CHAPTER 6

1475 Words
Mababagal na hakbang akong umakyat sa hagdan.Pakiramdam ko ay walang lakas ang katawan ko.Nagsisi tuloy ako kung bakit napaidlip pa ako. Sa kwarto ni Mama ako dumiretso. Gigisingin ko na muna sya bago ko puntahan sina Tito at sina Tita sa kani kanilang mga kwarto. Hindi ako kumatok dahil alam kong natutulog pa sya pero pagbukas ko ng pinto ay nakita ko na si Mama na nakaupo na sa gilid ng kama. Umupo ako sa tabi nya. Buti naman po gising ka na.Pinapagising ka na din kasi ni Manang kasi magdidinner na.Kanina ka pa ba gising Ma? Kumusta pakiramdam mo?Okay ka lang ba? Hinawakan ni Mama ang kamay ko saka ngumiti.Anak, hinay hinay lang sa tanong. Don't worry I'm okay.Napabuti nga yung pagtulog ko dahil gumanda ang pakiramdam ko. Gumaan gaan ang katawan ko. Ipinatong ko naman ang isang kamay ko sa kamay ni Mama na nakahawak sa isa kong kamay na nasa lap nya. That's good to hear Ma.Mabuti naman po kung ganon.Nakabawi ka kahit paano sa puyat at pagod.Sige po pupuntahan ko na muna sina Tito para makakain na tayo. Bumaba ka na din po.Tumango at ngumiti na lang si Mama sa akin.Tumayo ako at humalik muna sa pisngi niya bago tuluyang lumabas ng kwarto. Pagkagaling sa kwarto ni Mama ay tumungo na ako sa kwarto ko para gisingin ang mga pinsan kong babae.Pagpasok ko ay mahimbing na mahimbing pa din silang natutulog.Tinapik ko sila isa isa at sinabing magdidinner na pero sumasagot lang sila pero hindi naman gumigising.Ilang ulit ko pa sila ginising pero ayaw talaga kaya nagpasya akong iwan at hayaan na lang muna sila matulog.Mga tulog mantika pa din sila hanggang ngayon.Kinumutan ko na lang sila dahil naka on ang aircon Bago ako lumabas ng kwarto. Dumiretso na ako sa kwarto nina Tita Carol.Kumatok ako ng tatlong beses.Si Tita Madel ang nagbukas na may nakabalot pang towel sa ulo.Halatang kakatapos lang maligo.O Yumi,halika pasok ka sabay hawak sa braso ko para hilahin ako papasok.Mabilis naman akong tumanggi.Hindi na po Tita. Pinapasabi lang po ni Manang na magdidinner na daw po. Pinatawag na lang po kayo sa akin.Nahihirapan daw po sya umakyat gawa ng tuhod nya.Paliwanag ko. Ah ganon ba.O sige magtatapos lang kami ng ginagawa tapos bababa na din kami. Si Ces gising na ba?Tanong pa ni Tita bago ako tuluyang makaalis.Tumango na lang ako bilang sagot.Naglakad na ako papunta naman sa kwarto nina Tito.Nadinig ko din na isinara na ni Tita ang pinto.Pagdating sa tapat ng pinto ng kwarto nina Tito ay kumatok din muna ako at nag intay na pagbuksan.Sa pagbukas ng pinto ay si Tito Anton ang bumungad sa akin. O Yumi,May problema ba?Bungad na tanong ni Tito Anton.Halata din sa mukha nito ang pag aalala. Tito wala naman po.Pinapasabi lang po ni Manang na mag didinner na daw po. Ahh.Akala ko naman kung ano na. Sige,susunod na kamo kami.Intayin ko lang matapos si Kuya Dan.Alam mo naman napakabagal kumilos ng Tito mo na yun. Palibhasa matanda na.Sagot ni Tito Anton pagkatapos ay sinundan ng tawa. Nagprotesta naman agad si Tito Dan sa sinabi ni Tito Anton.Hoy,anong matanda ka dyan. Maaring mabagal ako kumilos pero di pa naman ako matanda ano.May bagsik pa to baka hindi mo alam.Sagot ni Tito Dan. Bagsik daw.Sige nga subukan natin kung totoo yang sinasabi mo.Labas tayo ngayon o bar tayo ng mapatunayan yang sinasabi mo kuya.Hahaha. Paghahamon ni Tito Anton. Ay yan ang hindi ko gagawin.Ang lokohin ang asawa ko kahit pa biro biro lang mahirap na.Ayoko non.Malaki at buo ang tiwala ng asawa ko sa kin kaya ayoko masira yun lalo na kung dahil lang dyan sa kalokohan mo. Saka yung asawa ko lang ang gusto kong makatikim ng bagsik ko ano.Sapat na sya at hindi ko na kaylangan patunayan pa sa iba. Pwedeng mag bar,pwedeng uminom pero hindi na dapat sasamahan ng maling gawa. Paliwang ni Tito. Ikaw naman binibiro lang kita nagseryoso ka agad.Alam ko naman na hindi mo gagawin yun kay Ate Pearl.Kaya nga isa yan dahilan kung bakit idol kita e.Natatawang paliwanag naman ni Tito Anton.May pagmamanahan naman po pala si Papa sa pagiging loyal. Pagsabat ko sa biruan nila.Napangiti ako. Makikita mo talaga na mga mabubuting asawa sila. Sige Yumi bababa na din kami.Sabi ni Tito Anton.Tumalikod na ako at naglakad paalis. Nadinig ko pang sumara ang pinto. Nauna kami ni Mama na maupo sa harap ng dining.Nakahanda na din ang mga pagkain. Dito kami kakain sa long table dining area namin.Dahil madami kami.Halos nagagamit lang ito kapag may mga bisita kami.Kapag kasi kami lang ay sa may kitchen kami kumakain.O Yumi nasaan ang mga Tito at Tita mo?Tanong ni Manang. Pasunod na din po tinatapos lang po yung ginagawa nila. Kumusta Cecille?Mabuti naman at nakapahinga ka.Kahit papano ay nagkaroon ka ng lakas.Tinanong kasi kita kina Karen kanina nung dito sila nagkwentuhan habang naghahanda ako ng panghapunan.Wika naman ni Manang kay Mama. Okay lang ako Manang.Ayoko nga sana matulog dahil nakakahiya naman iwan sina Kuya.Kaya lang mapilit si Yumi.Ganon din naman sina Kuya Anton kaya sumunod na lang din ako. Paliwanag ni Mama at ngumiti kay Manang para ipakita na okay talaga sya. Maya maya ay nadinig na namin ang boses nina Tita karen na papalapit na. Pagkakita ni Mama kay Tita Madel at Tita Carol ay halata sa mukha nito ang gulat at pagtataka. O Ate Carol ,Madel akala ko uuwi na kayo ngayon.E, bakit andito pa kayo e anong oras na?Tanong agad ni Mama. Hay nako Ces pano ba kami uuwi e wala pa ang mga anak namin.Kaya nagdecide na lang kami na magpabukas na lang.Yun din ang sabi ni Kuya Anton.Saka lang napansin ni Mama na wala nga ang mga pinsan ko.O nasaan nga ang mga bata bakit nga wala sila dito?Takang tanong ni Mama na inilibot ang tingin sa kanila. Ako na ang sumagot sa tanong ni Mama. Naku hayaan nyo na minsan lang naman magkasama sama yung mga batang yun. Sinusulit lang siguro nila ang pagkakataon. Kumain na tayo at baka hindi na din kumain ang mga yun.Sabi ni Mama. Gaya ng sabi ni Mama ay nauna na kaming kumain.Habang kumakain ay nagkukwentuhan.Sinabi din nina Tita Carol kay Mama yung plano nila at pag uusapan daw ulit nila after dinner.Yumi,ikaw may boyfriend ka na ba?Nagulat ako sa biglang tanong ni Tita Pearl sa akin.At sa gulat ko ay mabilis tuloy akong napasagot.Wala pa po Tita pero may nanliligaw naman po kaya lang po hindi ko po feel na maging boyfriend sya. Hanggang kaibigan lang po ang maiibigay ko sa kanya at doon po ako mas comfortable sa kanya. Napatigil si Tita Pearl sa pagnguya at mukhang naging curious sa naging sagot ko kaya nasundan pa ang kanyang tanong. Walang pag aalinlangan ko naman sinagot ang mga tanong nya.Basta kung saan ka magiging masaya yun ang sundin mo.Hindi mo kailangan pilitin ang sarili mo para lang hindi makasakit ng damdamin ng iba.Payo ni Tita Pearl na sinang ayunan naman nilang lahat. Malapit na kaming matapos kumain nang makarinig kami ng ingay mula sa sala.Maya maya ay sunod sunod nagsidating ang mga pinsan kong lalaki.Isa isa silang bumati sa bawat isa sa amin. Bakit ngayon lang kayo Brennan Zachary? San ba kayo nanggaling at anong oras na?Hindi na tuloy nakauwi sina Lester dahil sa kakahintay sa inyo.Hindi ko alam kung nagsesermon na si Tito o nagtatanong lang talaga.Diretso naman si Kuya Bren sa kusina at pagbalik ay may dala na itong baso na may lamang tubig at saka pa lang sinagot ang tanong ni Tito. Dad,actually sa malapit lang sana na cafè kami pupunta.Kaso nagkayakagan sa mall.So ayun nagpahangin, naglaro kumain. Paliwanag ni Kuya. And Ma kaya kami nagpagabi na din kasi ayaw pa naman namin umuwi. Minsan minsan lang kami magsamasama nito nila kuya Zach tapos uuwi agad tayo.And sorry for that Ma.Paliwanag ni Arken kay Tita Madel.At binigyan pa ng kiss si Tita sa pisngi kaya naman hindi na ito nakagalit. Wala namang babe searching na naganap Brennan Zachary?Kilala na kita.Baka ikaw pa ang promotor sa inyo.Ikaw ang pinakamatanda baka ikaw pa ang pasimuno. Nakikita ko naman ang reaction nina Kuya Bren habang nagsasalita si Tito Dan. Mukhang walang gustong umamin.Dad,grabe ka naman sa pinakamatanda.One year lang naman lamang ko kay Manang Yumi.Pero syempre wala po.And besides hindi po kami ang maghahanap dahil kami ang hahanapin ng mga girls,diba. Pero kita kong sabay sabay silang nag iwasan ng tingin matapos sumagot ni kuya Bren. O sya sige sabi mo e.But that doesn't mean that i believed you.Maupo na kayo at ng makakain na kayo.Pag aalok ni Tito Dan pero tumanggi na sina Kuya Bren dahil busog pa daw sila.Nagpaalam na din sila na aakyat na sa kwarto para makapaglinis ng mga katawan nila. Napailing na lang sina Tito at Tita sa kani kanilang mga anak.Wala ng nakapagsermon dahil umalis na sila sa harap namin.Tinapos na lang din namin ang pagkain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD