CHAPTER 3

904 Words
Sinabi ko kay Mama na magshower na muna bago matulog para mas presko sa pakiramdam at para mas makatulog sya ng ayos.Sumunod naman siya sa sinabi ko kaya kumuha sya sa closet ng damit at pumasok na sa banyo.Habang iniintay ko si Mama ay ini on ko na ang aircon,inayos ng konti ang kama kahit na maayos naman na ito. Napatingin ako sa wedding picture nila ni Papa na nakasabit sa dingding.Napaupo ako sa gilid ng kama habang nakatingin doon. Napakaswerte ko dahil sila ang mga naging magulang ko.Nakatitig lang ako doon ng mayamaya ay lumabas na si Mama galing banyo at nakabihis na din ito.Sinuklay na lang ang buhok pagkatapos ay sumampa na sa kama at nahiga.Kinumutan ko sya at umupo ako sa gilid ng kama. Don't worry Ma,paggising mo andito pa sina Tito Dan.Ngumiti ako.Salamat anak.Pilit mo pa din ipinapakita na malakas ka kahit alam ko naman na nagkukunwari ka lang. Hinawakan ko ang kamay ni Mama at pinisil iyon.Ma,kaylangan natin maging matatag. Kaylangan natin magpatuloy sa buhay.Alam kong nakikita tayo ni Papa at alam kong malulungkot sya kapag nakikita nya tayong ganito.Lalo pa at alam nyang ang pagkawala nya ang dahilan kung bakit tayo malungkot ngayon.Alam kong malulungkot din siya lalo at hindi na nya tayo mako comfort. Kaya, laban lang tayo Ma.Kakayanin natin to kahit mahirap,patuloy lang tayo.Hindi man natin na makakasama at makikita si Papa, I'm sure lagi nya tayong babantayan.Mahal na mahal nya tayo alam mo yan at ako din mahal na mahal ko kayo ni Papa. Mabuti na lang at napigil kong hindi pumatak ang luha ko habang kausap si Mama,dahil tama naman siya na nagpapanggap lang akong matatag sa nangyari pero ang totoo, gusto ko na lang umupo sa isang sulok at umiyak na lang ng umiyak.Pero alam kong iiyak na naman sya kapag nakita nyang umiiyak ako kaya kaylangan kong magpanggap na matatag sa harap nya.Binigyan ko na lang sya ng isang matipid na ngiti.Mahal ko din kayo ng Papa mo anak, alam mo yan. Hindi ko na sinagot si Mama.Sa halip ay ngumiti ako at hinalikan sya sa pisngi. Matulog ka na Ma. Hindi ako umalis sa tabi nya hanggang di sya nakakatulog.Ilang sandali pa ang hinintay ko bago tuluyang makatulog si Mama.Nang malalim na ang paghinga niya ay hudyat na mahimbing na itong natutulog kaya maingat akong tumayo at dahan dahang naglakad palabas ng kwarto nila ni Papa.Tiningnan ko pa muna ulit si Mama bago ko tuluyang isara ang pinto. Babalik na sana ako sa sala dahil baka naiinip na sina Tito pero naisip ko na pumunta na muna sa kwarto ko at maglinis na din ng katawan bago ko babalikan sina Tito.Simula sa kwarto ni Mama ay pangatlo ang kwarto ko.Mas gusto ko doon dahil malapit ito sa balkon. Office at Library ang pagitan ng kwarto namin nina Mama.May connecting door sa kwarto nila papunta sa library.Tatlong Guest room naman ang mga katapat ng mga kwarto namin. Nakapagpundar ng maayos na bahay si Papa. Isa syang Engineer.Minsan ay may mga project din sya abroad.May business din sila ng kaybigan nya na si Engineer Salvador.Si Mama naman ay may sariling restaurant.Dahil mahilig syang magluto at masarap din naman kaya ginamit nya itong business.Nang magkaroon na ng restaurant si Mama ay naging magkatuwang na sila sa pagpupundar ng lahat ng meron kami ngayon.Italian cuisine ang siniserve sa restaurant ni Mama.Mahilig kasi si Mama sa mga pasta.Gaya ni Mama ay restaurant din ang business ni Tita Carol.Pero magkaiba sila ng siniserve na mga pagkain.Asian cuisine naman ang kay Tita.Plano na ni Mama na maglagay ng branch ng restaurant nya kaya lang ay unti unti ng nakaramdam ng hindi maganda sa kanyang katawan si Papa kaya ipinagpaliban na muna nya ito at mag focus muna sa pag aasikaso kay Papa. Ako naman ay tapos ng kursong BSA pero sa isang hotel ako nagtatrabaho bilang HR manager.Malayo ang course ko sa trabaho ko pero okay naman at kaya ko naman.Sa edad kong 25 ay masasabi kong okay ang buhay ko.Masaya ako kasama sina Mama at Papa.Kahit may mga kanya kanya kaming trabaho ay may time pa din kaming tatlo para sa isa't isa.May family time pa rin kami.Kitang kita at damang dama ko na mahal nina Mama at Papa ang isa't isa.Never akong nakarinig ng balita na nagloko si Papa kay Mama o si Mama kay Papa.At mas lalo kong naramdaman ang pagmamahal ni Mama kay Papa nung nagkasakit na ito.Laging inuuna ni Mama si Papa.Kung pwede naman syang hindi pumunta sa resto ay hindi sya pupunta para sya mismo ang mag alaga kay Papa kahit na may taga alaga naman ito. Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko ay nakita kong naman na mahimbing na natutulog ang mga pinsan kong babae.Kaya naman bigla akong naging aware sa naging kilos ko. Dahan dahan akong pumasok dahil baka makalikhà ako ng ingay at maabala ang tulog nila.Alam ko naman na puyat at pagod din sila.Dahan dahan akong lumapit sa closet at kumuha ng damit.Nagpunta sa banyo at dali daling naligo.Nagbihis na ako bago lumabas ng c.r.Nagsuklay ako at naglagay ng lipgloss dahil nakita ko ang labi ko sa salamin ay maputla na ito.Dala marahil ng puyat.Dahan dahan ulit ako naglakad at lumabas ng kwarto.Babalik na ako sa sala.Nakakahiya naman kung hindi ako babalik doon kahit gustong gusto ko na din magpahinga muna dahil talagang nanlalambot na yung katawan ko.Lalo pa at nakaligo na ako.Siguradong mapapahimbing ako ng tulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD