dibdib ko.
My lolo, the dean of UB, is not living with us kaya hindi ko siya madalas makita. Pero isa lang ang saulo ko na sa ugali niya, ayaw niya sa mga bobo at pasaway. Lagi akong nadedetention sa tuwing umaabot sa kaniya ang mga balitang nangbubully na naman ako ng kaklase o schoolmates ko. Hindi niya tinotolerate ang bad side kong ito kaya talagang hindi ako natutuwa sa tuwing sumusulpot siya sa paligid ko.
'Ano na naman kayang ipapagawa nito? Aish!'
"Kaming tatlo po, dean?" magalang na tanong ni Nixel kay lolo.
"Yes. I'll go now. Eat well, gentlemen," pormal na paalam niya sa amin saka naglakad paalis.
Doon naman ako nakahinga nang maluwag.
Hindi na kami nagtagal pa sa cafeteria at muling bumalik sa building.
Paakyat na sana kami nang may nahagip akong hindi kaaya-aya sa aking paningin kaya huminto ako at pinanood 'yong dalawang babaeng parang tanga'ng sinisipat ng tingin ang building namin.
"Tch, sino naman ang dalawang 'to?" bulong ko pa.
Nakinood din ang dalawa sa akin. Kahit nasa malayo kami, kapansin-pansin talaga ang dalawang 'to dahil pareho silang hindi nakauniporme at parang mga ignorante pa.
"Parang ngayon lang sila nakakita ng magandang building ah? Saang panahon ba nanggaling ang dalawang 'yan at wala na rin sa uso 'yang fashion nila?" nagtataka ding tanong ni Kenta mula sa gilid ko.
"Hayaan niyo na sila. Bumalik na tayo sa classroom," aya sa amin ni Nixel.
'Tch! KJ talaga!'
Nilingon ko si Kenta. "Transferee siguro ang dalawang 'yan," sabi ko pa at muling tumingin doon sa dalawa pero nawala na 'yong isa sa kanila.
Agad akong luminga-linga sa paligid para hanapin 'yong isa at ayon! Nakita ko siyang umaakyat sa hagdan na parang lantang gulay.
"Tara," aya ko sa dalawa at tinapik pa sila sa balikat.
Nakangisi ako habang sinusundan namin 'yong babae sa pag-akyat.
'Kapag sinuswerte ka nga naman! New target spotted! Bwahahahahahaha!' sabi ko pa sa isip.
Ang sarap i-bully ng taong pinaglumaan. She looks weird, literally weird. Mula sa pananamit na walang kasing baduy at napakalaki pa ng back pack niya.
'Tch! Mukhang wala yatang maganda sa babaeng 'to!'
Matangkad siya at medyo chubby pero hindi naman ganoon kataba. Nakatalikod siya sa amin kaya hindi ko pa nakikita ang itsura niya pero alam ko nang panget siya dahil sa taste niya.
Diretso lang siya kung maglakad at parang walang pakialam sa paligid niya. Pinagbubulungan na siya't lahat, nagtitilian pa 'yong mga babaeng nadadaanan namin at isinisigaw pa ang aming kasikatan pero parang wala lang siyang naririnig.
'Baka bingi? Tch! Imposible naman 'yon! Nag-uusap sila kanina ng kaibigan niya e kaso hindi siya nagsalita,' teorya ko pa sa isip.
Akala namin ay aakyat pa siya sa fourth floor pero bigla siyang lumiko at nagdiretso ng lakad sa third floor habang tinitingnan ang bawat room na nadadaanan. Parang hinahanap niya ang classroom nila.
"Wait. Are we following her?" maya maya'y tanong ni Nixel nang lumiko din kami para sundan 'yong babae.
Nasa ikaapat na palapag pa kasi ang floor naming mga seniors. Kung nandito ang babaeng 'to, malamang nasa third year pa siya. Floor kasi ito ng mga malalandi at ignorante'ng juniors.
"Obviously, dre! Mukhang nakakita na ng bagong target itong kaibigan natin e! Hahahaha!" pabirong sagot sa kaniya ni Kenta.
Mabagal 'yong lakad ng babae kaya para din kaming mga timang na naglalakad-pagong.
Nang hindi na ako nakapagtiis ay huminto ako at ipinagtaka 'yon ng dalawa pero hindi ko na sila pinansin.
Nakatitig lang ako doon sa likuran ng babae na parang hindi naman babae ang postura.
'May lahing sanggano pa yata ang babaeng 'to ah?!'
"Hoy, ikaw!" malakas na sigaw ko at napahinto siya sa paglalakad.
Lumapit ako pero hindi man lang niya ako nililingon. Nagdadalawang-isip pa yata kung tama bang tumigil siya.
'Pagsisisihan mong ipinanganak ka pa dahil gagawin kong impyerno ang buhay mo! Bwahahahaha!'
Nanatili lang siyang nakatayo sa pwesto niya. Nakapikit pa siya no'ng nasa harapan na niya ako.
Nagtama ang paningin namin nang magmulat siya ng mga mata. Nakaramdam ako ng biglaang inis dahil wala man lang siyang reaksyon nang makita ang gwapo kong mukha.
'Tch! Lagot ka sa akin ngayon!' nakangising sabi ko pa isip.
"Bow," utos ko at ngumisi nang nakakaloko.
Tiningnan niya lang ako sa mata sa paraang hindi ko gusto.
"I said 'bow'," madiing pag-uulit ko pa habang nakangisi pa rin.
Kumurap lang siya nang tatlong beses at hindi na pa din kumikibo.
'Baka pipi? O baka naman hindi marunong mag-english?!'
Sarkastikong tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa saka muling tumingin sa mataba niyang mukha pero nanatili lang siyang nakatitig sa akin.
"Hindi ka makaintindi ng ingles?" maya maya'y tanong ko nang hindi pa din siya nagsasalita.
'Tch! Napapahiya ako sa ginagawa ng babaeng 'to ah! Leche!'
Nabigo akong makakuha ng sagot mula sa makalumang babaeng 'to at ganoon na lang ang gulat ko nang umatras siya at nilagpasan ako.
'Anak ng---wala pang nambabastos sa isang Azazel Sid Friedrich!'
Sa sobrang inis ko ay sinundan ko siya ng tingin at marahas kong hinila ang braso niya dahilan para mapahinto ulit siya.
Mas dumadami na ang mga estudyante sa paligid pero tila wala pa din siyang pakialam.
"I told you to bow. Hindi ka ba talaga susunod?" may bahid ng inis na wika ko.
Walang kahirap-hirap na binawi niya ang braso niya mula sa akin at natigilan ako.
'Gano'n siya kalakas?' gulat na tanong ko sa sarili.
At hinarap niya ako dahilan para muling nagtama ang paningin namin. Hindi ko ipinahalata ang konting kaba na nabubuhay sa dibdib ko dahil sa ginawa niya.
Masyadong mahigpit 'yong kapit ko sa braso niya kanina na halos durugin ko na sa galit pero parang hindi man lang siya nakaramdam ng sakit.
Blangko pa rin ang itsura niya at wala akong nababasang kahit ano sa mukha niya!
'What the hell?! Is she dumb?!'
Bumalik lang ako sa katinuan nang maalala ko kung sino ang hari at batas dito sa paaralang ito, at ako 'yon!
'Bwahahahahaha!'
Tinaasan ko siya ng kilay nang may naisip akong magandang panira sa araw niya.
"Sino ka ba?" biglang seryosong tanong niya at nanlaki ang mga mata ko sa inis. "Badtrip ka, alam mo ba 'yon?" dagdag na tanong niya pa at agad na kumunot ang noo ko.
'Gago ba siya?! Anong badtrip ako?! Siya nga 'tong parang basura na nagpakalat-kalat dito sa teritoryo ko e! Tch!' inis na sigaw ko pa sa isip.
"Ano?!" galit na tanong ko. "At tinatanong mo kung sino ako?! Ha! Nakikita mo ang lahat ng mga 'yan," tinuro ko pa ang mga estudyante na nakapaligid sa amin pero hindi niya man lang sila pinag-aksayahan ng segundo upang tingnan. Nanatili lang ang mga mata niya sa akin. Hambog! "Lahat sila lumuluhod sa harap ko kung gusto ko. Kaya gawin mo na ang sinasabi ko kung ayaw mong maging katawa-katawa," utos ko pa.
"Hahahaha!" tawanan naman ng lahat.
Nanatili pa din siyang walang reaksyon at tila kalmadong-kalmado pa.
"Omaygod, b***h! Sumunod ka na lang!"
"Bow now!"
"Magbow ka na girl! Baka mapahiya ka lang!"
"Hahahaha! Ang tanga nga naman---"
"Pwede ba?! Napakaingay niyo! Lumayas nga kayo sa harap ko! Baka palakarin ko kayo nang nakatuwad hanggang baba!" galit na pigil ko doon sa mga babaeng nakikisali sa eksena ko.
Kahit gano'n ay talaga namang napakatigas nitong babae sa harap ko dahil lalo niya akong iniinis sa pagkamayabang niya.
Wala na siyang ibang ginawa kundi ang manahimik at tingnan ako nang diretso sa mata. Napakatapang niya kung ganoon, pero mas matapang pa rin ako.
Hindi ko talaga gusto ang buong pagkatao niya noong unang kita ko pa lang sa kaniya kaya malaki ang tyansang siya ang magiging target ko sa huling taon ko dito.
Bago ko pa man naabsorb ang lahat ay nakita ko ang biglaang pagsulpot ni Kate at sinampal nang malakas 'yong babae dahilan para muli itong napaharap sa akin.
"Ouch! Ang sakit no'n!"
"s**t! Napalakas yata ang sampal mo, ate Kate!"
"Hahahahaha! Namula ang mukha ni transferee girl oh!"
Bulungan pa rin nila.
'Nice one, babe! Bwahahaha!'
Nakangising lumapit ako doon sa babae at iniangat ko pa ang baba niya upang magpantay ang paningin namin.
"Ganiyan ang mangyayari sa'yo kapag hindi ka sumunod sa hari," mayabang na asik ko pero hindi pa rin siya nagsasalita.
Iniwas niya ang mukha sa akin at pinunasan ang gilid ng labi niya dahil pumutok ito sa sobrang lakas ng pagkakasampal ni Kate.
Tumabi sa akin si Kate at nginisihan rin ang babaeng nasa harap namin.
Ngunit nagkamali ako ng isiping magagalit na siya sa amin at sisigawan kami dahil sa pang-aalipusta namin sa kaniya.
Kalmado niya lang na inayos ang bag niya saka astang tatalikod nang makaisip ako ng bagong ikagagalit niya.
'Tingnan lang natin kung hindi mo pa ako daragin sa gagawin kong pamamahiya sa'yo!'
Bago pa siya makalayo ay itinulak ko na siya nang malakas dahilan para bumagsak siya sa sahig at pagtawanan ng lahat. Pero nang makarekober ay kalmado pa din siyang tumayo at iniwas na lang ang tingin sa aming lahat.
'Ano bang mayro'n sa babaeng 'to at tila hindi siya naiinis man lang sa ginagawa ko?! Tuod ba siya?! Hindi naman siya santo para magpaapi ah? Tch! Baka mayabang lang talaga siya!'
"Hoy!" galit na sigaw ko at mabilis na naglakad palapit sa kaniya. "Ang ayaw ko sa lahat ay 'yong bastos at walang galang!" galit na talagang asik ko.
Bahagya niya pang inilagay sa dibdib ko ang kakarampot na kamao niya upang madagdagan ang distansya namin. Kahit napapahiya ay nagtuloy pa rin ako sa galit ko.
Tiningnan ko siya nang masama at kung nakakamatay lang ang titig baka kanina pa siya pinaglamayan.
'Ginagalit talaga ako ng gago'ng babaeng 'to! Hindi ako makakapayag na lama---'
"Wala akong pakialam sa mga ayaw at gusto mo," malamig na tugon niya kaya muli na naman akong natigilan.
Lalong umakyat ang galit ko sa ulo at agad na umusok ang ilong ko sa sobrang pagkapikon. Hindi ko na talaga napigilan ang sarili kong sampalin siya nang mas malakas pa doon sa ginawa ni Kate.
Matagal bago siya tumingin sa akin at ngayon pa lang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.
Sobrang sama ng tingin niya sa akin pero hindi ako nagpatinag.
'Ako ang hari dito kaya ako ang masusunod! At dudurugin ko siya hangga't gusto ko!'
Akala ko ay makakaramdam na ako ng satisfaction sa pambubuyo at p*******t ko sa kaniya pero sa ikalawang pagkakataon ay mali na naman ako.
"Ano? Kay simple lang no'ng inutos ko, magbow ka! 'Yon lang! Pero talagang matigas ka ah?! Ang lahat ng kumakalaban sa akin---"
"Sasaktan mo?" seryosong pigil niya sa akin dahilan para matigilan ako at nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang ngumisi sa akin. Creepy! "Sige lang. Gawin mo ang gusto mo," dagdag niya habang nakatingin lang nang diretso sa mga mata ko. "Pero kapag ako napuno sa'yo, hindi mo ikakatuwa ang ganti ko," madiing pambabanta niya na naging dahilan ng pangingilabot ko.
Hindi ko maintindihan pero nakaramdam ako ng takot sa huling sinabi niya. Nabantaan na rin ako dati pero hindi ito kagaya ng nakasanayan ko. Parang may kakaiba sa kaniya at 'yon ang ikinapapangamba ko.
Wala na akong nagawa kundi panoorin siyang umalis dahil biglang umurong ang sikmura ko sa ibinato niyang linya.
Maaaring puro salita lang 'yon pero hindi ko pa din kayang kumbinsihin ang sarili kong hindi niya magagawa ang mga sinasabi niya.
Babae lang siya at mahina,
'Paano niya ako matatapakan at masasaktan?'
At mukha pa siyang mahirap. P-Pero 'yong mga tingin niya...iba. Malayo sa tingin ng mga kaaway ko dati. Napakalamig niyang makitungo at nakakainis 'yon!
Idagdag pa ang pagiging boyish niya.
'Tch! Tomboy na siga pala siya ah? Pwes, ako naman ang hari dito kaya wala siyang magagawa dahil nasa teritoryo ko siya!'
Agad na lumapit sa akin sina Kate, Kenta, at Nixel. Sabay-sabay naming tinanaw 'yong babae papasok sa room nila na wala man lang galang sa guro na nasa harap.
'Psh! At bastos pa! Dimwit!'
Wala na ako sa mood noong makabalik kami sa classroom. Inihatid namin si Kate sa room niya na katabi lang din naman ng room nila Kogami.
"Tch! Bwesit ang Kogami'ng 'yon ah! Makikita niya ang hinahanap niya!"
"Mr. Friedrich!" malakas na sigaw ng lec dahilan para gulat akong napatitig sa harap. "Are you listening to me?!" galit na tanong niya sa akin.
's**t! Nasabi ko pala 'yong dapat na inisip ko lang?!'
Napapahiyang tumango ako. "Y-Yes, Sir," sagot ko at nagbaba ng tingin.
Inis na bumalik sa discussion 'yong lec kaya nagkaroon ako ng pagkakataong magmaktol.
"Dre, sinong Kogami?" bulong na tanong ni Kenta sa akin.
Nilingon ko siya at nagtatakang tiningnan, "Edi 'yong maton na babae kanina! Sino pa bang kaaway ko dito?!" sarkastikong sagot ko sa kaniya.
"Marami, dre. Marami kang kaaway. Pero kung siya si Kogami, edi ikaw si---"
"Mr. Morimoto!" sigaw ulit ng lec kaya napapikit na lang ako sa sobrang pagkapahiya.
Nakaharap kasi si Kenta sa akin habang nakikichismis kaya huling-huli kami sa akto.
"You and Mr. Friedrich, go out in my class! Now!" galit na sigaw ni lec dahilan para mataranta kami sa pagtayo ni Kenta at kinuha ang mga bag namin. "Don't go back in my class if you still have no manners!" pahabol ng lec nang tuluyan na kaming makalabas sa room.
'Bwesit!'
"Pucha, dre kasalanan mo 'to!" paninisi sa akin ni Kenta nang makarating kami sa plant circle.
Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Bakit ako?! Kasalanan mo!" At tinuro ko pa siya. "Dahil kung hindi ka tsismoso, baka hindi tayo nahuli!" panunumbat ko naman sa kaniya.
"Pero seryoso, dre, si Kogami talaga 'yong nakaharap mo kanina?! Hahahahahaha!" natatawa pang aniya.
"Tch! Naiinis ako sa kaniya!" nanggigigil na sambit ko habang nakakuyom ang mga kamao.
"So ikaw na pala ngayon si Makishima Shogo! Hahahahaha!"
"Ano?!" inis na singhal ko sa kaniya.
"Alam mo bang si Kogami ang papatay sa'yo?" tanong niya at mabilis na nagsalubong ang mga kilay ko.
"What did you say?!"
Nabuhay ang galit ko sa sinabi niyang 'yon.
'Anong papatayin ako ng babaeng 'yon?! Mauuna ko pa muna siyang kitilan ng buhay bago niya ako mahawakan!'
"Sa Japanese movie na Psycho Pass, pinatay ni Kogami si Shogo," sagot niya habang nakangisi.
'Anak ng---'
"Hoy, hapon! Wala akong pakialam sa mga sinasabi mo! Ang mahalaga sa akin ay makaganti sa babaeng 'yon!"
"Gaganti ka pa? Halos patayin mo na nga 'yon kanina e, tapos ipinahiya mo pa sa lahat. Kulang pa 'yon?" gulat na tanong niya sa akin.
Tumayo ako sabay hila ng bag ko.
"Diyan ka na nga!" inis na sabi ko at astang maglalakad nang pigilan niya ako.
"Saan ka pupunta, dre? Babalik ka sa classroom?" habol niya sa akin.
"Hindi," sagot ko.
"Edi saan ka nga? 'Wag mong sabihin sa aking hahanapin mo si Kogami?"
"Tch! Manahimik ka na nga!"
"Nagtatanong lang naman ako, dre. Bakit ka naninigaw?!"
"Dahil masyadong mataas ang tingin niya sa sarili niya," sagot ng---
Napalingon kami ni Kenta sa likod namin dahil sa boses na 'yon at pareho kaming nagulat nang makita ang walang karea-reaksyong si Kogami!
Pinagkunutan ko siya ng noo.
"What are you doing here?!" inis agad na tanong ko.
Kung kanina ay kating-kati ako na hanapin siya upang upakan at nang matuto, pero ngayong nasa harap ko na siya parang biglang nabahag ang buntot ko dahil muli na namang pumasok sa isip ko ang huling sinabi niya kanina bago kami nagkahiwalay.
"Pero kapag ako napuno sa'yo, hindi mo ikakatuwa ang ganti ko."
"Pero kapag ako napuno sa'yo, hindi mo ikakatuwa ang ganti ko."
"Pero kapag ako napuno sa'yo, hindi mo ikakatuwa ang ganti ko."
Napailing ako nang magpaulit-ulit 'yon sa isip ko.
'Damn it!'
Ari's Pov
Sa sobrang pagliliwaliw ko, hindi ko na napansin ang paglaho ni Hein sa tabi ko.
'Siguro nainip kaya iniwan ako.'
Napakibit-balikat na lang ako sa naiisip. Nakangiting umakyat ako sa building namin. Halos ngitian ko ang bawat taong nadadaanan ko kahit hindi naman ganoon kaganda ang tingin nila sa akin.
Masaya ako kaya bahala sila sa mga buhay nila!
'Bwahahaha!'
Nang makarating ako sa floor namin ay nagtataka akong tiningnan ang buong paligid at nakisiksik sa mga nagkukumpulan doon.
'Anong meron?'
Matagal bago ako nakasingit pero nang makita ko kung sino ang pinagkakaguluhan nila ay agad na nawala ang excitement ko.
'Pucha! Si Hein sinampal no'ng babae!'
Natigang ako sa kinatatayuan dahil hindi ko inaasahan ang pangyayaring 'yon.
Pinagtulungan siya no'ng babae at lalaki na nasa harap niya. Kaya no'ng nilapitan siya ng lalaki ay tatakbo na sana ako palapit sa kaniya nang may biglang humawak sa magkabilang braso ko dahilan para hindi ako matuloy sa paglapit kay Hein.
Inis na nilingon ko kung sino ang gagong humawak sa akin at doon ko lang napagtantong hindi lang isa kundi dalawang tao---lalaki pala ang pumigil sa akin.
"Ano ba! Bitawan niyo nga ako!" inis na sabi ko pero tinawanan lang nila ako at nakinood sa eksena nila Hein. "Sinabi nang bitawan niyo 'ko e!" sigaw ko at tinadyakan sila pareho.
"s**t!" impit no'ng Japanese ang mukha.
"f**k!" reklamo naman no'ng parang amerikanong hilaw.
"Ang tigas kasi ng mga mukha niyo e!" wika ko pa at dinuro silang dalawa.
"What?!" sabay na tanong nila dahilan para maagaw namin ang atensyon ng ibang mga estudyante.
"What niyo mga mukha niyo! Mga ulupong!" galit na sigaw ko.
"U-Ulopong?" inosenteng tanong no'ng singkit ang mga mata.
"What's that?" tanong naman no'ng hilaw na englishero habang magkasalubong pa ang mga kilay.
"Bwesit!" muling sigaw ko sa kanila at tumalikod na.
Pinilit kong sumingit doon sa mga babaeng nasa unahan at tinanaw si Hein.
May sinasabi siya do'n sa lalaki pero hindi ko marinig at saka siya naglakad paalis na parang walang nangyari.
'Isa kang malaking mushroom, Hein! Hahahahahaha!'
Gusto kong matawa nang hard sa ginawa niya.
'Psh! Akalain mo nga naman, first day na first day, may enemy agad siya?! Tsk! Napakagandang question mark kasi ng Hein e! 'Yan tuloy ang napapala.'
Nakita ko kung paano nakulamos ang mukha no'ng lalaki at agad siyang nilapitan ng babae, pati na rin 'yong dalawang ulupong ay lumapit sa kaniya.
'Psh! Sino ba ang lalaking 'yan at parang feel na feel naman niyang siya ang hari dito?! At magkakaibigan pa silang apat?! Tsk! Mga ulupong talaga!'
Nakangiting dumiretso ako sa classroom namin.
"Good morning, Ma'am. I'm sorry, I'm late. Naligaw po kasi ako kakahanap nitong room natin," paghingi ko ng dispensa sa guro na nasa harap.
Matalim ang mga titig niya sa akin kaya agad akong nagbaba ng tingin.
"Go to your seat," seryosong utos niya na agad ko ding sinunod.
Hinanap ko si Hein at doon ako naupo sa tabi niya.
Nagtuloy na ang lec sa pagdidiscuss sa harap.
"Ang astig mo kanina!" masayang bulong ko pa kay Hein pero inirapan niya lang ako.
'Okay, alam na niya ang ibig kong sabihin. Ano pa bang inaasahan ko sa isang 'to? Masyadong mabilis at matalino!'
Pagkatapos niya akong hindi pansinin ay tumutok na lang ako sa harap upang makinig sa discussion nang biglang,
"You two!" sigaw no'ng lec at itinuro pa kaming dalawa ni Hein.
'Kailangan talaga nakasigaw? E mas malakas pa ang boses niya kaysa sa lapel e! Psh! Korni!'
"Stand up!" utos niya at tumayo ako pero si Hein nakaupo pa rin.
"Hoy! Gaga, tumayo ka! Baka mapag-initan tayo niyan!" pabulong na sita ko sa kaniya.
Wala sa sariling tumayo siya at nakatungo lang.
"Introduce yourselves," sabi pa ng lec.
"Ako po?" tanong ko sabay turo ko pa sa sarili.
"Ay hindi, 'yong katabi mo na lang,"
"Miss, ikaw---"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko doon sa babaeng itinuro niya sa kabilang gilid ko dahil binato niya ako ng eraser.
'Giatay! Nakahugaw akong tshirt nga itom! Pisti!' mura ko sa isip at nagbaba na lang ng tingin dahil ayokong magalit sa kaniya.
"Stupid! Ikaw ang magpakilala! Malamang kayong dalawa lang niyang kaibigan mo ang transferee dito!" nanggagalaiting sigaw niya sa akin.
Hindi ko alam na sarkastiko pala 'yong sagot niya sa akin.
'Ang tanga ko! Tabaaang!'
Nakauniporme na 'yong babae sa tabi ko kaya malamang kami lang talaga ni Hein ang transferees dito.
Nanlaki pa ang mga mata ko nang makitang nakangiti sa akin 'yong cute na babae sa tabi ko.
'Anong inginingiti-ngiti nito?'
"Go ahead. Magpakilala ka na kay Ma'am," nakangiting bulong niya at wala sa sariling napaangat naman ako ng tingin sa lec.
"H-Hello, M-Ma'am, classmates. I'm Ariana Luen Luna. I hope we'll get to know each other more," plastik kong pagpapakilala saka pilit na ngumiti sa kanilang lahat.
'Psh! Mga bulay-og!'
"Sit down!" utos ni Ma'am at agad naman akong naupo.
Si Hein na lang ang naiwang nakatayo kaya nasa kaniya ang lahat ng atensyon.
"How about you? Do you have any plans to introduce yourself to the class?" sarkastikong tanong ni Ma'am sa kaniya.
'Bakit kaya napakasarkastiko nitong si Ma'am? Baka walang lovelife! Hehehe.'
"I'm Venenum Hein. Teach me well at wala tayong magiging problema," walang emosyong sabi niya bago isinalampak ang sarili sa upuan.
'What the f**k?! Third degree burn si Ma'am! Hahahahahaha!'
To be continued...