Dumiretso muna ako sa kwarto ko.Dahan dahan kong binuksan ang pinto dahil siguradong mahimbing pang natutulog sina Ate Jazz.Pero pagpasok ko ay gising na sila.
Nakaupo na sa gilid ng kama habang nagsusuklay si Ate Jazz,si Ate Hannah naman ay naka indian sit sa gitna ng kama at si Dominique ay lumabas galing banyo. Halos magkakasingtanda naman kami nasanay na lang ako na tawagin silang ate.
Nagugutom ba kayo?Magpapahain ako kay Manang.Tanong ko agad sa kanila.Sige Yums okay lang ba?Nagugutom na talaga kami e kaya din nagising kami kasi nag aalburoto na yung mga tiyan namin.
Hindi ba nakakaabala kay Manang kasi anong oras na baka nagpapahinga na sila?Pwede naman na kami na lang.Sabi ni ate Hannah na umalis na sa pagkaka indian sit at bumaba na sa kama.
Okay lang Ate.Baka nasa kusina pa sila Manang.Minsan kasi nawiwili sila sa panonood ng tv lalo si Ate Isay.O kung wala na sila ako na lang mag aasikaso sa inyo. Ginigising ko kasi kayo kaninang dinner kaya lang hindi talaga kayo magising kaya hinayaan na lang muna namin kayo matulog. Tulog mantika pa din talaga kayo. Biro ko sa kanila.
Niyaya ko na sila bumaba at habang naglalakad kami ay ininform ko na sila na sa kwarto ni Mama muna ako matutulog.
Pagdating namin sa kusina ay naabutan pa nga namin sina Manang at halos kakatapos lang daw ng pinapanood nila.Maganda daw kasi kaya inabot sila ng ganong oras.Kaya bago sila umalis ay ipinaghain na muna nila sina Ate Jazz.Sinabi naman ni Dominique na sila na ang bahalang magligpit pagkatapos nilang kumain kaya pagkatapos maipaghain ay umalis na din sina Manang.Ako naman ay nagpaalam na aakyat na ulit sa kwarto para makapaglinis na ng katawan.Iniwan ko na sila na nagsisimula ng kumain.
Ternong plain na kulay dark green na pantulog ang sinuot ko.Umupo ako sa harap ng vanity mirror.Ginawa ang facial night routine,nagsuklay.Napansin ko din sa harap ng salamin na medyo nangangalumata na ako saka medyo iba yung kulay ng paligid ng mata ko.Siguradong dahil sa puyat.Nang makontento sa pagtingin sa salamin at nakita ang mga naging epekto ng puyat sa mukha ko ay nagpasya na akong pumunta sa kwarto ni Mama.Hindi ko na pinatay ang ilaw at aircon dahil aakyat na din naman sina Ate Hannah after nilang kumain.Pakiramdam ko kasi sa kanila ay mga antok na antok pa.Nakaramdam lang ng gitom kaya napilitang gumising.
Pagpasok ko sa kwarto ni Mama ay mahimbing na itong natutulog.Inayos ko muna ang kumot niya bago ako humiga. Nakahiga na ko pero nakatitig lang ako sa kisame. Napapabuntong hininga ng malalim. Ayoko na muna mag isip.Siguro malimit dito na muna ako tutulog para may kasama si Mama.Alam kong dadating yung mga gabi na iiyak at iiyak si Mama lalo at sila naman ni Papa ang magkatabi palagi.Ayoko na muna isipin ang bukas,kung paano kami magsisimula.Sasabay na lang kami sa agos.Bahala na.Alam ko naman na hindi kami pababayaan ng Diyos. Andyan din naman ang mga kapatid ni Mama at Papa.Tumagilid na ko ng pwesto at ipinikit ang mata.
Maaga pa din ako nagising kinabukasan dahil uuwi na sina Tita Carol.
Wala na sa tabi ko si Mama paggising ko.Naupo muna ako sa gilid ng kama at pinuyod ang buhok.Nang matapos ay lumabas na ko at pumunta naman sa kwarto ko para mag ayos ng sarili.Tulog na tulog pa din ang mga pinsan ko.Nang matapos ay bumaba na ako at dumiretso sa kusina. Naabutan ko sina Mama na nag aalmusal na.
Good morning po.Bati ko sa kanila.Sabay sabay silang napatingin sa akin at binati din ako.
Good morning din anak.Lika na upo ka na para makakain ka na din.Pag alok ni Mama.
Binigyan ako ni Manang ng plato.Good morning Manang.Bati ko ng mailapag ang plato sa harap ko.
Good morning anak.Teka at ititimpla kita ng kape.
Dahan dahan inilapag ni Manang sa tabi ng plato ko ang tinimpla nyang kape.
Thank you Manang.Tinapik na lang ako ni Manang sa balikat.Manang sabay na po kayo ni Ate Isay sa amin.Pag aalok ko.
Naku Yumi kanina pa namin pinipilit sina Manang na sumabay na sa pagkain.Kaso ayaw naman talaga.Mamaya na daw sila . Wika ni Tita Pearl.
Oo Yumi mamaya na lang kami ni Isay. Madami pa kaming gagawin. Mauna na kayo.Okay lang kami. Ngumiti si Manang at bumalik na sa kusina.
Tita akala ko po maaga kayo uuwi bakit po wala pa sina Lester dito?
Hay naku, ewan ko nga ba kung anong oras kami makakauwi nito. Mukhang ayaw pa talaga umuwi e.Pano mag i stay pa dito sina Zach.
Nagets ko naman yung point ni Tita.
E di iwan nyo na lang muna sila dito. Kayo na lang muna po ang umuwi. Hayaan nyo po muna makabonding sina kuya.Suggestion ko.
Oo nga Carol tama si Yumi.Mabuti pa nga iwan mo na muna sila dito.Okay lang naman sila dito.Kayo na lang ni Madel ang umuwi. Sang ayon ni Tito Dan sa sinabi ko.Maging si Mama ay sang ayon sa sinabi namin ni Tito Dan.
Wala agad naging sagot si Tita Madel. Marahil ay iniisip muna kung ano ang magiging desisyon nya.
O sya sige na nga kesa ma stress ako ng ma stress sa pag uwi namin.
Pwede din naman na dito din muna kayo umuwi after ng mga kaylangan nyong ayusin habang andito pa kami.Suggestion ni Tita Karen.
Sumang ayon naman sina Tita Madel sa sinabi ni Tita Karen.Aayusin na lang daw nila ang mga aayusin at dito ulit sila sa bahay uuwi.
Makatapos ang almusal ay umalis na nga sina Tita Carol at Tita Madel.Hindi na sila nagpaalam sa mga anak nila dahil tulog pa ang mga ito. Isa pa dito din naman daw sila uuwi pagkatapos ayusin ang mga dapat ayusin.Alam kong natuwa din si Mama sa naging desisyon nina Tita Madel.At least may kasama pa kami ni Mama kahit ilang araw pa.