Hein's Pov
Nagising ako sa ingay ni Ari mula sa pinto.
"Hein, gising. Kakain na tayo. Hoy!" dinig kong sabi niya pero napagod yata nang husto ang katawan ko kahit wala naman akong ginawa buong araw kaya hindi pa rin ako gumalaw. "Dali na! Niluto ko ang paborito mong ginisang sardinas, mainit pa 'yon," excited pang dagdag niya kaya bumangon na lang ako.
Tiningnan ko ang orasan sa bedside table ko at 8PM na pala.
'Ang sakit ng ulo ko! Ayoko talagang nabibitin ng tulog. Tsk!'
Hindi na kami nagkibuan ni Ari habang kumakain pero sadyang hindi siya makatiis sa tahimik na lugar.
"Kailan mo ba isu-sumite ang requirements mo sa store?" seryosong tanong niya at tiningnan ko lang siya saka nag-iisip kung na-fill-upan ko na ba lahat ng 'yon. "Kung gusto mo, kapag nakompleto mo na ako na lang ang magdadala no'n sa store total naka-duty naman sa umaga si Warla. Nakaduty din sa tanghali si Manager JJ," offer niya saka hinigop ang sabaw ng tinola.
"Bukas ko na lang siguro ibibigay sa'yo. Ifa-finalize ko pa kasi 'yon," kaswal na sagot ko saka sumubo nang marami.
Sa totoo lang, wala naman talaga akong paboritong pagkain. Masarap kasi talaga magluto si Ari kaya paborito ko lahat ng niluluto niya.
"Sige, ikaw bahala. Tsaka, napagkasunduan na din namin ni Manager JJ na siya muna ang hahawak ng store habang hindi tayo naka-duty. Tuwing weekends lang tayo magtatrabaho at whole day 'yon," sabi niya habang nakangiti pa.
"Ba't ka nakangiti diyan?" biglang tanong ko.
Nilingon niya ako saka nginitian ulit. "Alam mo, minsan natatawa talaga ako sa mga pinanggagawa natin," sagot pa niya.
"Bakit naman?" nakangiwing tanong ko ulit.
"Wala lang. Kasi 'di ba---hahahaha! 'Wag na nga lang nating pag-usapan!" natatawang aniya at hindi na lang ako kumibo.
Tinapos na agad namin ang hapunan saka nagligpit ng pinagkainan para may oras pa kaming mag-aral.
Pareho kaming nasa sala ngayon at nagbabasa para bukas. Halos isang oras na kaming nagbabasa pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok, palibhasa'y nakaidlip ako kanina.
Si Ari naman ay tutok na tutok sa inaaral niya. Napansin kong tahimik lang siya at hindi niya ako kinukulit. Hindi rin siya nagtatanong sa akin, bagkus ay nireresearch na lang niya sa internet. Siguro, dahil alam niyang wala ako sa mood at ayaw niya akong disturbuhin. May sariling wifi ang apartment namin kaya walang problema ang internet, kaso wala kaming PC kaya cellphone lang ang ginagamit namin.
Matapos ang halos tatlong oras ng pagbabasa ay hindi pa rin kami nagkikibuan ni Ari. Iniligpit namin ang mga gamit at umakyat na sa kaniya-kaniyang kwarto.
KINABUKASAN.
Azel's Pov
'Bwesit! Bwesit!'
Naiinis ako sa tuwing naiisip ko ang pamamahiyang ginawa ni Kogami sa akin. Nabubwesit ako sa babaeng 'yon!
'Ako pa talaga ang tinawag na Shogo?! Bakit kasi nakakainis ang mukha niya?! Feeling maganda!! HINDI SIYA MAGANDA! Sakto lang, pero hindi pa din siya maganda! Paano niya ba nagagawang balewalain ang mga sigaw ko sa kaniya?'
Parang estatwa na hindi nabibiyak kahit sigawan mo pa nang sigawan.
"Kainis!" biglang bulalas ko.
"Anak, ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Mommy sa akin.
"A-Ah, o-opo," pagsisinungaling ko.
'Kung alam niyo lang, Mommy! Hays! Hinding-hindi ako okay! Dahil galit akoooo!!!'
"Are you sure, son?" seryosong tanong naman ni Daddy.
"O-Of course, Dad," sagot ko habang napapalunok pa.
'Masyado ba akong obvious? Aish! Kasalanan lahat 'to no'ng Kogami na 'yon! Magbabayad siya!' galit na sabi ko pa sa isip.
"Kanina mo pa kasi dinudurog sa kamay mo 'yang kutsara mo, anak. Is there something wrong, Azel?" muling tanong ni Mommy habang nakatingin sa isang kamay ko na may hawak na kutsara at agad kong nabitawan 'yon nang mapagtanto ko ang nangyayari.
'What the f**k?! Ano bang nangyayari sa akin?' naguguluhang tanong ko isip.
"Napagod lang po ako sa school, Mom. Excuse me. Aakyat na po ako," paalam ko saka nagmamadaling umakyat sa kwarto.
Hindi na naman ako kinulit ni Mommy no'ng gabing 'yon kaya nakatulog na lang ako basta.
KINABUKASAN.
Good morning, Tuesday!
Pagkagising ko ay naligo agad ako saka nagbihis ng uniporme at bumaba. Naabutan ko sa dining area sina Mommy, Daddy at yaya kaya umupo na rin ako kasama nila.
"Good morning, Mom! Good morning, Dad! Good morning, yaya!" masiglang bati ko sa kanila.
"How's your sleep, son?" agad na tanong ni daddy sa akin.
"Ayos lang naman, Dad. Nakatulog ako nang mahimbing," nakangiting sagot ko saka ako kumuha ng pagkain.
"That's good. Akala namin ay papangit ang gising mo ngayon dahil badtrip ka kahapon. Ano nga palang nangyari sa'yo sa school? Yesterday was your first of school, right?" pang-uusisa pa ni Dad at hindi agad ako nakasagot dahil biglang pumasok sa isip ko ang karumaldumal na nangyari sa amin ni Kogami kahapon. "Wala ka naman sigurong pinagtripan, hindi ba?" makahulugang dagdag na tanong ni Dad sa akin.
"No, Dad. I-It's just that naburyo lang ako sa school kahapon. Puro pagpapakilala at getting-to-know lang kasi ang nangyari. I mean, what's new? Gusto ko na nga sanang umuwi nang maaga kahapon eh, kung hindi lang sana mahalaga ang attendance," mahabang pagdadahilan ko.
'Sana bumenta kay Dad. Huhuhu!'
He's an attorney kaya marunong siyang kumilatis ng tao. Ang hirap magsinungaling sa kaniya lalo na kapag kinakabahan ka nang sobra at nauuwi sa pagkautal.
Kapag nagtatanong siya, nakadirekta ang tingin niya sa mga mata mo dahilan para makonsensya ka talaga. Kailangang maraming laman ang paliwanag mo para paniwalaan ka niya dahil kusa siyang mag-iimbestiga kapag naghinala siya sa'yo.
This is the perks of being an attorney's only child.
"Gusto mo ba magbaon ng bacon, baby? Nagluto ako nang marami," nakangiting tanong ni mommy.
"Sige, Mommy. Damihan niyo po kasi i-she-share ko kina Nixel at Kenta," nakangiting sagot ko naman.
"Sure, anak."
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na ako kina mommy't daddy.
"Enjoy your day, baby!" si Mommy.
"Yes, Mom. I love you," sambit ko saka hinalikan siya sa pisngi.
"Ingat ka, ijo," habilin naman ni daddy.
"I will, Dad," sabi ko saka kinawayan sila ni Mommy bago umalis.
Habang nasa biyahe ako, biglang nag-flash sa isip ko si Kogami.
'Aish! Bakit ka ba nagpapakita sa akin peste ka?! Ikaw ang salot sa buhay ko! Nasisira ang araw ko kapag nandiyan ka! Kaya sana 'wag kitang makita ngayon dahil sisiguraduhin kong araw mo naman ang sisirain ko!'
Napapangiti naman ako sa sariling naiisip.
Ilang sandali pa ay nakarating na ako ng school. Kung hindi lang ako tamad at allergic ng mga usok sa daan, siguro nilakad ko na lang papuntang school dahil napakalapit lang talaga ng village namin dito at makakatulong pa akong maibsan ang air pollution.
Pababa na sana ako ng kotse nang biglang nag-vibrate ang phone ko kaya sinagot ko agad ito nang walang tinginan sa screen.
"Hello?!" inis na bungad ko.
'Ang aga-aga---'
"Good morning, Babe," sagot ng kabilang linya at gulat akong napatingin sa screen ng phone ko.
's**t! Si Babe nga! Aish! Ang tanga mo talaga, Azel! Baka magtampo 'yan!'
"Babe! I'm sorry nasigawan kita, akala ko kasi si Kenta o si Nixel eh," napapahiyang sabi ko pa habang kagat-kagat ang pang-ibabang labi.
"Wala ka yata sa mood, Babe? Why is that?"
"Nothing, Babe. Just come faster because I miss you already," naglalambing na sambit ko pa upang ibahin ang usapan.
"Okay, Babe. I'm coming. I'll see you."
"Hihintayin kita dito sa parking lot, okay? Take care, my princess," nakangiting wika ko.
'Iba talaga kapag si Kate ang kausap ko, nakakakilig!' nakangising sabi ko pa sa isip.
"I will, my prince. I have to go, bye!" paalam niya saka ibinaba ang linya.
Nangiti-ngiti naman akong lumabas ng kotse ko at sumandal doon para hintayin siya.
Pakiramdam ko ay mabubuo na naman ang araw ko, kaya sana 'wag akong makakita ng peste ngayon.
Nasa ganoong pag-iisip ako nang biglang may humarurot na tambutso mula sa kung saan kaya agad akong napatakip ng tenga.
'f**k! Ang sakit sa tenga! Sino ba 'yon?!' inis na tanong ko pa isip saka hinanap ang nagmamay-ari ng ingay na 'yon.
Nag-park sa harap ko ang isang motor. Itim ang kulay nito saka parang ang baduy ng driver dahil ang laki-laki ng t-shirt, at napakaluwang din ng suot niyang pantalon.
'Tch! Nasa itsura din naman pala ang pagiging kaskasero kaya mayabang din magmaneho! Pero, sino naman kaya ito? Bagong transferee?'
Napakibit-balikat na lang ako habang pinapanood ang dahan-dahan niyang pagtanggal sa helmet niya at iwinasiwas ang buhok niya---teka, may buhok siya?!
Nagulat ako nang tuluyan niyang natanggal ang helmet habang nililipad ng hangin ang mahaba at wavy niyang buhok saka lumingon sa akin.
"Ikaw na naman?!" gulat na tanong ko nang makilala ko kung sino siya at bigla na naman akong nakaramdam ng galit at inis nang nginisihan niya lang ako.
'Nagmo-motor ang babaeng 'to?! Kakaiba! Kaya pala parang tomboy!' hindi makapaniwalang sabi ko pa sa isip.
Hindi niya ako sinagot. Parang wala nga siyang narinig nang dahan-dahan niyang i-park sa kabilang space ang motor niya. Sinundan ko siya ng tingin at pinanood ko ang pag-aayos niya ng mga gamit niya saka kinuha ang bag at muling humarap sa akin.
"Wag mong ugaliing titigan ako, dahil baka masanay ka't hahanap-hanapin mo," nakangising sabi niya.
'Ha! Hindi lang pala 'to abnormal, makapal rin ang mukha! Grabe!'
"What?!" galit na tanong ko sa kaniya.
Mas lalo akong nainis nang ngumisi siya at pinagmasdan na naman ang mukha ko.
'Ganiyan ba talaga siya? O sadyang iniinis niya lang ako?! Bwesit!'
"Ang aga-aga, high blood ka agad, Shogo?" nakangisi pa ring tanong ni Kogami.
"What?!" inis na sigaw ko.
'Abnormal ka talaga!'
"Wala! Una na ako, 'Shogo'," sabi niya at diniinan pa ang palayaw niya sa akin saka walang-pasabing umalis.
'Psh! Bastos!'
Nawala na naman ako sa wisyo at nakaramdam ulit ako nang sobrang pagkainis.
'Bwesit ka talaga, Kogami! Makikita mo ang tunay na binangga mo! Sisiguraduhin ko talagang luluhod ka sa harap ko!'
Napalingon naman ako sa likod ko nang may biglang bumusina.
'Si Babe!'
Nakahinga naman ako nang maluwag at bumuntong-hininga.
Si Kate Wilson ay first girlfriend ko. Mabait, mayaman, sexy at maganda! We call each other 'babe' dahil 'yon ang gusto niyang endearment namin. We've been together for one year and a half already. She's half-Australian and half-Filipina pero sanay na sanay siya sa wikang Filipino dahil dito siya lumaki sa Pilipinas. One month ko lang siyang niligawan at sinagot niya agad ako, ganiyan niya ako kamahal.
Sa loob ng pagsasama namin ay never pa kaming nag-away. Mapagbigay at sobra magmahal si Kate. Gusto ko din na siya na ang huling babaeng mamahalin ko.
Pinanood ko siyang bumaba ng sasakyan at sinalubong ko siya nang nakangiti. Hindi ko ipinakitang naiinis ako sa Kogami'ng 'yon! Letse siya!
'Wag niya kamong iharap sa akin ulit ang pagmumukha niya dahil hindi ko na siya palalampasin!'
"Babe!" magiliw na tawag niya sa akin nang makababa sa sasakyan at talaga namang nakakabighani ang mga ngiti niya.
Hindi nakakasawa at nakakapawi ng sama ng loob.
"Hi, Babe," nakangiting bungad ko agad sa kaniya at sinalubong siya ng mabilis na halik sa labi.
Biglang kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin kaya nagtatakang tiningnan ko naman siya. "What's the matter, Babe?" tanong niya.
"Hahahahaha! Wala, Babe. Sobrang saya ko lang kasi nakita na naman kita!" pagdadahilan ko pa.
Hindi ako manhid para 'di matuklasan kung bakit ganoon ang reaksyon niya nang makita ako. She's confused of how fake my wrinkles move. Hindi katulad ng totoong ngiti. Iba-iba daw kasi 'yong position ng wrinkles kapag masaya, malungkot, at nagdududa. She's planning to take Psychology in College kaya ngayon pa lang ay pinag-aaralan na niya ang kursong 'yon.
'Ang talino ng babe ko, 'di ba? Mainggit lang kayo! Bwahahaha!'
"If I believe you, parang tinraydor ko na rin ang pangarap kong kurso, Azazel. What happened before I came?" seryosong tanong niya dahilan para matunog akong napalunok at napakamot ng sintido.
'Bokia na! Aish! Babe naman eh! Bakit kasi napaka-honest ng mga mata mo? Huhuhu!'
"Hehehe, eh kasi si Kogami nakita ko. Dumaan siya dito sa harap ko kanina at 'yan," turo ko doon sa motor ni Kogami na nasa katabing space ko lang saka napakamot ng ulo. "'Yan ang motor niya. Ang ingay nga ng tunog niyan eh kaya nabwesit talaga ako," paliwanag ko pa.
"She's riding a motorcycle? Wow! She's rare, then," tumatango-tango pang aniya habang nakatingin pa din doon sa matabang motor ni Kogami. Nababasa ko ang paghanga sa kaniya.
'Like the owner, like the motor! Parehong mataba!'
"Anong rare, Babe?! Eh marami namang babaeng nagmomotor ngayon ah? Racer pa nga 'yong iba eh," hindi ko pagsang-ayon sa kaniya.
"Yeah, pero may nakita ka bang ibang babae na nakamotor dito sa University?"
Napaisip naman ako sa tanong niya.
'Mukhang si Kogami lang ata ang babaeng nakita kong nakamotor dito, pero hindi pa din siya rare! Common siya! Commonerd!'
"Wala pero---"
"No but's," mabilis na pigil niya sa akin saka ako nginitian. "She's rare," pagkokompirma niya na para bang siguradong-sigurado na siya.
Nagtataka naman akong tiningnan siya.
"Babe, ayos ka lang?" tanong ko pa.
'Kailan pa siya naging mabait sa babaeng 'yon?! Eh kung sampalin niya nga 'yon kahapon parang wala ng bukas.'
Minsan, nakakalito din si Kate dahil ang hirap basahin ng mga reaksyon niya. Madalas kasi ay normal lang siya kaya nakakapanibago lang na naging ganito siya bigla.
"Of course. If you're wondering why I am saying stuffs like this pertaining to that enemy of yours, it's because I can sense rareness of her. She is really something," diretsong sagot niya habang nagpapaliwanag pa.
Eto talaga ang isa sa mga hinangaan ko sa personality ni Kate dahil unang tanong mo pa lang, kaya na niyang sagutin lahat ng katanungan sa isip mo.
She's not a mind-reader pero dahil nga gusto niya maging psychologist balang araw kaya unti-unti na din niyang narereplica ang ugali ng pangarap niyang maging.
"Tch. Hindi ako interesado sa kaniya, Babe, kaya tara na? Ayokong ma-late tayo."
"Napakaaga pa para ma-late tayo. Ang sabihin mo, iniiwasan mo lang na banggitin natin siya sa usapan," natatawa pang wika niya habang nakatingin sa akin.
"Whatever, Babe. Let's go," aya ko sabay akay sa kaniya kaya wala na din siyang nagawa.
Naiinis pa rin ako dahil sa paraan ng pagtawa niya. Pakiramdam ko ay tinutukso niya ako kay Kogami.
'Damn it!'
Pumasok na kami ni Kate sa loob ng campus. Sanay na kaming maraming nagbubulungan at hiyawan sa tuwing dadaan kami dahil bagay na bagay kami sa isa't isa, 'perfect couple' kumbaga. Talaga naman! Dahil siya lang ang babaeng minahal ko at mamahalin ko pa nang todo maliban sa mommy ko.
Ang sarap sa pakiramdam kapag araw-araw kang in love at walang peste---ay peste! Bakit ko na naman ba naiisip ang babaeng 'yon?! Aish!
Hindi na ako nag-isip pa dahil baka ma bwesit lang ako lalo. Pagkatapos kong maihatid si Babe sa room niya na katabi ng room nila Kogami. Nang masulyapan kong wala doon si Kogami ay tumungo na rin ako pabalik ng room namin.
Kate is every guy's dream girl. Nasa kaniya na lahat. Lahat-lahat. At hindi ko hahayaang may sisira sa aming dalawa dahil baka makapatay ako nang wala sa oras. Napaka-loyal ni Kate sa akin kaya malaki rin ang tiwala ko sa kaniya.
Habang naglalakad ay may nakita na naman akong hindi ko dapat makita sa labas ng cr ng mga babae.
'Kaya pala wala sa classroom ay dahil naglalakwatsa? Sino naman kayang hinihintay nito?'
Napangisi ako sa naiisip.
"Kung sinuswerte ka nga naman," nakangising bulong ko pa habang tinatanaw ang malaking likod ni Kogami.
Nakatalikod sa direksyon ko si Kogami kaya hindi niya ako nakikita. Nang may nakita akong babaeng may dalang milk shake papalapit sa direksyon ko ay agad kong kinuha ko 'yong dala niya pero hindi s*******n dahil isa din siya sa mga patay na patay sa akin.
'BWAHAHAHAHA!'
Mas lumapit pa ako kay Kogami at nang nasa likuran na niya ako ay ibinuhos ko sa kaniya ang malamig na milk shake at puno ng ice. Kaya mabilis akong nagtago sa likod ng mga lockers at palihim na tumatawa.
'Bwahahahahahaha! Buti nga sa'yo! Hambog ka kasi!'
Hindi agad siya nakagalaw. Nang makahanap ako nang tiyempo ay ngisi-ngisi akong naglakad paakyat sa floor namin. Mabuti na lang at wala pang Lecturer no'ng makarating ako sa room.
'Ang swerte ko talaga! Iba talaga kapag gwapo! Hahahaha!'
"Oh? Ang saya yata natin ngayon, dre ah?" nakangiting bungad sa akin ni Kenta at nag-fist bump pa kami.
"Masaya lang, bakit ba?!" nakangising sagot ko naman.
'Sa wakas, nakaganti rin ako sa'yo Kogami!'
"Hulaan ko, nakita mo si Kate mo?" singit naman ni Nixel.
"Oo, pero mayro'n pang iba."
Hindi pa din nawala sa isip ko ang magandang nangyari kanina sa girl's cr.
'Mwehehehehe! Tingnan lang natin 'yang yabang mo, Kogami!'
"Ano?!" sabay nilang tanong.
"Hahahahaha! Si...si..na hahahahaha...kung hahaha!" Hindi ko masabi nang diretso ang tungkol kay Kogami dahil natatawa pa rin ako sa itsura niya.
'Siguro, wala nang mas papanget pa sa kaniya ngayon!'
"What the f**k?! Ayusin mo nga 'yang pananalita mo, Azel!" saway pa sa akin ni Kenta na halatang hindi makapaghintay na malaman ang nangyari sa akin.
'Tsh. Tsismoso!'
"Ayun tayo e, nauuna ang tawa. Ano bang nangyari't ang saya-saya mo?" kaswal na tanong ni Nixel.
"Si Kogami...hahahaha *huk*!" Nasamid pa ako habang iniisip ang nangyari. Hindi naman nagsalita ang dalawa at hinihintay ang sasabihin ko. Tumikhim pa muna ako bago muling nagsalita. "Okay, ganito 'yon.." At ikinwento ko sa kanila ang nangyari.
Natatawa pa rin ako habang iniisip 'yong itsura ni Kogami.
"What the heck, dre? Hahaha! Ginawa mo talaga 'yon, tapos iniwan mo lang?" hindi makapaniwalang tanong ni Kenta habang tumatawa pa.
Tumango-tango ako bilang sagot.
"Ano na kayang nangyari do'n? Malagkit at malamig pa naman 'yong ibinuhos mo, dre. Hindi ka na naawa sa babae," seryosong asik ni Nixel at napailing na lang.
Halatang nag-aalala siya do'n kay Kogami.
'Tch! Kahit kailan talaga, patawa 'tong si Nix. Lagi na lang niyang kinakaawaan ang mga binu-bully ko. Oh well, hindi makukompleto ang barkada kung walang seryoso at mala-second lead! Hahahaha!'
"Oo nga pala, may isa pa akong nalaman," banggit ko at agad naman silang napatingin sa akin.
"Ano, dre? Malagim na sikreto ba 'yan?" nakangising tanong agad ni Kenta.
"Si Ko---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil pumasok na ang lecturer namin na daig pa ang babaeng palaging may period dahil parating galit. "Mamaya na lang, mga dre," mahinang bulong sa kanila.
Matapos no'n ay hindi na kami nakapag-usap pa dahil todo discuss na si Sir.
Hein's Pov
Hello Tuesday!
Nauna na naman akong umalis kay Ari dahil siya na lang daw ang maghahatid ng nga requirements ko sa convenience store na pagmamay-ari ng pamilya niya.
UB Parking Lot.
Hindi pa man ako nakakapasok nang tuluyan sa gate ay natanaw ko na ang parang tangang ngumingiti nang mag-isa na si Shogo.
'Mmm. Mukhang good mood ah? Sirain natin!'
Sinadya kong dumaan sa harap niya at doon naghubad ng helmet. Trip ko lang, ba't ba?! Hahaha!
Mukhang nagulat pa siya nang makita ako. Hindi niya siguro inaasahan ang pagdating ko.
"Ikaw na naman?!" galit agad na tanong niya.
Ang kaninang namamanghang mukha niya ay napalitan ng galit pagkakita niya sa akin.
Nginisihan ko siya at ipinark ang motor ko sa tabi ng parking space niya. Inayos ko ang mga gamit ko saka lumingon sa kaniya.
'Grabe makatitig ha? Ang haba mamangha! Tsk. Tsk. Shogo...Shogo...'
Nginisihan ko ulit siya at, "'Wag mong ugaliing titigan ako, dahil baka masanay ka't hahanap-hanapin mo," nakangising sabi ko pa.
'Hala siya! Gulat na gulat eh?'
"What?!" galit pa ding tanong niya.
'Tss. Nakasigaw na naman ang bugok!'
"Ang aga-aga, high blood ka agad, Shogo?" nakangisi pa ding tanong ko.
'Ayokong ma badtrip ngayon, kaya umayos ka, Shogo. Baka patulan kita!'
"What?!" inis na sigaw niya ulit sa mukha ko.
'Ugali mo talagang sumigaw sa mukha ko ha? Sapakin kita diyan eh!'
"Wala! Una na ako, 'Shogo'." madiin na paalam ko sa kaniya.
Kusa na lang akong umalis habang nakakapagtimpi pa ako sa presensiya niya. Pilit kong pinipigilan ang magalit sa tuwing nakakaharap ko siya o kahit sinong nambubuyo sa akin dahil ayokong patulan sila, sila na makikitid ang mga utak.
'Tss. Pasalamat ka at natuto na akong magkontrol ngayon, dahil baka kahapon pa kita pinasabog kasama ng mga abubot mo. Peste ka!'
Nasa tapat na ako ng building namin nang biglang tumawag si Ari.
"Hein? Nasa University ka na?" tanong niya agad mula sa kabilang linya.
"Oo, ikaw?" pormal na sagot ko.
"Nasa parking lot na. Kita na lang tayo sa ground floor ng building natin," wika niya.
"Okay," maikling sagot ko saka ibinaba ang tawag.
Ilang minuto lang ay dumating na siya.
"Hein!" malakas na tawag niya sa akin. Nilingon ko siya pero hindi ako nagsalita. "Cr muna tayo, puputok na yata ang pantog ko eh," nakangiwi pang sabi niya habang nakahawak sa may puson niya.
'Kadiri talaga! Tsk!'
"Sige," tipid na sambit ko at nagtungo na kami sa cr. "Hintayin na lang kita dito sa labas," sabi ko saka sumandal sa may locker na nakahilera dito sa bungad ng palikuran.
Nasa hallway lang ng floor namin ang locker area at may sarili rin itong cr pero malimit lang ang mga tao dito dahil nasa sulok nga siya. Kaya dito na kami pumunta para wala masyadong tao.
Pumasok na siya at naiwan naman ako sa labas.
Nasa gitna ako nang pag-iisip nang biglang nakaramdam ako ng malamig at malagkit sa ulo ko na dumausdos papunta sa damit ko.
'Oh s**t!'
Hindi agad ako nakagalaw dahil ang lagkit sa pakiramdam. Bumabaklat na ang malalaking hinaharap ko sa basang tshirt ko.
'Bwesit! Sino na naman kayang gago ang gumawa sa akin nito?!'
Inis akong lumingon-lingo sa paligid, at nasisiguro kong nakita ko ang bumuhos sa akin nito.
'Maghintay ka, at hindi kita uurungang hayop ka! SHO-GO! Arghhhh! Peste ka!'
Nang naibalik ko ang paningin sa damit ay gulat namang lumabas ng cr si Ari.
"Hein---what the?!" gulat pa ring aniya.
Dali-dali siyang lumapit sa akin at dinala ako sa loob ng cr saka doon nilinis.
'Pasalamat ka't lagi akong may dalang extra tshirt, Shogo. Dahil kung nagkataong wala, pahuhubarin talaga kita sa harap ko. Gago ka!'
Pagkatapos kong magpalit at nagmukhang-tao ulit ay huminga muna ako nang malalim at tinitigan ang sarili sa salamin.
'Ano ba talagang problema mo sa akin, Shogo? Wala naman akong ginawa sa'yo kahapon ah? At mas lalong hindi tayo magkakilala. Papansin ka talaga masyado!' inis na sabi ko sa isip habang nakakuyom ang mga kamao.
'Nagpipigil lang ako, Shogo. 'Wag mong ubusin ang pasensya ko, baka mapipi ka kapag nagpakilala ako sa'yo.'
"Hein, anong nangyari?! Sinong nagtapon sa'yo no'ng milk shake?!" galit na tanong ni Ari pero lamang ang pag-aalala niya.
'Tss, si Shogo malamang! Bwesit ang bugok na 'yon eh!'
"Hindi ko nakita," pagsisinungaling ko at bumagsak naman ang mga balikat niya pero salubong pa rin ang mga kilay.
'Ayoko ng g**o, Shogo. Pero dahil sinimulan mo 'to, kailangang ikaw rin ang tumapos nito.'
"Sigurado ka?" nag-aalala nang tanong niya.
Tumango ako. "Mmm, nakatalikod kasi ako sa gawi no'ng bumuhos sa akin kaya hindi ko nakita," pagdadahilan ko pa.
Ayokong nag-aalala siya sa akin dahil alam ko ang mga kaya niyang gawin kapag may nangyari sa aking hindi maganda.
'Hays! Sana maka-graduate man lang ako bago ako mamatay dahil sa mga peste'ng bully na 'yon!'
"Bakit ba ganiyan ang mga estudyante dito?! Mga wala ba talaga silang magawa sa buhay at namemeste ng iba?! Kahapon pa 'yan ha! Nakakainis na!" inis na sigaw niya.
Mabuti na lang at kaming dalawa lang ang nandito kaya nilapitan ko siya at niyakap. Madalang ko lang 'tong gawin pero gusto kong maramdaman niya ngayon na ayos lang ako.
"Ayos lang ako, Ari. Tara na?" nakangiting aya ko sa kaniya.
Hindi naman niya ako sinagot at nagtungo na kami sa classroom.
DISCUSS.
DISCUSS.
DISCUSS.
LUNCH BREAK.
Pagkalabas ng lecturer ay tumayo na din kami upang bumaba sa cafeteria.
'Sana lang 'wag magtagpo ulit ang landas natin, Shogo..'
To be continued...