KABANATA 3

3019 Words
Hein's Pov Hindi na ako nagsalita matapos ang nangyari doon sa may lobby kanina. Nakinig na lang ako sa mga lec namin pero parang wala naman akong naintindihan. 'Bakit kasi gano'n ang bugok na 'yon?! Sana hindi ko na siya makita ulit dahil ayoko ng g**o. Tss!' DISCUSS. DISCUSS. SNACKS. Hindi na kami bumaba dahil may baon namin kaming snacks at 15 minutes lang naman 'yon. DISCUSS. DISCUSS. LUNCH BREAK. "Oy, mga bakla!" May biglang lumapit kay Ari na kaklase namin. "Kayo ba ang mga bagong transferees?" dinig kong tanong niya kay Ari. "Ahh, o-oo," naninibago pang sagot ni Ari saka lumingon sa akin. "Ahh, pagpasensyahan niyo na ang mga kaklase natin kanina, mga bakla ah?" paghingi niya ng paumanhin doon sa mga nambuyo sa amin matapos kaming sigawan no'ng unang lec kanina. "Matagal-tagal na din kasi noong huli kaming nagkaroon ng transferees dito, at panget pa ang binagsakan no'n. Ako nga pala si Clypeus Lei. I'm president of our section and officer rin ako ng Supreme Student Government dito sa UB," nakangiting pagpapakilala niya sa sarili at inilahad ang kamay na agad ding tinanggap ni Ari. "Siya naman si Spatha Jin," turo niya doon sa kasama niyang boyish. "Siya ang President ng SSG sa High School kaya maaasahan talaga natin siya kapag mayroong updates ng mga activities sa school," dagdag pa niya. "Hi," Bati no'ng Jin kay Ari. "Hello! Ako si Ariana Luen at siya naman ang kaibigan ko, si Venenum Hein," pagpapakilala naman ni Ari sa sarili at sa akin. Nilingon ko sila at tipid na nginitian. Wala akong ganang makipagdaldalan ngayon kaya nauna na akong tumayo upang bumaba sa cafeteria. Nagugutom na ako e. Sumunod naman si Ari sa akin, pati sina Jin at Lei. Pagkarating namin sa cafeteria ay agad kaming iginiya ng dalawa sa usual table daw nila. "Hahahaha! Loser! 'Yan ang bagay sa'yo!" "Ang ganda mo nga, puro hangin naman ang laman ng utak! Hahahahaha! Bobo bobo bobo!" "Iiyak na yan! Iiyak na yan! Hahahaha!" "So weak cry baby! 'Wag ka kasing haharang-harang sa daraanan namin, b***h!" "A loser is always a loser! Ew!" Rinig na rinig ko mula dito sa kinatatayuan ko ang mga panget na pakikitungo ng mga babae doon sa isang maliit na babaeng na nasa sahig at madumi na ang uniform niya. Umiiyak siya habang nakatingin sa mga babaeng nanunukso sa kaniya. 'Tss. Ano ba 'tong ginagawa nila?! Hindi man lang ba sila makapag-aral nang walang ganitong trip?!' "Oh my god! Si Momoca!" biglang mahinang sigaw ni Lei sa gilid ko habang nakatakip pa ang dalawang kamay sa bibig niya. "Kilala niyo?" tanong ko sa kanila patungkol doon sa babaeng binu-bully. "K-Kaklase natin siya at palagi siyang binubully dahil mahina siya sa klase pero hindi naman siya b-bobo e," naiiyak na sagot niya kaya lumapit ako sa mga babaeng matataas ang tingin sa sarili. Dinuduro pa no'ng isa si Momoca at pinagtatawanan nila kapag umiiyak na naman. 'Tss. Mga walang kwenta!' "Woi!" tawag ko doon sa mga babae. "Sinong nagsabi sa inyong may karapatan kayong mambuyo ng kapwa niyo?" kalmadong tanong ko habang nakatingin sa kanila. Nakita ko kung paano napalitan ng inis ang kaninang nakakatawa niyang mukha. 'Mga wala talagang magawa sa buhay 'tong mayayaman na 'to!' Nang hindi agad siya makasagot ay nilingon ko si Momoca. Umiiyak pa rin siya kaya nilapitan ko siya. Pinulot ko ang mga gamit niya at ibinigay sa kaniya 'yon. Nahihiya pa siyang tumingin sa akin pero tumayo na agad ako at inilahad ang kamay ko. Tinitigan niya pa muna ito bago niya tinanggap. 'Tss. Nangalay pa ako ah!' "And who the hell are you?!" rinig kong sigaw ng babae kanina kaya nilingon ko siya. Hindi ko siya sinagot. Bakit ba may ganitong eksena na naman?! Nagugutom na ako e! "And oh! You're a transferee! Ha! Ang lakas ng loob mong sumali dito! Sino ka ba ha?! Baguhan ka lang dito at kung ayaw mong madamay, 'wag kang sumali! You don't know me!" naghihisteryang sigaw niya habang nakaduro sa pagmumukha ko. 'Sino namang may sabing kilala kita? Tss. Engot!' Nainip ako bigla. Kakapasok lang ng araw pero dadalawa na agad ang gulong lumapit sa akin. 'Tsk!' Nang akmang tatalikuran ko na sila ay may biglang humablot ng bag ko. 'Ano bang problema niyo sa bag ko?! Bagong bili yan at mahal pa 'yan sa mga buhay niyo! Kaya 'wag niyo kong ginagalit!' inis na tanong ko sa isip. Lahat ng gusto kong ibuga sa mga mukha nila ay minabuti kong isaisip na lang upang hindi lalong lumaki ang g**o. Masyado kasing maselan ang bibig ko at lahat ng lumalabas dito ay nagdudulot ng g**o. Nilingon ko ulit sila pero hindi pa rin ako nagsasalita. "You answer me! Who are you?! At sino ka sa tingin mo para mang-agaw ng eksena ko?!" nakapameywang na tanong no'ng isa habang nakahawak pa din sa bag ko. 'Tss. Papansin!' "You, transferee b***h! Answer her! Pipi ka ba!?" Sigaw naman no'ng isa sa mukha ko. 'Pipi? Kita na ngang sinaway ko sila kanina e! Baka kayo ang bingi?' Sinubukan kong hilahin ang bag ko pabalik pero hinigpitan ng leche ang pagkakahawak dito kaya hindi ko na pinilit hilahin dahil baka masira. 'Hoy! Pinaghirapan kong bilhin 'yan. Peste ka!' "Bitiwan mo ang bag ko," mahinang utos ko pero imbes na sundin ako ay nginisihan niya lang ako. "Since you're a transferee at sumingit ka pa sa trip namin, pwede ka naming isunod at ipalit dun sa iyaking Momoca na 'yun! Nakakasawa na kasi ang paawa effect no'n e!" maarteng sabi niya pa sa akin. Hindi ko pa din siya pinansin. "Pagsisisihan mong nakisali ka pa sa g**o namin, because I will make your life a living hell," madiing sabi niya saka padabog na binitawan ang bag ko at naglakad paalis. Nagsilabasan na naman ang mga tsismosa sa paligid pero hindi ko na sila inintindi. Lumapit sina Ari sa akin at inaya akong umupo. "Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ko kay Momoca. "Tigilan mo na ang kakaiyak. Hindi ka na babalikan ng mga 'yon," dagdag ko pa saka ngumiti. Tumingin siya sa akin at niyakap niya ako nang mahigpit. Dahan-dahan ko namang tinapik ang likod niya gamit ang mga kamay ko. Ilang segundo lang ay bumitaw din siya sa pagkakayakap sa akin. "K-Kung sino ka man, m-maraming s-salamat sa ginawa mo. W-Wala pang s-sinumang nag-dare na tulungan ako kapag inaaway ako ng mga yun dahil natatakot sila sa kanila. P-Pero...pero ikaw...ang lakas ng loob m-mong tulungan ako at ipahiya si Nica," nihihiyang sabi niya. "Wala 'yon. At saka 'yong Nica naman ang nagpahiya sa sarili niya, hindi ako," seryosong sabi ko. "Ah, Hein, Ari...siya si Momoca Liu. Momoca, siya si Hein, at siya naman si Ari. Mga transferee sila dito at kaibigan na natin sila," Masayang kwento naman ni Jin sa kaniya. Agad na gumuhit ang magkahalong gulat at tuwa sa mukha niya. "Talaga?! N-Nice meeting you, Ari and Hein. Since you saved me guys, it's my treat!" nakangiting offer ni Momoca. Maganda siya, maputi at halatang mayaman dahil sa ganda ng kutis niya pero gaya ng sabi nila ay mahina talaga siya sa klase. Pero kahit na ano pang dahilan ay walang karapatan 'yong Nica na 'yon at mga abubot niya na i-bully siya. "Diyan lang kayo, kami na lang ang oorder," prisinta ni Lei kasama sina Jin at Momoca, kaya kami na lang ni Ari ang naiwan sa table. "Hein?" tawag sa akin ni Ari. "Oh?" sagot ko. "Kawawa naman si Momoca, 'no? Binubully siya dahil sa mahina siya sa klase. Pero hindi naman siguro niya ginusto 'yon, diba? Sadyang may mga tao lang talagang katulad no'ng Nica at 'yong lalaking nakasalubong mo kanina---ay teka, ano nga palang nangyari? Bakit parang galit na galit 'yong lalaki sa'yo?" sunod-sunod na tanong ni Ari. "Ewan ko. Wala naman akong ginawa do'n," kibit-balikat na sagot ko. Ayoko nang pag-usapan 'yon dahil nababadtrip lang ako. Hindi na lang siya kumibo. "Speaking of the devil," biglang mahinang sabi niya habang nakatingin sa likuran ko. Dahan-dahan ko itong nilingon at nagtama ang paningin namin no'ng lalaking nakabangga ko kanina. At ang sama ng tingin niya sa akin! 'Tss.' Ibinalik ko na lang ulit sa mesa namin ang paningin ko. Mukhang may ibig sabihin ang mga tingin niyang 'yon. "Oh my god! Nandito na silaaaaa, Jurlyn!" "Yieeeee ang gwapo talaga ni Nix! Sheyt!" "Tingnan niyo naman si Azel oh, ang sarap niyaaaaaa! Katawan pa lang ulam na!" "Hi Ken! Ang gwapo mo! Kyaaaaaaah!" "Girls, kanin nalang ang bilhin natin! Nandito na ang mga ulam oh! Aaaaah!" Iilan lang 'yan sa mga naririnig ko ngayon dito dahil sa mga malaanghel na mga lalaking pumasok dito pero demonyo naman ang ugali. Ang kaninang tahimik na cafeteria ay biglang naging merkado sa ingay ng mga tilian at sigawan nila. 'Tss. Hanggang dito ba naman uso pa ang heartthrobs-heartthrobs na 'yan?!' Hindi ko na lang pinansin ang paligid ko, maging si Ari ay tahimik lang din. Nang makabalik na sina Jin, Lei at Momoca ay nagsiayos na kami ng upo dahil inilatag na ang pagkadami-daming pagkain. 'Mauubos namin 'to?!' tanong ko pa sa isip. Hindi na ako nagreklamo at kumain na lang dahil nagugutom na talaga ako. Nagkwentuhan lang silang apat habang ako ay tahimik pa ding kumakain. Nawala talaga ako sa mood ngayong araw. Parang ayokong pansinin lahat ng makakasalamuha ko. "Hoy! Magsalita ka naman diyan, teh! Nandito kami oh! Hindi ka nagsosolo!" baling sa akin ni Lei. Tiningnan ko lang siya saka muling bumalik sa pagkain. "Naku, hayaan niyo na 'yan. Magsasalita lang 'yan kapag gusto niya. Hindi niyo mapipilit 'yan," singit naman ni Ari. Hindi pa rin ako umimik. "Ganyan ka ba talaga, H-Hein?" nahihiyang tanong ni Momoca sa akin kaya bahagya ko siyang tiningala. 'Cute ng pangalan niya. Bagay sa maliit niyang mukha. Hehe!' Hindi ko rin siya sinagot kaya napapahiya naman siyang tumungo. "Ganiyan lang talaga siya, Momoca. Masasanay rin kayo. Eh, ako nga na sobrang daldal ay hindi napapasagot 'yan kapag wala sa hulog e, kayo pa kaya? Kaya hayaan niyo na." sabat na naman ni Ari habang nakatingin sa akin. Iniwas ko na lang ang tingin ko at nagpatuloy sa pagkain. Pagkatapos ay pumasok na ulit kami sa panghapong klase. DISCUSS. DISCUSS. LAST SUBJECT! (Terror ang teacher). Pumasok ang isang lalaking may katabaan pero hindi naman obesed. May bigote at kalbo. Walang ibang dala kung 'di laptop at white board marker lang. Tsaka, black eye? Maitim kasi ang dalawang eyebags niya. Para siyang...para siyang...PANDA! "Good afternoon!" pasigaw na bati niya sa lahat. Nang walang sumagot sa kaniya ay tumingin siya sa buong klase at inis na sumigaw. "I said, good afternoon! Hindi kayo makaintindi ng ingles o sadyang bobo lang kayo?!" nanggagalaiti na siya sa pagsigaw. 'Tss! Highblood.' "Good afternoon, Sir," mahinang bati ng mga kaklase ko. "Siya si Sir Cabasora, ang pinakaterror na lecturer dito sa UB," dinig kong bulong ni Jin kay Ari. "Miss Spatha!" Napatalon naman sa kinauupuan si Jin nang bigla siyang tawagin ni Sir. "S-Sir?" kinakabahang sagot niya at dahan-dahang tumayo paharapa kay Sir Cabasora. "Who gave you the permission to talk while I am talking here infront?!" inis na tanong ni Sir kay Jin. 