CHAPTER 16

1248 Words
Haayyy.Sabay inat inat ko ng braso at pagkatapos ay napahawak ako sa balakang ko at minasa masahe.Mahirap din ang laging nakaupo,nakakangalay din.Mabuti na lang at wala ng pasok bukas makakapahinga na ako. Ilang beses din ako pumasok ng araw ng Sabado, pambawi don sa naging leave ko. Choice kong pumasok ng Saturday,wala din naman ako gagawin sa bahay at hindi naman maghapon.Pagkatapos mag inat ay bumalik ang mata ko sa papel na binabasa.Nakarinig ako ng pagkatok. Pagtunghay ko ay nakapasok na si Tonie at papalapit na sa table ko. Kung makikipagchikahan ka lang pwede mamaya na sa lunchbreak kasi may tinatapos pa ako.Prangkang sabi ko kay Tonie. Exactly,lunchbreak na po.Actually late na nga tayo o 12:10 na. Bigla tuloy ako napatingin sa wristwatch ko.Only to find out na oras na nga ng lunch. Ano tara na po Ma'am.Nag iintay na yung dalawa.Baka pag tumagal tagal pa tayo e sunduin na tayo dito. Alam mo naman ang dalawang yun masyadong mainipin.Ayaw ng naghihintay gusto sila lang ang hihintayin. Kinuha ko na ang wallet at cellphone ko at lumabas na kami. Akala ko kaylangan pa kayong sunduin ng banda bago kayo lumabas e. Antagal ah. Si Max na sa tono ng salita ay nagrereklamo na at naiinip na agad. Eto kasing si MA'AM ALIE. Inemphasize talaga yung name ko. Focus na Focus na naman sa work. Di na naman nakamalay ng oras.Paliwanag ni Tonie habang naglalakad kami. Sya bilisan nyo na maglakad kung talagang gutom na kayo..Pag aya ko.Wala naman ng nagsalita at dirediretso na kaming naglakad. Nakafocus lang kami sa aming mga pagkain. Walang kumikibo. Mukhang gutom nga sila.Naging pabor naman sa akin dahil hindi kami magtatagal at makakabalik din agad sa aming pwesto.Pero nagkamali ako.Akala ko ay matatapos kaming kumain ng walang kwentuhan.Akala ko lang pala yun. Gala tayo after work.Walang pasok bukas kaya sumama ka.Sabay tingin sa akin ni Max.Ngayon ka lang ulit makakasama sa amin kaya wag ka ng tumanggi.Ito na nga ba ang sinasabi ko e. Napainom tuloy ako ng tubig. Pwede bang pass muna ako.Sa sunod na lang ako sasama.Gusto ko muna magpahinga ngayon.Bawi ako next time.Andami ko talagang pagod ngayon e.Next time.promise. Itinaas ko pa ang kanang kamay ko na parang nanunumpa. Walang nagawa yung tatlo kundi angq pumayag sa desisyon ko.Sinabi mo yan ha NEXT TIME.Inispell pa ni Andhie ang N E X T T I M E.Oo nga ang kulit. Naninigurado lang.Nagkibit balikat na lang ako.Tumayo na din kami ng matapos na kami kumain.Papalabas na kami ng canteen ng makasalubong namin si Sir Mendez.Alie. Good afternoon Sir.Bumati din sina Tonie kay Sir. Hindi pa ako nakakapasyal sa iyo. Don't worry basta papasyalan kita.May ipapakilala pati ako sa yo.I just wait for him to come back.Uuwi na daw sya dito sa Pinas. He's a good friend of mine don't worry. Ahh....okay Sir.Yun na lang ang nasabi ko kay Sir Mendez.Para kasing nabigla ako. Yung tatlo ko namang kasama ay parang ewan ang mga hitsura at halatang nagpipigil sa pagtili dahil kaharap pa namin si Sir Mendez. O sya,sige at medyo late na ko sa lunch. Paalam ni Sir. Yiiiiiiiii. Sabay sabay na tili ng tatlo pagkatapos kaming iwan ni Sir Mendez.Ano kayang hitsura non? Ang sabi ni Sir He daw so ibig sabihin guy yun.Gwapo kaya ? Tanong agad ni Andhie.Baka naman matanda na o kaya balo. Sabat naman ni Max.Ikaw talaga syempre gwapo yun sigurado.Sabi ni Andhie na akala mo siguradong sigurado. Friend daw ni Sir Mendez e.Ilang taon na ba si Sir?Hirit ni Max. Ay nako,tara na at oras na ng trabaho. Puro kayo hakahaka. Nakakaabala pati tayo sa mga pumapasok o.Napatingin naman yung tatlo sa lugar kung nasaan kami .Nang marealize na nakaharang pala kami sa pinto ng canteen ay dali daling mga naglakad paalis .Humingi na lang kami ng pasensya. Pagbalik namin ay may naghihintay sa tapat ng pinto ng office. Good afternoon Maam Alie papapirmahan ko lang po ito. Ikaw pala Sandy.Sorry di kita nakilala agad. Okay lang po yun Maam Alie. Magkasunod kami pumasok ni Sandy. Pagkaupo ko ay binasa ko ang dala nyang papel at pinirmahan pagkatapos. Lumabas na din naman si Sandy pagkabigay ko sa kanya ng papel. Nang oras na ng uwian ay kinatok ako ni Max at tinanong kung sasabay ako sa kanila pag uwi pero sinabi kong hindi kaya umuna na sila.Ipinagpatuloy ko naman ang aking ginagawa. Alas sais ng magdecide akong umuwi. Tinext ko din muna si Mama at sinabing uuwi na ako, bago ako lumabas ng office. Kakababa ko lang sa kotse ng dumating naman si Mama kaya hinintay ko na sya para sabay na kaming pumasok sa loob. Good evening Ma.sabay halik sa kanyang pisngi.San ka po galing? Good evening din anak. Galing ako sa Resto at nakipagkita ako kay Kuya Dan. Nagkukuwento si Mama habang naglalakad kami papasok kaya hindi ko namalayan na nandito na kami sa tapat ng kwarto nya. Dumiretso na sya ng pasok ako naman ay dumiretso na din sa kwarto ko.Nilapag ko ang bag ko sa kama.Kumuha ng pamalit na damit at saka pumasok sa banyo.Mabilisan akong nagshower.Nang makapagbihis ay nagsuklay at bumaba na. Magandang gabi Manang ,Ate isay.Bati ko pagdating ko sa kitchen. Maganda pa tayo kahit gabi na Maam Yums. Masayang sagot sa akin ni Ate isay. Wow ang sarap ng ulam.Naibulalas ko pagkakita ko sa ulam.May chopsuey. tonkatsu at beefsteak.Naupo na din kami at nagsimulang kumain. Ma, punta tayo kay Papa bukas.Kung wala kang gagawin.Pag aya ko. Sige anak.wala naman nga akong gagawin.At saka kahit naman may gagawin ako,syempre uunahin ko yung pagdalaw sa Papa mo. Okay po pero sa hapon tayo pumunta kasi gusto ko muna matulog.Ate isay wag mo ko gigisingin bukas ha.Pag inform ko na kay ate isay. Sure Maam Yums.Lakas mo po sa akin..O Manang you heard that ,wag daw po gigisingin si Maam Yums. Oo hindi ako bingi Isay.Ikaw talaga. Baka lang po hindi mo nadinig kaya inuulit ko lang po.Palusot pa ni Ate Isay. Wag na magpalusot Isay at hindi ka naman makakalusot.Nagpeace sign na lang si Ate Isay kay Manang na ikinatawa naman namin. Natapos ang dinner at busog na busog na naman kami.Busog sa pagkain at sa masayang kwentuhan. Mabuti na lang talaga sina Manang at Ate Isay ang naging kasambahay namin.Dahil sobrang kampante na kami sa kanila.Napakabait nila Pagpasok ko sa kwarto ay syang tunog message tone ng cellphone ko. Tiningnan ko kung sino at nagulat ako ng makita ko ang pangalan ni Earl.Kaya naman dali dali akong umupo sa kama at binuksan ang message. Earl: Hi Alie.How are you.See you on monday. I miss you.Napangiti ako sa message ni Earl. Smilling emoji na lang ang isingot ko sa kanya at ibinaba na ulit ang cellphone sa side table.Pumasok na ako sa banyo para magtoothbrush.Yun na lang ang gagawin ko dahil nakapagshower naman na ako pagkadating kanina galing office. Gustong gusto na ng katawan ko ang mahiga. Masyado na akong inaanyayahan ng kama at ng blanket ko.Kaya naman pagkalabas ng banyo ay nagsuklay lang ako ng kaunti.In off ang ilaw at binuksan ang lampshade at sumampa na sa kama.Hindi na muna ako nag lagay ng kung ano ano sa mukha ko. Nag inat muna ako ng kaunti.Ang sarap sa pakiramdam pag naiistretch ang mga braso. Humiga na ako at nagkumot. Malapit ng mag isang oras ay hindi pa din ako nakakatulog kahit nakapikit na ako.Gising na gising pa din ang aking diwa kaya bumangon ako at kinuha ang binabasa kong libro. Sumandal ako sa headboard at nagsimulang magbasa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD