CHAPTER 5

920 Words
Ehem,tumikhim si Tito kaya nabaling ang tingin nila Tita sa amin at parang nagulat pa sila na nakitang nandon pala kami. O,love andyan pala kayo.Pasensya na di namin kayo agad napansin.Wika na Tita Karen na bakas sa mukha ang pagkagulat. Love,obvious ngang hindi nyo kami napansin. Ano ba kasi ang seryosong pinag uusapan nyo?Tungkol ba yan sa business?Tanong naman ni Tito Anton na akala mo hindi nadinig ang usapan nina Tita.May business din kasi si Tita Karen.Online selling ng mga imported na mga bags,damit, relo, sapatos.At magpatatayo na din sya ng pwesto sa isang sikat na mall dahil dumadami na masyado ang mga client nya.Si Tita Pearl naman ay may flower shop at cafè na malakas din naman kumita at may ilang branch na din. Naku love hindi about business ang pinag uusapan namin.Pahinga muna kami doon sa usapin na yon.Pinagpaplanuhan namin yung gagawin naming bonding kasama si Ate Cecille.Paliwanag ni Tita. Nagpaplano na kami kasi mamaya uuwi na tong sina sis Madel at Carol.Para makapag plano kami ng maayos at siguradong matutuloy.Hindi yung hanggang plano lang. Dugtong pa ni Tita Pearl na natawa pa sa kanyang sinabi. Ahh, okay nga yang plano nyo.Sana nga matuloy kayo.Sagot ni Tito Dan sa asawa na sa tono ng pagsasalita ay alam na malabong matuloy ang plano nina Tita. Hon.parang sinasabi mo naman na hanggang plano lang kami at hindi naman matutuloy.protesta ni Tita. Hon,hindi ako ang nagsabi nyan ha. Turan naman ni Tito Dan kaya nagkatawanan kami. Hon,matutuloy to dahil isasama namin si Ate Cecille.At pag matuloy kami penge ako pera.wika ni Tita Pearl na syang lalong ikinatawa namin. Tita Madel,akala ko po uuwi na din kayo ngayon?Anong oras na po? Matatraffic na po kayo masyado.Rush hour na po. Oo nga Yumi. Hinihintay lang namin ang mga pinsan mo na makabalik.Kanina ko pa nga pinapabalik dito kasi anong oras na. Hindi naman sumasagot sa text ko. Tinatawagan ko ayaw din ako sagutin ng batang yon.Ayoko pa naman magbyahe ng gabing gabi na masyado kahit may sariling sasakyan. Nako Madel mabuting wag na kayo umuwi ngayon dahil kung iintayin mo ang mga anak nyo,ay hindi ko alam kung anong oras sila uuwi lalo pa at kasama ang mga anak namin. Magpabukas na lang kayo.Hayaan na lang natin na magbonding sila.Namiss lang nila ang isa't isa.Alam mo naman na close sila sa isa't isa.Isa pa e mukhang kulang pa din naman ang kwentuhan nyo nina Karen kaya talagang wag na kayo tumuloy umuwi. Nag usap naman sina Tita Madel at Tita Carol sa naging suggestion ni Tito Dan bago sila nagdecide. Siguro ganon na nga lang ang gagawin namin.Tatawag na lang kami sa bahay at sa mga asawa namin para sabihin na hindi kami makakauwi. Mababakas naman ang tuwa sa mukha nina Tita Karen sa naging pasya nina Tita Madel.Nakakatuwa lang kasi kung magturingan sila ay parang magkakapatid at sobrang close sa isa't isa.Palibhasa kasi balewala sa kanila kung ano ang status nila sa buhay.Sino ang may malakas na negosyo, o kung sino ang may madaming pera o sino ang may mga mamahaling gamit.Deadma lang yun sa kanila basta ang gusto lang nila pure na pakikisama sa isa't isa at yun ang meron sila.Kaya naaliw akong pag masdan sila habang masayang nagkukwentuhan. Natuwa din ako sa naging pasya nina Tita Madel na magpabukas na ng uwi.Siguradong matutuwa si Mama pag nakita nya na andito pa sila. O sya maiwan ko na muna kayo at ako'y aakyat muna,maliligo lang ako dahil init na init na ko.Wika ni Tito Dan.Si Tito Anton ay nagpaalam na din muna at maglilinis din daw katawan kaya sabay na silang umalis. Naiwan naman kami sa sala.Pero maya maya lang ay nagpaalam na din sina Tita Madel na aakyat na din muna para maglinis ng katawan para daw sa hapunan ay presko na sila.Tumango na lang ako at binigyan sila ng isang tipid na ngiti bilang pag sang ayon. Naiwan ako mag isa sa sala.Isinandal ko ang ulo ko at ipinikit ang mga mata.Parang ngayon ako nakaramdam ng pagod.Gusto na ng katawan ko na magpahinga,matulog,pero parang pakiramdam ko hindi din naman ako makakatulog dahil punong puno ang utak ko ng mga isipin.Nanatili akong nakasandal sa upuan at nakapikit. Namalayan ko na lang na may tumatapik sa akin kaya naalimpungatan ako. Yumi anak gising na muna at kakain na.Gisingin mo na din ang Mama mo. Si Manang Letty pala.Pupungas pungas akong napatingin sa kanya.Anong oras na po Manang? Pasado alas siyete na ng gabi anak.Ibig sabihin ay nakatulog pala ako.Akala ko ay nakapikit lang ako.Hindi ko na talaga namalayan kaya nakaramdam ako ng ngalay sa leeg ko.Sige po Manang tataas na po ako. Pakisabihan mo na din ang mga Tito at Tita mo ha.Alam mo naman na medyo nahihirapan ang tuhod ko pag aakyat sa hagdan.Pakiusap ni Manang Letty sa akin. Sige po Manang ako na pong bahala. O sya sige at babalik na ako sa kusina. Ahm Manang,dumating na po ba sina kuya Brennan? Tanong kong muli kay Manang bago pa sya makalayo sa akin. Hindi pa nga anak baka mayamaya lang magsidating na mga iyon.Wala pa nga akong nakikita sa mga batang iyon.San ba sila nagpunta? Lumabas daw po sabi ni Tito Dan. Ahh ganon ba,baka maya maya lang uuwi na din sila. Siguro nga po Manang.Sige po akyat na po ako.Pinilit kong tumayo, pakiramdam ko lalo nanlata ang katawan ko dahil sa saglit na pagkakakatulog.Idagdag pa ang nakaupo lang ako ng makatulog.Nang makatayo ay hirap na hirap ang katawan kong kumilos. Pinilit kong humakbang para puntahan sina Mama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD