bc

Mahal kita pero bawal

book_age16+
344
FOLLOW
1.5K
READ
forbidden
reincarnation/transmigration
HE
serious
office/work place
addiction
like
intro-logo
Blurb

Nagawa kong Ipaubaya ang sarili ko sa lalaking sa una pa lang ay inis na ako.Sa lalaking gusto ni Mama.Nasa katinuan naman ako pero nang lumapat na ang labi nya sa labi ko ay nawawala ako sa sarili ko.Hindi lang isang beses dahil naulit ng naulit ang mga halik na yon .Sinabi nyang gusto nya ako.Mahal nya ako.Paano ako maniniwala at Paano ko sya tutugunin na gusto ko din sya at mahal ko na din sya kung una pa lang ay umamin na sa akin si mama na gusto nya ito.

Isasakripisyo ko ba ang nararamdaman ko alang alang kay Mama o magiging selfish ako at uunahin ko ang feelings ko.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Malakas ang palahaw ni Mama.Hindi ko naman sya masisisi dahil kahit ako ay ganon ang gusto kong gawin para mailabas ang sakit na nararamdaman pero mas pinili kong umiyak ng tahimik.Kahit hindi ko tingnan isa isa ang mga nasa paligid namin na mga nakipaglibing ay alam kong kanya kanya din sila ng punas sa mga luha sa kanilang mga mata. Bukod sa pamilya ay marami ang sumama sa amin para ihatid si Papa sa huling hantungan nya.Mabait kasi si Papa sa kahit kanino.Tutulong at tutulong sya sa abot ng kanyang makakaya. At hindi sya naghahangad ng anumang kapalit. Akbay akbay ko si Mama.Hinayaan ko lang na maglandas ang mga luha sa aking pisngi dahil alam kong kahit pigilan ko ito ay hindi naman ito magpapapigil bagkus ay patuloy lang na aagos.Andito kami ngayon sa harap ng bangkay ni Papa dahil libing na nya. Natapos na din ang paghihirap nya.Matapos makipaglaban sa karamdaman ay bumigay na din ito. Nagpahinga na sya ng tuluyan. Hindi na kinaya ng katawan nya ang lahat ng sakit. Nung mga nakaraang buwan halos palagi na syang dinadala sa hospital.Kung ano anong mga test ang ginagawa.Kung ano anong aparato ang ikinakabit sa katawan. Nahihirapan ang kalooban ko na makita si Papa sa ganong sitwasyon.Kapag dinadalaw ko sya ay hindi ko ipinapakita na umiiyak ako. Pilit nyang hahawakan ang kamay ko.Ako naman ay inilalapit na ang kamay ko at hahawakan ang kamay nya ng mahigpit at pilit na pinipigil na kumawala ang luha sa aking mga mata.May mga pagkakataon naman na hindi ko talaga mapigilan na hindi umiyak.Pilit naman papahirin ni Papa ng kanyang hinlalaki ang mga luha kapag nakikita na nyang naglalandas na ito sa aking pisngi.Kahit paputol putol ang pagsasalita ay pilit nyang sinasabi sa akin kung gaano nya ako kamahal.Kung pwede ko lang na akuin na lang lahat ng nararamdaman ni Papa nung mga time na yun ay hindi ako magdadalawang isip na gawin iyon.Ang kaso ay hindi naman yun ganon kadali. Napakasakit lalo at wala akong magawa at mismong ang mga doctor ay hindi na din naman sya kayang pagalingin.Inoffer na din namin kay Papa na sa ibang bansa magpagamot pero tumanggi sya.Mga panandaliang kaginhawaan na lang sa katawan ang epekto ng mga gamot na ibinibigay ng mga Doctor kay Papa, na ng tumagal ay hindi na din umiepekto.At nitong huli na nadala nga sya sa hospital ay tuluyan na syang bumigay.At masakit sa kalooban ko dahil hindi ko na sya naabutang may hininga noon dahil nasa trabaho ako ng mangyari yun. Tinawagan lang ako ni Mama at halos mawalan ako ng ulirat noon.Buti na lang at biglang pumasok si Tonie kaya naalalayan nya ako.Alam ko naman na alam ni Papa na mahal na mahal ko sya kaya kahit ayaw ko syang mawala ay tinanggap ko na din ng maluwag sa loob ko para ng sa ganon ay hindi na din sya mahirapan na umalis patungo sa kabilang buhay.At alam ko naman na lagi pa din nya kami babantayan ni Mama. Malaking adjustment ito para sa amin.Wala man si Papa dito pero yung mga alaala naman nya ay mananatili sa puso namin. At ngayon nga ang huli at kahulihulihang pagkakataon na makikita namin ni Mama ang katawan ni Papa.Huling kita sa mukha nya,sa hitsura nya na simula nung magkasakit ay nawala ang makisig na pangangatawan. Numipis ang dating matipunong katawan. Pero sa paningin ko ay sya pa din ang gwapong Papa ko.Nag iba man ang hitsura nya pero yung pagmamahal nya sa akin at kay Mama ay hindi nawala kahit nakaratay na sya.Pilit pa din nyang ipinapadama yung pagmamahal nya sa amin.Sobrang mahal na mahal ko si Papa. Hindi ko alam ngayon kung paano at saan kami magsisimula.Gusto kong magwala, gusto kong sumigaw dahil napakabigat ng dibdib ko.Pakiramdam ko ay bibigay na ako. Naghihina ang mga tuhod ko.Parang unti unti akong nawawalan ng lakas lalo pa at nakaalalay din ako kay Mama.Pakiramdam ko ay anumang oras ay pareho na kaming babagsak.Pero hindi yun nangyari dahil bigla ko na lang naramdaman na may umalalay sa amin ni Mama.Hindi ko na pinagkaabalahang tingnan kung sino basta sumunod na lang kami ni Mama sa kanila ng inalalayan nila kami na makaupo sa upuan na nasa malapit lang din sa pwesto namin.Nakaalalay pa din sila kahit na nakaupo na kami.Mayamaya ay dahan dahan nang inilulubog ng mga tauhan ng Memorial Park ang k*****g ni Papa. Tumayo si Mama na inaalalayan nina Tita Madel Tita Carol at lumapit sa hukay at naghagis ng white rose habang patuloy pa din sa pag iyak.Tumayo na din ako para magahagis na din ng bulaklak at nasulyapan ko si Kuya Brennan na nakaalalay sa akin. Marahil ay sya din ang umalalay sa akin kanina.Pagkatapos namin ni Mama maghagis ay sumunod na din ang mga kamag anak namin at ang mga nandoon na gustong maghagis ng bulaklak.Isa isa ng nagpaalam ang mga tao hanggang sa kami na lang pamilya ang naiwan doon.Hinintay namin na maisara ang nitso ni Papa.Tahimik na din si Mama.Niyaya ko na silang umuwi ng halos tapos ng isara ang nitso.Nagpaalam si Kuya Brennan na mauuna na sila ng mga pinsan kong lalaki . Ma halika ka na po uwi na tayo. Nagsisimula ng dumilim at nagbabadya na ang ulan baka abutan pa tayo dito.Pag aya ko kay Mama. Ayaw pa ni Mama pero pinilit na namin at sinabi na babalik na lang kinabukasan.Kaya napilitan na din sya.Isa pa ay nagsisimula na ngang umambon. Naglalakad na kami paalis ng huminto ako at lumingon ulit sa puntod ni Papa.Paalam Papa mahal na mahal kita.Yun na lang ang nasabi ko sa isip ko at nagpatuloy na sa paglalakad palayo sa puntod ni Papa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

KIDNAPPED BY THE HOT UNCLE

read
53.8K
bc

The Ex-wife

read
232.3K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
78.0K
bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
57.2K
bc

Hate You But I love You

read
63.1K
bc

NINANG PATRIZ (SPG)

read
24.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook