Alieeee!! patiling bungad sa akin ni Tonie pagbukas nya ng pinto.Nagulat ako sa pagsigaw nya.Dirediretso itong pumasok at umupo sa upuan na nasa harap ko.
Kaylangan ba sumigaw?Ako lang to o.
Kumusta ka na? Buti naman at naisipan mong pumasok na.At talagang hindi ka man lang nagsabi na babalik ka na.
Nakakatampo ka na.Nung nakaleave ka, napakadalang mo din magtext o magchat man lang.Grabe ka.Ansama ng ugali mo sa part na yon alam mo ba.
Narindi yata agad ako.Si Tonie pa lang yung nasa harap ko,wala pa sina Andhie at Maxeenne.Ready ko na lang ulit tenga ko mamaya pagdating nila.
Nagchat naman ako ah. Protesta ko.
Oo,isang beses.Antagal mo nakaleave tapos once ka lng magchachat.Wow ha.Sorry naman.Humingi na lang ako ng pasensya.
Ewan ko sa yo.Ngapala Condolence ulit ha. Kumusta naman si Tita?
Okay lang.Pero alam kong emotionally hindi. Pinilit ko na syang pumasok na ulit sa restaurant para ma divert don yung attention nya at hindi laging maisip na wala na si Papa. Lalo pa at pumasok na din ako.Napapatango lang si Tonie sa mga sinasabi ko.
Kumain ka na ba? Biglang tanong nito. Naalala kong hindi nga pala ako nagbreakfast sa bahay at sinabing dito na lang nga kakain.Hindi pa nga.Sagot ko.O sya tara kasi di din ako kumain sa amin.Sige pero
Intayin na natin yung dalawa ni Andhie at Max para sabay sabay na tayo.Lumabas na kami ng office at sa cubicle na lang ni Tonie kami maghihintay.Hindi naman nagtagal ay dumating na yung dalawa.Like Tonie nagulat din sila nang makita ako.
Grabe yung mga face reaction nyo ha. Para namang ghost ako at gulat na gulat kayo.Tara na sa Cafeteria.Doon na tayo magchikahan habang nagbibreakfast. Isinacrifice kong hindi magbreakfast sa bahay para lang makasabay ko kayo. Akmang lalakad na kami ni Tonie ng magsalita si Andhie. May panunumbat agad. Kakapasok pa lang Maam Alie.
Grabe ka.Pwede saglit lang.Di pa nga kami nakakapagbaba ng bag o.Wait lang po Maam Alie ha.Gutom na gutom ka na ba talaga? Natawa naman ako sa reklamo nung dalawa and the way they called me Maam Alie alam kong iniinis lang din nila ako.Kapag kasi kaming apat lang ay hindi nila ako tinatawag na Maam.What a nice way of welcoming me.
Binibiro ko lang naman kayo.Namiss ko kaya kayo.
Sabay sabay kaming apat naglakad papunta sa elevator.Dahil past 7 am na kaya may mga nakakasalubong kami na mga empleyado at nag cocondolence pa din.May mga bumabati naman na Mabuti at pumasok na ako at meron naman na bumabati na kumpleto na naman daw kaming apat. Sumakay na kami ng lift pababa sa 1st floor dahil andon ang Cafeteria. Pagdating namin sa Cafeteria ay may mga empleyado na din doon na nag aalmusal at ang iba naman ay nagkakape lang talaga.
Pagkabili ng pagkain ay pumwesto kami sa table na nasa tabi ng bintana.
Ginulat mo naman kami sa walang pasabi mong pagpasok ha.Wala ka man lang ininform sa kahit sino sa amin.Si Maxeenne na pagkaupong pagkaupo ay nagsimula ng magsermon sa akin.
Tapos agad agad mag aayang kumain hindi pa kami nakakapagbaba ng bag e.Ano manager lang talaga.E di ikaw na manager. Reklamo ni Andhie sabay tawa.Ang arte nyo ha.Ganon talaga pasurprise. Diba na surprise nga kayo?
Kain na lang tayo kasi nagugutom na ko.Wag nyo na kong sermunan at baka hanapan ko kayo ng butas para iterminate.
Ay wow.Iba na ang Manager Alie.Sabunutan kaya kita.Nagbakasyon ka lang e.Sabi ni Tonie na ayaw talaga paawat ang bibig.
Unti unti ng dumadami ang mga empleyado sa loob ng Cafeteria.Busy kami sa pagkain ng marinig kong may tumawag sa akin. Napahinto ako sa pagsubo at nag angat ng tingin at nakita ko si Sir Carlos Mendez,ang General manager namin na palapit na sa akin kaya tumayo ako para batiin sya.Maging sina Andhie ay binati si Sir.Mabuti naman at pumasok ka na.Makakahinga na ko ng maluwag. Hindi mo alam kung gaanong hirap ang sinuong ko nung wala ka.Dagdag pa yung mga empleyado na maiingay. Walang ginawa kundi magkwentuhan yata.Wika ni Sir na napatingin sa tatlo.Kaya naman di mapigilan ni Tonie na hindi magreact.Grabe ka Sir sa amin nagtatrabaho naman po kami. Did I mention your name Miss.Vazquez? No Sir. Sagot naman ni Tonie na medyo na off guard.Then why you look so guilty?
Hindi naman Sir sinasabi ko lang din po.hehe. Bigla tuloy napainom ng tubig si Tonie.
Anyway see you around Alie. Papasyal na lang din ako sa office mo para makapagkwentuhan tayo.By the way, condolence nga pala. Nagpasalamat ako kay Sir.Mendez bago sya tuluyang umalis.
Pag alis ni Sir Mendez ay nagpatuloy na kami sa pagkain at pagkukwentuhan. Kaya naman late na ng bumalik kami sa pwesto namin dahil napatagal bago kami makatapos kumain.Ayaw pa nung tatlo dahil napapasarap sa kwentuhan kaya lang ay hindi naman pwede. Kaylangan magtrabaho din.
Balik na kami sa kanya kanya namin pwesto pero bago ako tuluyang makapasok sa office ay nadinig ko sinabi ni Tonie na sabay sabay kaming maglunch. Tumango nalang ako. Naupo ako sa swivel chair at huminga muna ng malalim. Okay Yumi Nathalie simula na ulit ng trabaho.
Naging busy na nga ako ng mga sumunod na oras.
Narinig kong may kumatok kaya nag angat ako ng tingin at nakita ko si Tonie.
Maam Alie,lunch time na po.Tara na po. Wag mo po masyadong dibdibin ang trabaho mo dahil hindi mo din naman yan matatapos ngayon.
Maam Alie ka dyan.Lunch na ba talaga?May pagtatakang tanong ko sabay tingin sa relo ko.Nang makita ko ang oras ay kinuha ko na ang wallet ko at lumabas na.Naghihintay naman na sa amin yung dalawa ni Max.
Maam Alie.Baka gusto mong ilibre kami. Since kakapasok mo lang po ulit. Pang uudyok ni Andhie.Sige lang keep on calling me Maam Alie baka sa halip na ilibre ko kayo e lalong hindi.
Ay Yumi Nathalie ikaw talaga hindi ka na mabiro e.Sabay hampas ni Andhie sa braso ko.Ganito kami kapag magkakasama, maingay,magulo,biruan na akala mo nagpepersonalan na.I dont care kung konti lang yung masasabi kong friends ko as long as they are true.And the friendship we have is pure and genuine I'm okay with that.
As we enter at the cafeteria,there are employees already having their lunch.Halos madami pang vacant na table.Malaki at maluwang naman ang Cafeteria.Pumila na kami para makabili na ng pagkain.
Habang kumakain ay naitanong ko si Earl kung bakit hindi ko nakikita. Napakaimposible naman kasi na hindi nya malaman na pumasok na ako kahit na hindi ko sya ininform.Baka nagtatampo kasi hindi ka daw nagtetext.Nagtatanong din sa amin. Sabi ni Andhie.Sabi ko naman wag syang mag alala dahil ganon ka din sa amin.Kaya ayun hindi siguro nakayanan.Nawala na lang bigla. Dagdag naman ni Max na alam ko naman na gawa gawa nya lang.
Seryoso ka na nyan?Ang init ng ulo mo,may dalaw ka ba?Isa pa hindi pa naman kayo so okay lang kahit anong gawin nyo na hindi nagsasabi sa isa't isa diba.Tonie said.
Bigla ako napatigil sa pagkain.Naibaba ko tuloy yung kubyertos na hawak ko at napa buntong hininga.
Yeah,you'right.Hindi pa nga kami at alam nyo naman ang status ni Earl sa akin e.Pinipilit ko naman e.Kahit anong pangaral ko sa puso ko na gustuhin sya,bakit antigas ng ulo.Ayaw talaga.
Ang hirap kaya.Alam nyo ba yun?Sana kayo na lang yung nasa situation ko. Yung tipong andyan na yung handang maging boyfriend mo pero daig mo pa si tinman na walang pakiramdam.Mabuti pa nga kayo.
Bitter lang girl.But seriously,we know naman na mahirap ang situation mo. We're praying and hoping na lang na makatagpo ka na ng guy na magbibigay ng spark sa iyong puso. Yung tipong magliliyab ka na.Yung guy na magpapalipad ng butterfly dyan sa stomach mo.Yung tipong parang may butterfly sanctuary.Yung magbibigay ng kilig sa iyo. Yung daig pa yung kilig ng naiihi.Yung guy na iisipin mo lagi. To the point na mabaliw ka na.Yung guy na laging tumatakbo sa isip mo na akala mo walang kapaguran.Litanya ni Tonie na feel na feel ang mga sinasabi. May pa kumpas kumpas pa ng kamay. Yung dalawa naman ay pigil na pigil na sa pagtawa. Ako,ngani ngani ko ng hablutin ang buhok ni Tonie dahil naririndi ako sa mga pinagsasabi nya.Ang exage kasi ng explanation.
Oo nga naman.Sana din magliyab ka na din sa pagkainlove mo jan sa jowa mong mukhang ewan.Sagot ko kay Tonie.Sina Andhie at Max naman ay hindi na napigil kaya napatawa sila ng malakas kaya naman napatingin sa amin ang mga kasabay namin kumain.
Pero seryoso girl sana nga makatagpo ka na ng magpapakilig sa yo.Hirit ni Andhie.Parang hindi tuloy ako nabusog sa lunch namin.After lunch ay umakyat na ulit kami.Saglit na saglit lang kami dumaan sa comfort room dahil konting minuto na lang ay tapos na ang oras ng lunch.Ayoko naman din isipin ng iba na porke ako ang kasama nina Tonie ay itetake for granted nila.
Pagbalik ko ay focus na ulit ako sa trabaho.
Hanggang sa dumating ang oras ng uwian. Maam Alie sabay ka sa min pag uwi?Tanong ni Tonie habang nakasilip sa pinto.Hindi na sya pumasok.Mauna na kayo. Baka mag extend pa ko ng mga 2hours. May mga tatapusin lang ako.Sagot ko.Okay.sige.Ingat ka sa pag uwi mamaya.Una na kami. Byeeee. Ipinagpatuloy ko ang ginagawa para makatapos na at makauwi na din.Tumumog naman bigla ang phone ko.Name ni Mama ang nakita ko kaya sinagot ko agad.
Hello Ma.
Hello anak uuwi ka na ba?
Hindi Ma mamaya pa po mga 2 hours pa.
Bakit po?Wala naman.Intayin na kita sa dinner.Ay sige po Ma.Tapusin ko na agad ang ginagawa ko.Okay anak sige baba ko na to para makapagpatuloy ka na sa ginagawa mo.
Okay po.Ibinaba na nga ni Mama ang tawag. Ipinagpatuloy ko na ang gingawa ko dahil excited na din ako umuwi.