'Tss! Highblood na Panda!' Hindi siya sinagot ni Jin at napapahiyang nakatungo lang ito. "Spatha, sit down!" Utos ni Sir saka bumaling sa direksyon...ko?! "T-Thank y-you, S-Sir," sagot ni Jin saka muling umupo. "Looks like may bago tayong mga salta dito. You two!" sigaw niya sabay turo sa amin ni Ari. "Stand uuuup!" nakasigaw pa ring utos niya at naramdaman kong kinabahan si Ari doon. Tumayo kaming dalawa at humarap sa kaniya. "H-Hi, Sir!" masaya kunwaring bati ni Ari kay Sir. "Anong 'hi'?! Wala ba kayong planong magpakilala?!" sigaw na tanong niya ulit. 'Kanina pa 'tong Panda na 'to ah?! Kapag ako narindi dito, masasapak ko 'to!' "S-Sir??" nauutal na tanong pa ni Ari. "Magpakilala kayo! Pumunta kayo dito sa harap at magpakilala kayo!" nakasigaw pa din siya. 'Nakalunok ba 'to ng megaphone?!' takang tanong ko sa isip. Nauna namang naglakad si Ara papunta sa harap at sumunod ako, pero hindi ko hiniwalay ang tingin ko kay Sir. Kanina niya pa ako tinitingnan nang masama, kaya umuusok na ang ilong niya sa galit nang labanan ko ang masamang tingin niya. "Hello, everyone! Hello, Sir. I'm Ariana Luen Luna from SEU. Nice meeting you all. I hope we'll grow altogether," nakangiting pagpapakilala ni Ara sa sarili saka muling bumalik sa upuan niya. Naiwan naman ako sa harap. Tiningnan ko muna si Sir bago humarap sa mga kaklase ko. "I'm Venenum Hein Chevrolet," panimula ko saka lumingon kay Sir at halata namang nagitla siya pero pilit niya pa ring itinago. "Turuan niyo lang po ako nang maayos at wala po tayong magiging problema," seryosong pagtatapos ko saka naglakad pabalik sa upuan ko. Hindi naman siya nakapagsalita agad hanggang sa makabalik ako sa pwesto ko. Si Sir naman ay nagsimula nang magdiscuss sa harap. "Anong drama 'yon, Hein? Gaga ka talaga! Tinakot mo pa si Sir. Hahaha!" natatawang bulong sa akin ni Ari. Siniringan ko lang siya saka nakinig na sa discussion ni Sir. Halos wala akong naintindihan sa mga pinagsasabi niya sa harap. Nag post-quiz pa kami pero 50-items lang naman. "Class dismiss! May oral recitation next meeting. Ang hindi makakasagot, ipagdasal niyo na ang kaluluwa niyo! Bye!" paalam ni Sir sa lahat pero wala nang nagsalita. Tiningnan niya pa muna ako nang masama bago siya tuluyang umalis sa classroom. Napabuntong-hininga na lang ako. Naglalakad na kami papunta sa locker area nang makasalubong namin ang mga lalaking nakaharap ko kaninang umaga sa lobby ng floor namin. "At kung mamalasin ka nga naman, makakasalubong ka pa ng malas!" dinig kong bulong no'ng aroganteng lalaki sa kasama niya pero dinig na dinig ko naman! 'Ako ba ang pinariringgan nito? Isip-bata!' "You!" biglang sigaw na sabi no'ng lalaking nanampal sa akin kaninang umaga. Hindi ko siya sinagot pero tinuro ko ang mukha ko gamit ang hintuturo ko. "Yes! Bakit hindi mo 'ko ginalang kanina ha?! Alam mo bang napahiya ako dahil sa ginawa mo?!" galit na tanong niya. 'Isa pa 'tong nakamegaphone!' Hindi ko pa rin siya sinagot. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. Natatawa ako sa itsura niyang naha-highblood na naman. 'Yong mukha niya kasi at paiba-iba ang reaksyon, pero halatang galit nga siya sa ginawa ko. "Ano?! Titingnan mo lang ako?! Tuluyan ka na bang napipi?!" pasigaw na tanong niya na naman. Hindi pa rin ako nagsalita at bigla siyang ngumisi. "O baka gusto mong mag-sorry sa akin?" 'The heck?! Ako pa ang magsosorry?!' Nilapitan ko siya dahil naririndi na talaga ako sa boses niya. "Hein, tara na. 'Wag mo nang pag-aksayahan ng oras ang mga 'yan," aya sa akin ni Ari pero hindi ko siya pinakinggan. Nang magkatapat na kami no'ng lalaki ay tiningnan ko pa ang kabuuan ng mukha niya. "Parang nakita na kita sa tv," nakangising sabi ko. "Ano?! A-Anong pinagsasabi mo diyan?! Hindi ako artista! Pero gwapo ako at mukha akong artista!" nakasigaw na naman ang gago! 'Tss. Ang yabang!' Hindi pa rin ako nagpatinag. Tiningnan ko pa rin siya sa mukha...at sa mata. Nagtama ang paningin namin, pilit niyang nilalabanan ang mga tingin ko. "Para kang si...Shogo." "What?!" hindi makapaniwalang tanong niya. Gusto ko na tuloy humagalpak sa tawa, pero nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. Pinagmamasdan ang bawat reaksyong pinapakita niya. "WTF! Hahahahahahaha! Shogo daw, dre oh! Hahahahaha! Nahulaan niya yata na tinawag mo siyang---" "Manahimik ka!" sigaw na saway niya do'n sa kasama niyang lalaki saka lumingon sa akin at tumingin nang pagkasama-sama. 'Tss. Pikon ang gago!' "Anong sabi mo?!" pag-uulit niyang tanong sa akin. "Ikaw si...Shogo," diretsong sagot ko. "Sinong Shogo?!" sigaw niya ulit. 'Bwesit! Kanina pa tumatalsik laway nito ah! Duraan ko kaya 'to!' "Tara na, Hein. Tama na 'yan," bulong ni Ari sa akin. Hindi ko man lang namalayan ang paglapit niya. "E google mo," sabi ko bago siya iniwang nakanganga doon. 'Hahahahahahaha!' "Hoy!" tawag sa akin ni Shogo kaya nilingon ko siya. "Hindi pa tayo tapos, Kogami!" sigaw niya bago tuluyang umalis. 'Watdapak?! Talagang--anak ng kagang! Pinangalanan pa talaga ako?!' "Hahahahaha! Oyyyy! Teh, kayo ah! Hindi pa nga kayo magkakilala may cs na kayo!" panunukso pa ni Lei sa akin. "Anong cs naman 'yan?!" inis na tanong ni Ari. "CS, as in 'call sign', teh! Jusko, pati call sign, 'di niyo alam?!" nagugulat pang sagot ni Lei. Parang dismayadong-dismayado siya dahil hindi inakalang may mga bagay pa kaming hindi alam. 'Tss. Si Einstein lang malakas! E hindi naman kami kadugo ni Einstein kaya malabong malaman naman 'yan.' "E malay ko bang call sign 'yan! Hindi naman kami umabot sa topic na 'yan dati kaya 'di namin alam 'yan!" sarkastikong sabi ni Ara. "Wala sa klase 'yan, teh! Uso 'yan sa mga jejemon!" banat naman ni Baklang Lei. "Mayroon! Sa Filipino subject 'yan napag-uusapan. Sa wika na topic ata 'yan," si Ari habang nag-iisip pa. "Ay naku, teh! 'Wag ako! 'Wag ako ang latagan mo niyang mga tungkol sa klase dahil lahat ng itinuro sa akin noon ay nabura na isip ko!" bulalas ni Lei. "Hahahaha!" tawanan naming lahat. "Pero ang galing mo do'n, Hein. Hahahaha! Shogo pala ha?" nakangising biro ni Jin sa akin. Nakinig na lang ulit ako sa kanila habang pinapanood ang pag-alis nina Shogo. "Sinong Shogo at Kogami ba 'yan, Hein?" maya maya'y mahinang tanong ni Momoca sa akin. Tiningnan ko lang siya. "Sa Psycho Pass, anime movie 'yon," si Jin ang sumagot sa kaniya. Pagkatapos ng maraming tawa at biruan nila, nagsiuwian na rin kami. BAHAY. "Hein, okay ka lang?" nag-aalalang tanong agad ni Ara sa akin at umupo sa katapat kong single sofa. "Mmm," tipid na sagot ko sabay tango. "Kanina ka pa tahimik," seryosong aniya. 'Hindi pa ba sanay sa akin, 'to? Tss.' "Wala lang ako sa mood. Gusto ko nang magpahinga. Gisingin mo na lang ako kapag kakain na," sambit ko at tinalikuran siya. Hindi naman niya ako sinagot kaya dumiretso na ako sa pag-akyat. Nagpahinga lang ako saglit saka naligo at umidlip. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD