12

1166 Words
agnes's pov. dahil walang lakad ang band ngayon naisipan ko na mag luto ng dinner, para maka bawi na din ako kay pat. pero 8:00 pm na wala pa din siya, lumalamig na din yung sinigang na niluto ko, maghihintay pa ako ng 30 mins, pero kapag wala pa siya mauuna na siguro ako. pero bakit kaya parang sobrang busy niya? kahapon sobrang aga niya umalis, hindi ko na alam kung anong oras na siya naka uwi kase natulog na ako agad. gumaganti ba siya sakin? nag tatampo parin ba kaya siya? mali din kase ako eh.  dapat hindi ko siya iniwasan. Agnes ano bang ginawa mo?  •poch kasama mo si pat?• chat ko kay poch •yes agnes, why? miss mo na agad?• reply ni poch •ha? hindi ano kase, hinihintay ko siya para sabay sana kaming mag dinner• reply ko •so hindi mo miss? jk. mag d dinner na dapat kami, papunta na nga kami sa resto• reply niya •miss ko poch siyempre best friend ko yan eh• reply ko •ahh best friend lang? bakit mo kase iniwasan?• reply niya •poch ayaw kong mawala yung friendship namin. tyaka may boyfriend ako, mahal ko sila pareho at ayaw ko silang mawala sakin• reply ko •wala na talagang chance? kailangan niyong mag usap ni pat, may dapat siyang sabihin sayo. wait mo nalang siya pauwi na siya diyan pero baka ma traffic siya• reply ni poch ano kaya yung dapat naming pag usapan? •sige poch thank you• reply ko at humiga muna sa sofa, kinuha ko yung book ko at nag basa muna pat's pov. "pat sorry kailangan ko na palang umuwi, umuwi ka na din sa inyo" sabi ni poch "huh? akala ko pa wala kang gagawin ngayon?" tanong ko, papunta na kase kami sa restaurant para kumain eh, nagugutom pa naman ako "sorry pat, may tatapusin pa pala ako. nakalimutan ko eh, sorry na bawi nalang ako next time. dito nalang ako mag ga grab nalang ako pauwi" sabi niya kaya hininto ko na yung kotse "ang duga neto! ingat ka ha!" sabi ko bago siya bumaba "uwi ka na agad pat, wag kana pumunta kung saan saan" sabi niya "oo na, wala naman akong ibang pupuntahan eh" sabi ko at bumaba na siya. nag wave siya kaya umalis na ako. hayst anong oras kaya ako makakauwi? ang traffic kase eh 8:20 na, tapos gutom na ako. pag uwi ko sa condo nakita kong naka tulog si agnes sa sofa, kaya ginising ko ito "agnes gising na" sabi ko at tinapik yung braso niya, kumain na kaya to? bakit dito siya natulog? "nandito ka na pala pat, kanina ka pa ba? sorry naka tulog ako" sabi niya at bumangon na "kakarating ko lang, bakit dito ka natulog? may kwarto ka naman ah" sabi ko "hinihintay kase kita" sabi niya "ha? bakit mo naman ako hihintayin?" tanong ko "nag luto ako, diba sabi ko sayo babawi ako" sabi niya  "hindi mo naman na kailangang bumawi sakin eh" sabi ko at pumunta muna sa kwarto para mag palit ng damit "nagtatampo ka ba sakin pat?" tanong niya at lumapit sakin para yakapin ako. ito yung lagi niyang ginagawa kapag nag tatampo ako o kaya may away kami. "sorry na pat" sabi niya habang naka yakap sakin  "ok lang" sabi ko "tara kain na tayo, lumamig na yung sinigang ang tagal mo kase eh" sabi niya at pumunta na kami sa kusina. tinulungan ko na siya na mag handa dahil gutom na din ako "grabe may pa sinigang ah" sabi ko at nag umpisa ng kumain "dahan dahan lang pat, hindi ka naman ata gutom no?" sabi niya at tumawa "kanina pa ko gutom eh, kakain na dapat kami ni poch pero may kailangan daw siyang tapusin kaya umuwi nalang ako, tapos na traffic pa ako" sabi ko "Kain ka ng madami" Sabi niya at kumain na din Nung natapos kaming kumain tinulungan ko siyang mag ligpit, dahil siya na daw yung mag huhugas. Kumuha ako ng beer at dumiretso sa balcony "Pat may problem ka ba?" Tanong ni Agnes at umiling lang ako, hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala siya "Ka chat ko pala si poch kanina, Sabi niya kailangan daw nating mag usap, ano yung pag uusapan natin pat?" Tanong niya "Wait ikukuha lang kita ng beer" Sabi ko at pumunta na sa kusina para ikuha siya ng beer, bumalik ako ka agad at binigay sa kanya yung beer "Wala naman yun Agnes, may bakante kase sa condo ni jam, napag isipan ko na lumipat dun" Sabi ko na ikinagulat niya "Ha? Ok naman tayo dito ah?" Tanong niya "Oo nga, pero gusto ko na kase mag isa eh" Sabi ko "Pat bakit? I mean bakit ka aalis? Bakit mo 'ko iiwan? Diba nag promise ka? Sabi mo hindi mo ako iiwan?" Tanong niya habang nagpipigil ng luha "May problema ba sa akin? Pag usapan muna natin please wag mo akong iwan" Sabi niya pero hindi niya na napigilan yung luha niya "Agnes wala sayo yung problema nasa akin" Sabi ko "Ano yun pat? Gusto kong malaman" Sabi niya kaya napa buntong hininga ako "Gusto mo ba talagang malaman?" Tanong ko "Oo pat, ayusin natin to please" Sabi niya "Agnes mahal kita, hindi bilang isang kaibigan, hindi din bilang isang kapatid, Mahal kita higit pa sa inaakala mo" Sabi ko at yumakap siya sa akin "Alam kong hindi mo kayang suklian yung love ko para sayo, at hindi ko hangad na mahalin mo din ako pabalik, sapat na sakin to" Sabi ko habang tumutulo yung luha ko "Lalayo muna ako dahil alam kong hanggat kasama pa kita mas lalo lang akong mahuhulog sayo. Yan yung dahilan Agnes" Sabi ko "Pat..." Sabi niya at kumawala na ako sa yakap niya "Agnes please aalis na ako, hayaan mo na akong kalimutan yung nararamdaman ko para sayo" Sabi ko "Pat paano ako?" Tanong niya "Kinuha mo na nga yung puso ko balak mo pang ilayo, pat mahal kita." Sabi niya at yumakap ulit sakin "Mahal na mahal." "Wag mo akong iwan pat please" "Love me till the end." Sabi niya at hinalikan ako sa labi ko. You don't know, babe When you hold me And kiss me slowly It's the sweetest thing And it don't change If I had it my way You would know that you are You're the coffee that I need in the morning You're my sunshine in the rain when it's pouring Won't you give yourself to me Give it all, oh I just wanna see I just wanna see how beautiful you are You know that I see it I know you're a star Where you go I follow No matter how far If life is a movie Oh you're the best part, oh oh oh You're the best part, oh oh oh Best part ___________________________________ Best part song by daniel caesar
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD