CHAPTER 2

1068 Words
Pag-uwi namin ng bahay ay ramdam na ramdam ko agad ang lungkot.Alam kong may kulang,kulang na kahit kailan ay hindi na mapupunuan.Natuldukan na at hindi na madadagdagan ang mga memories na meron kami na kasama si Papa.Nakakalungkot lang kasi hindi pa naman ganon katanda si Papa para lisanin ang mundong ibabaw at iwan kami.Napakakisig pa nga nito.Walang nagawa ang pera para isalba ang buhay niya..Pero alam ko din naman na everything happens for a reason.Si Lord lang ang nakakaalam. Magtitiwala na lang kami sa plano ni Lord sa amin at alam ko naman na hindi Nya kami papabayaan.Mas dapat pa kaming kumapit sa Kanya ngayon. Nasa sala kami ni Mama kasama sina Tito at sina Tita.Mga kapatid ni Mama at Papa. Simula ng burol ni Papa hanggang sa ilibing ay sinamahan na nila kami.Pati mga asawa at anak nila.Si Tita Myla lang na bunsong kapatid ni Mama ang hindi nakauwi dahil taga Germany ang naging asawa nya kaya doon na din sila nanirahan.Wala lang din ang mga asawa ng kapatid ni Mama dahil parehong sa ibang bansa nagtatrabaho. Alam kong katulad namin ni Mama ay sobrang pagod at puyat din sila dahil sa ilang araw na burol ni Papa.Kaya sobrang thankful kami ni Mama kasi hindi nila kami iniwan lalo sa sitwasyon na kaylangan na kaylangan namin ng makakaramay.Nang maging mag asawa sina Mama at Papa ay naging close din ang mga kapatid at pamilya ni Papa sa mga kapatid at pamilya ni Mama. Magkakapatid na din sila kung magturingan. Kaya ganon din kaming magpipinsan.Isang malaking pamilya na kami.Kahit na medyo madalang na kami magkita kita dahil may mga trabaho at pumapasok pa yung iba pero lagi naman kami nag vivideo call, nagkukumustahan,nagkukulitan,nag aasaran kaya sobrang comfortable na kami sa isa't isa.Gusto kong matuwa dahil halos kumpleto kami na minsan na lang talaga nangyayari, pero ang isiping sa ganitong sitwasyon kami nakumpleto ay natabunan ang sayang dapat una kong maramdaman at sa halip ay napalitan ng kirot sa puso.Masakit sa dibdib. Walang gustong magsalita isa man.Si Mama ay nakatulala lang.Akbay akbay ko sya at hinahaplos haplos ang balikat.Si Tito Dan , ang panganay na kapatid ni Papa ay nakapatong ang ulo sa sandalan ng mahabang sofa at nakadipa ang kamay na parang sa ganong pwesto sya narerelax. Nasa tabi nya si Tita Pearl na asawa niya.Si Tito Anton naman ay nasa single sofa katabi ang asawang si Tita Karen na nakaupo sa arm rest. Pangalawa si Tito Anton at bunso naman si Papa sa magkakapatid.Si Tita Carol at Tita Madel naman ay katabi namin ni Mama sa mahaba ding sofa. Nagpapakiramdaman.Mga ilang sandali pa kami sa ganong sitwasyon ng biglang magpaalam sina Tita Pearl at Tita Karen na pupunta sa kusina.Tumango na lang ako at si Tito Anton bilang pagsang ayon. Nanatili lang kami sa ganong sitwasyon na para bang ipinagbabawal ang magsalita.Na parang bawal ang mag ingay. O, magmeryenda muna kayo.At siguradong gutom na kayo.Umaga pa tayo kumain.Sabi ni Tita Pearl sabay lapag sa center table ng dala nila ni Tita Karen na tray ng juice at tray ng sandwich.Pagkatapos ay tumabing naupo ulit sa kani kanilang mga asawa.Ikinuha ko naman agad si Mama pero isang lagok lang ang ininom at iniabot na ulit sa akin ang baso ng juice.Ang sandwich naman ay hindi na nya kinuha sa akin.Kumuha na din sina Tito. Nagutom na din sila marahil kasi tama naman si Tita Pearl na umaga pa kami huling kumain.Hindi naman na din kami nakakain ng tanghalian dahil parang lahat yata kami ay wala ng gana.Lalo pa at nadidinig ang malakas na palahaw ni Mama.Uminom na din ako ng juice sa baso na ininuman ni Mama. Habang nagmemeryenda ay ako na ang bumasag ng katahimikan dahil ayoko yung pakiramdam na ganon.Sobrang tahimik. Nakakabaliw.Hindi ako sanay sa ganoon. Kahit pa tahimik naman sa bahay namin pero hindi yung ganitong klase ng katahimikan na may kasamang lungkot. Ayoko ng ganito dahil hindi ako komportable.Magtatagal po ba kayo dito? Hindi po ba agad kayo uuwi?Tanong ko kina Tito at pagbasag ko na din sa katahimikan na kanina ko pa hindi matagalan.Pakiramdam ko ay nabibingi ako.Mas lalo kasing dumadami ang mga isipin ko kapag wala akong madidinig na ingay. Dumito muna po sana kayo kahit mga ilang araw pa para may kasama kami ni Mama.Wag nyo po sana kami iwan muna. Wala naman agad akong narinig na sagot mula sa kanila kaya mas lalo akong nakaramdam ng lungkot.Humilig naman si Mama sa balikat ko. Pasensya na Yumi, pero uuwi na din kami ngayon kasi kaylangan na ako sa restaurant. Bago lang kasi yung Assistant ko kaya nahihirapan pa sya lalo at madaming costumer. Ako din Yumi,uuwi na kami dahil may mga papers na pinapaasikaso sa akin ang Tito Phillip mo para sa petisyon nya sa amin. Paliwanag at hinging paumanhin ni Tita Carol at Tita Madel.Nalungkot man pero wala naman akong magagawa.Isa pa ay ilang araw na din naman namin sila kasama at na compromise na ang mga gagawin nila kaya naintindihan ko sila. Wag ka ng masyadong malungkot Yumi,didito na muna kami ganon din itong sina Anton.Sasamahan na muna namin kayo tutal naka indefinite leave naman kami. Paliwanag ni Tito Dan. Nakaramdam ako ng tuwa sa sinabi ni Tito Dan atleast kahit papano ay may makakasama pa kami ni Mama kahit ilang araw.Thank you po Tito Anton Tito Dan.Yun na lang ang nasabi ko.Laking pasalamat ko sa naging desisyon nila na samahan pa kami ni Mama.Kaya naman napabaling ako kay Mama at binigyan sya ng ngiti.Nadinig mo yun Ma, sasamahan pa tayo nila Tito Dan. Salamat.Salamat sa inyong lahat at hindi nyo kami iniwan ni Yumi.Mangiyak ngiyak na naman na sabi ni Mama.Humigpit ang akbay ko kay Mama at hinagod ang kanyang likod. Sana palagi nyo pa din kami aalalayan kahit wala na si Julio. Ano ka ba naman Cecille,hindi mo naman na kaylangan sabihin yan dahil asawa ka ng kapatid namin natural lang na andito kami na mga kapatid nya para umalalay sa inyo.Ani ni Tito Dan.Sumang ayon naman si Tito Anton sa sinabi ni Tito Dan. Mabuti pa ay magpahinga ka na muna para kahit papano ay makabawi ka sa puyat. Sabi ni Tita Carol kay Mama na sinang ayunan namin kaya niyaya ko na si Mama na umakyat sa kwarto.Mabuti at hindi na din sya tumanggi.Ihahatid ko lang po si Mama. Paalam ko sa kanilang lahat.Tumango na lang sila sa akin.Tumayo na kami ni Mama at umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD