CHAPTER 4

1011 Words
Habang bumababa sa hagdan ay natanaw kong andon pa nga sina Tito sa sala. Mukhang may pinag uusapan silang dalawa ni Tito Anton.Nakikita ko pang kumukumpas kumpas ang kamay ni Tito Dan habang nagsasalita. Umupo ulit ako sa pwestong inalisan namin ni Mama. Kumusta ang Mama mo? Nakatulog na ba? Tanong agad ni Tito Dan ng makaupo na ako.Opo Tito. Mabuti nga po at nakatulog agad sya.Mabuti naman kung ganon dahil kaylangan nya din talaga na makapagpahinga muna.Sagot ni Tito Dan. Ahm Tito, Thank you po ulit dahil pumayag po kayo na samahan pa kami ni Mama ng mga ilang araw pa. Itong pamangkin ko na to hindi na natapos sa kakapasalamat.Ganyan naman talaga ang pamilya natin diba.Kung sino ang nangangailangan ay tinutulungan.Tumango ako bilang pagsang ayon sa sinabi ni Tito Dan dahil tama naman sya sa sinabi nya. Nagdadamayan at nagtutulungan silang magkakapatid. Damang dama ko ang sinseridad sa sinabi ni Tito Dan.Laking pasasalamat ko dahil napakabait nilang magkakapatid.Hindi isyu sa kanila kung sino ang mas madaming naitulong o naibigay.O kung may naibigay ka ba o wala.Basta tutulong sila hangga't kaya nila. Nasaan nga po pala sina Kuya Bren?Hindi ko pa po sila nakikita simula kaninang umuwi tayo.Wala kasi akong nakikita kahit isa sa mga pinsan kong lalaki.Wala din akong nadidinig na maiingay kahit saang parte ng bahay,kaya alam kong wala sila doon o kahit sa labas ay wala din.O baka naman nasa kwarto na at nagpapahinga na. Wag mo ng hanapin dahil nagpaalam at lalabas daw muna silang mga boys. Magpapalamig lang daw. Alam mo na, mga binata.Sabi ni Tito ay ayaw nya payagan sina Kuya Bren dahil kakalibing lang ni Papa.Kaya lang ay nagpilit si Lester dahil ngayon lang daw ulit sila magbobonding kaya pinayagan na din ni Tito. Sumang ayon naman ako sa sinabi ni Tito. Nakakalungkot lang dahil sa ganitong sitwasyon pa kami nabuo.Sana sa masayang okasyon din ay mabuo kami. Wala po bang girlfriend ngayon si Kuya? Hindi ko alam iha.Mabilis na sagot ni Tito Dan.Alam mo naman ang kuya mo may pagkamalihim pagdating sa babae.Wala din naman sya ipinakikilala pa sa amin.Basta pinapaalalahanan pa din namin sya na wag gagawa ng mga bagay na pagsisisihan nya sa huli.Though,he's old enough at alam na nya ang tama at mali, andito pa din kami para gumabay sa kanilang magkapatid. Dagdag na paliwanag ni Tito Dan. Sino ba naman ang hindi gugustuhin maging boyfriend si Kuya Bren na kahit yata basahan ang ipasuot ay napakagwapo pa din.May magandang pangangatawan at matangkad. Knowing na mga gwapo naman lahat ng pinsan kong lalaki at ngayon nga ay magkakasama sila,napabuntong hininga na lang ako sa isiping kapag nakita ng mga girls sina kuya ay talaga naman na pagkakaguluhan sila. Pero hindi dapat tinitake advantage yung kagwapuhan para maglaro sa mga babae. Kami nga ni Anton at Julio loyal naman kami sa mga asawa namin.Hirit ni Tito Dan. Don't worry Tito mamanahin din nila kuya yan kasi yan yung nakikita nila sa inyo. Sina Tita nga po pala nasaan?Tanong ko ulit.Wala na kasi sila sa sala ng bumalik ako.Baka nagpapahinga na din muna. Nasa kusina sila.Tutulong daw maghanda para sa hapunan.Sagot ni Tito Anton. Hindi po ba sila napapagod o inaantok. Pwede naman po sila matulog muna.Andyan naman po si Manang Letty at Ate Isay.Kayo po, pwede din po kayo magpahinga muna. Don't worry about them. They can handle theirselves.At sigurado ako mas madami pa ang kwento nila kesa sa itutulong nila kay Manang.Sigurado akong pag uusapan nila kung kelan sila magkakaroon ng time na magbonding kasama ang Tita Carol at Tita Madel mo.Lalo pa ngayon na magkakaharap sila..Kita mo nga ang mga boys o,hindi na nakapaghintay ng kinabukasan at nagbonding na.Si Tito Anton na tinawanan din ang kanyang sinabi. Tito,kilala mo na talaga ugali ni Tita. Ako pa ba naman sa tagal na namin mag asawa. At kahit itanong mo pa kay kuya Dan.Hindi mimintis yung sinabi ko. Pagsisigurado pa sa akin ni Tito Anton.. Madami na kaming napagkukwentuhan nina Tito Dan at Tito Anton nang makarinig kami ng malakas na usapan at sa tono ng salita ay halatang excited na excited. Nanggaling mula sa kusina at nakita namin sina Tita Madel na masayang nag uusap habang naglalakad palapit kinaroronan namin. O ,basta i set natin ng maayos ang bonding natin ha.Masayang sabi ni Tita Karen kina Tita Carol. Ay nako sis Karen basta kaylangan matuloy yun.Sana that time medyo maluwag na sa restaurant.Sagot naman ni Tita Carol na mababakas sa mukha ang excitement at pamomoroblema. Don't worry basta sasama ako kasi minsan na lang natin to gawin.Desididong sabi ni Tita Carol. Ako naman ay aaysusin ko na din agad yung mga documents na kaylangan kong ayusin para free na din ako sa date ng bonding natin. Sabad naman ni Tita Madel na mababakas din sa mukha ang pagka excited. Pero syempre isama natin at dapat talaga na isama natin si Ate Cecille.Wag tayong papayag na hindi sya sasama dahil kaya nga natin to pinlano kasi para sa kanya.Knowing Ate Cecille napaka emotional pa naman non. Baka lagi na lang yun umiyak ng umiyak lalo at kapag sila na lang dalawa ni Yumi dito. Dagdag na paliwanag ni Tita Madel na sinang ayunan naman nina Tita Carol. Kaya nga nagwoworry din ako talaga kay Ate.Kahit na ibinilin na din natin sya kina Manang Letty,syempre hindi naman lagi nasa kanya lang ang atensyon nila Manang diba. Sabi ni Tita Madel. Patuloy lang sila sa pagkukwentuhan habang kami naman nina Tito Dan at Tito Anton ay patuloy lang na nakikinig sa kanila. At sa mga nadinig kong takbo ng usapan nina Tita ay narealize kong tama nga ang sinabi ni Tito Anton sa akin.At ng tumingin ako sa kanilang dalawa ay sabay na lang silang napakibit balikat at napapailing.Hindi na nila kaylangan magsalita to prove na tama sila ng sinabi sa akin dahil ako mismo ang nakapagpatunay noon.Pero natuwa din ako dahil sa pag aalala nila kay Mama.Sobrang natouch ako at naluluha pa dahil sa nadinig kong pag aalala at kung paano nila mapapagaan ang pakiramdam ni Mama.Tipid na lang akong napangiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD