Matapos ang hapunan ay lumipat naman kami sa sala.Ipinagtimpla kami ni Manang ng tsaa at kape habang nagkukuwentuhan. Kwentuhan na hindi matapos tapos nina Tita Karen.Hindi din sila matapos tapos sa pagpaplano.Napapaisip tuloy ako kung matutuloy nga kaya sila o hanggang plano na lang.
Nang maubos ang mga iniinom nila ay nagpaalam na din sila na aakyat na para magpahinga.Hindi ko na sila pinigilan dahil ngayon pa lang kami magsisimulang makatulog ng maayos ayos.Ngayon pa lang kami magsisimulang bawiin ang mga lakas na nawala sa mga katawang lupa namin dala ng labis na puyat at pagod simula ng burol si Papa.
Anak mauna na kami sa taas.Sa kwarto ko na lang ikaw matulog para may katabi ako at para hindi ka na makisiksik sa mga pinsan mo sa kwarto mo.Tumango na lang ako bilang pagsang ayon kay Mama.
Hindi ka pa ba aakyat Yumi?Tanong ni Tita Carol.Maya maya na po ako Tita.Ubusin ko lang po itong tsaa ko.Goodnight po sa inyo.
O sige pero habang wala ka pa,don muna kami sa kwarto ng Mama mo.Ngumiti na lang ako kay Tita.
Sabay sabay na silang umalis.Ako naman ay nagpaiwan.Mamaya na ako aakyat. Humigop ako ng tsaa. Pinasadahan ko ng tingin ang loob ng bahay.Bukas pa ang lahat ng ilaw. Malaki ,maliwanag, kumpleto at magaganda ang mga gamit. Centralized aircon.May maluwang na sala. Magaganda ang mga sofa.May malaking chandelier na nakasabit sa ceiling ng pinakagitna ng sala.Napadako naman ang tingin ko sa second floor ng bahay.Kwarto at guestrooms ang nandoon. Meron din entertainment area. Doon din nakalagay ang malaking Tv.Doon kami nagtatambay nina Papa.
Nanonood kami ng movie, nagkakantahan, naglalaro din kami ng mga video games.Sa pag ikot ng mata ko,huling nahagip ng mata ko ang family portrait namin na nakasabit sa dingding pag akyat ng second floor. Napatitig at nagtagal ang paningin ko doon o mas tamang sabihin na sa picture lang mismo ako ni Papa nakatitig.Kahit malayo ito sa kinapupwestuhan ko ay kitang kita ko pa din ang hitsura ni Papa.Napakagwapo nito. Napakaganda ng ngiti.Ngiti na mababanaagan mo ng pagiging kontento. Kontento dahil andon kami ni Mama sa tabi nya.Napakasarap tingnan.Ganon din ang ngiting nakikita ko sa kanya sa araw araw. Kahit nakakaramdam ito ng pagod galing trabaho.He never fails to give us his sweet smile.Smile na simula ngayon ay hindi ko na masisilayan ng totoo. Napangiti ako ng pagak ngunit kasunod noon ay ang unti unting panlalabo ng aking mata.Nahilam na ito dahil sa paglabas ng mga luha sa aking mata. Naglandas ito sa aking mga pisngi at hinayaan ko lang ito habang nakatingin pa din sa portrait. Pakiramdam ko ngayon kahit gaano pa kalaki ang bahay namin at kahit gaano pa kamamahal ang mga gamit namin ay may kulang .Kulang na hindi materyal na bagay dahil si Papa ang kulang.Yung presence nya ang kulang .Presence nya sa bahay at presence nya sa buhay namin. Itinaas ko ang binti ko sa sofa at niyakap ko ito.Isinubsob ko ang ulo ko sa tuhod ko habang patuloy sa pag iyak. Namimiss ko na agad si Papa.Tatlo na nga lang kami tapos umalis pa agad sya.
Parang nakakatampo ka naman Papa.Bakit kasi umalis ka agad.Willing naman kami alagaan ka.kahit maubos tayo.Kahit maubos ang lahat sa atin gumaling ka lang.Sana lumaban ka pa. Nasabi ko na lang sa isip ko habang patuloy sa pag iyak.Iyak na naging hagulgol.At sa mga oras na yon wala na akong pakialam kung may makarinig man sa pag iyak ko.Paano na kami ngayon na wala na siya.Iba pa din yung nandito sya at kasama namin ni Mama.Lalo kong naramdaman ang kalakihan nitong bahay. Dati kasi parang wala lang sa akin kung malaki ito o hindi.Basta ang mahalaga sa akin kasama ko sina Mama at Papa.Yung nakikita ko sila pareho dito sa loob ng bahay. Pero ngayon alam kong kahit anong gawin kong pag iyak ,kahit maubos ang luha ko alam kong hindi na babalik si Papa.Hindi na magiging katulad ng dati.Sana lang sapat yung pagmamahal na naiparamdam ko sa kanya nung nabubuhay pa sya dahil yung pagmamahal na ibinigay nya sa akin ay sobra sobra.Maging kay Mama.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa ganong posisyon habang umiiyak.Hindi ko alam kung nakatulog na ba ako o ano.Basta naramdaman ko na lang na tumigil na ko sa pag iyak.Tumigil ang pag daloy ng luha sa aking pisngi.Hindi ko alam kung nasaid o ano.Tiningnan ko ang oras sa suot kong
relo na regalo ni Papa.Malapit ng mag alas dose ng gabi.Nagpasya na akong pumunta na sa kwarto ni Mama para makapagpahinga na din.Pagtapat ko sa portrait namin ay tumigil pa ako at hinaplos ang mukha ni Papa.Hindi ako nagsasalita.Basta hinahaplos ko lang ang picture niya. Naramdaman kong unti unting bumibigat ang aking paghinga at nararamdaman kong malapit na naman bumagsak ang luha ko kaya umalis na ako.