CHAPTER 18

962 Words
Good morning Maam Alie. Bati ni kuyang guard. Good morning din po.Dirediresto na akong pumasok. Binati din ako ng receptionist. Masyado din kasing masayahin yung receptionist.Sumakay na ko sa lift. Hindi pa ako nag aalmusal.Hihintayin ko pa sina Andhie para sabay sabay na kami.Pagpasok ng office ay ibinaba ko ang bag ko sa table. Naupo muna ako at in on na din ang computer habang wala pa yung hinihintay ko. Nakakaramdam na ako ng gutom kaya kinuha ko ang cellphone ko sa bag para itext na sina Andhie.Busy ako sa pagtatype ng maramdaman kong bumukas ang pinto at nagulat ako ng pagtunghay ko para tingnan kung sino ang nagbukas dahil si Earl ang nasa harap ng pinto. Dirediretso syang pumasok at naglakad palapit sa akin.Sabay namin nabanggit ang pangalan ng isa't isa. Napatayo ako at hinintay syang makalapit. Humalik sya sa pisngi ko.How are you? I missed you.Niyaya ko syang doon kami maupo sa recieving area. Pagkaupong pagkaupo naman ay Sunod sunod na tanong agad ang ibinato ko sa kanya.Bakit ngayon lang kita nakita?San ka galing?Nagleave lang ako gumaya ka naman. Relax Alie.Ang sungit mo na agad.Isa isa lang ang tanong.Anyway,Sorry.May pinaasikaso kasi si Mommy sa akin.Paunang pagkukuwento ni Earl.How's Tita by the way? Okay naman.Well,she needs to be.Hindi naman maiiwasan na malungkot at maalala nya si Papa.Don't worry magiging okay din sya.And ano naman pinaasikaso sa yo ni Tita aber? Kumain ka na ba?Ako kasi hindi pa. Biglang tanong nya at pag iiba nya sa usapan. Feeling ko tuloy ay halatang umiiwas sya na sagutin ang tanong ko.Hindi pa nga pero sasama ako sa yo kung sasagutin mo muna ang tanong ko.Seriously Alie, blackmailing na yan ha?Hindi naman ako nagpatinag. E di hindi kita sasamahan, hintayin ko na lang sina Tonie. Walang nagawa si Earl kaya pumayag na din. Okay,Okay,sasabihin ko sa yo sabayan mo na lang ako kumain kasi gutom na talaga ako. Sabay na kaming tumayo.Kinuha ko ang wallet ko sa bag at sabay na kaming naglakad palabas ng office. Si Earl na ang umorder ng pagkain namin. Magkaharap kami sa table at nagsisimula na kaming kumain nang tanungin ko ulit sya.So anong nangyari at ngayon ka lang nagpakita? Napatigil sa pagkain si Earl.Hindi ka talaga matatahimik hanggang hindi ko sinasagot yang tanong mo? As you promise.Sasagutin mo ko kapag sinamahan kitang kumain.Binitawan nya ang hawak na kubyertos at nagpunas ng bibig. Tumigil din ako sa pagkain at handa ng makinig sa kanyang sasabihin. Dumating kasi galing ibang bansa yung close friend ni Mommy kasama yung anak nya. Panimula ni Earl. Nakiusap si Tita Patricia at si Mommy na samahan ko muna yung anak ni Tita kasi ngayon lang sya nakarating uli dito.The last was when she's 12 or 13 years old.She's now 23.Sorry if I didn't informed you about that. May sarili kasing lakad sina Mommy so I had no choice. Anak ng friend ng Mommy mo?You mean yung childhood friend mo yung dumating na sinasabi mong may gusto sa yo?Tanong ko bilang pagkumpirma kay Earl. Oo, pero wag kang magalit kasi alam mo naman na wala lang sya sa akin.Ikaw ang gusto ko. Sinaway ko naman agad si Earl sa sinabi nya. Ano ka ba don't say that.Wag mong sabihin na wala lang sya.Childhood friend mo nga sya diba.Ibig sabihin mga bata pa lang kayo magkaibigan na kayo.Dapat tinitreasure mo yung mga ganon.Paliwanag ko. That's not my point.Ofcourse I treasure her because she's my friend,what I mean is don't get jealous with her.Ikaw yung nililigawan ko. Hindi ko lang talaga mahindian si Tita Patricia. Natawa ako sa sinabi ni Earl. May nakita ka ba sa mukha kong nagselos ako? No hurt feelings promise.Itinaas ko pa ang kanang kamay ko na parang nanunumpa. E bakit naman daw sya nandito?And what's her name again? Emery.Vacation.Hindi ko naman na naituloy ang itatanong ko dahil biglang dumating sina Maxeenne. Hi Sir Earl.Mabuti naman po pumasok na kayo.Nag alala kaya si Maam Alie kasi pagpasok nya ikaw naman ang wala.Halos lumuwa naman na yung mata ko sa pagtitig kay Maxeene para patigilin ito pero hindi ko alam kung hindi lang sya makahalata o ayaw nya lang talaga paawat sa pambubuking sa akin.Lagot ka sa kin mamaya.Nasabi ko na lang sa isip ko. Naging close na din kasi nina Andhie si Earl simula ng manligaw ito sa akin. Manager si Earl ng housekeeping. Ang mabuti pa kumain na kayo kesa nanggugulo kayong tatlo .30minutes na lang at start na ng trabaho.Dapat nakabalik na kayo agad dahil isususpend ko na talaga kayo. Pagkarinig sa sinabi ko ay dali dali naman silang umalis. Parang nailang tuloy ako bigla kay Earl after akong ibuking ni Maxeenne. Nagkahiyaan tuloy kami sa isat isa.O siguro ako lang yung nakaramdam noon.Pero ako na din ang unang bumasag ng silence. Ahm, siguro mas mabuting bigyan mo ng time si Emery habang nandito sya.And siguro mas okay kung ipakilala mo din sya sa akin para naman dalawa na tayong kakilala nya dito diba. Nagulat si Earl sa sinabi ko.Seryoso ka Alie. At mukha ba kong nagbibiro? Itinuro ko pa ang sarili ko.Of course seryoso ako.Napailing na lang si Earl at tinapos na lang ang pagkain.Nagkibit balikat na lang ako at nagpatuloy na lang din sa pagkain.Umalis na din kami pagkatapos namin kumain. Kumaway pa sina Andhie sa amin.Hinatid ako ni Earl sa office.Hatid kita mamaya pag uwi.Wag na,may dala naman akong sasakyan.Pagtanggi ko.O di ipagdadrive na lang kita.I insist. Napabuntong hininga na lang ako.Sige na nga .Ang kulit mo kasi. O sya sige na pumunta ka na sa office mo at asikasuhin mo na mga tao mo baka nagkakagulo na.Pagtataboy ko. Alam mong hindi mangyayari yan dahil masisipag at responsible ang mga tao ko na hinahire mo. Humalik muna sya sa pisngi ko bago tuluyang lumabas ng office ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD