Chapter 1-ONE NIGHT ONE SECRET
"One Night, One Secret: Nahuli sa Kaligayahan"
Isang accidental encounter, isang boss, at isang anaconda—hindi, hindi ito isang biro!
Walang lovelife si Alexa Fernandez. Isang simpleng hotel cleaner na mas inuna ang pamilya kaysa sa sarili. Pero isang gabi, nagbago ang lahat. Habang akala niya'y naglilinis lang siya ng isang condo, nahulog siya sa isang mundo ng mga lihim, nakakagulat na tanawin, at—isang anaconda na hindi lang basta symbol ng kaligayahan, kundi ng mga komplikasyon!
At sino ang magiging dahilan ng lahat ng ito? Ang masungit at pihikang billionaire na boss niyang si Oliver Vergara. Isa siyang hotshot na hindi kailanman nakikialam sa mga empleyado, ngunit sa isang aksidenteng pagkikita, lahat ng rules ay nagbago.
Puwede bang magtagal ang trabaho ni Alexa? O baka naman, may mas malalim na secret pa silang kailangang pag-usapan?
Hindi lang simpleng boss-employee ang relasyon nila. Maghihintay ka na lang ba ng isa pang “accidental” encounter?
Huwag palampasin ang kwento ng mga pagkakamali, lihim, at kung paano magsisimula ang isang hindi inaasahang love story... O baka hindi pa nga love story ang tawag dito—pero kilig, tawanan, at sakit? Siguradong aabot sa "One Night, One Secret"!
Mark your calendars. Kilig and drama in one book.
*******
Mali Pero Nakakatawa
Alexa:
Nagmamadaling naglakad si Alexa sa hallway ng penthouse floor, hawak ang mop at balde. Pinapawisan na siya kahit malamig ang aircon. Sabi ni ate Letty, isang cleaner na matagal na sa hotel, kailangan niyang maglinis sa Room 1908. First time niya sa floor na ito, kaya medyo kaba-kaba siya.
“Hoy, Alexa! Bilisan mo, ha? Special guest yan! Wag kang magkakalat,” sigaw ni ate Letty bago siya sumakay ng elevator.
Alexa:
“Special guest? Bakit ang dami namang arte dito?” bulong niya sa sarili. Naghanap siya ng Room 1908. Nang makita ang pintuan, sinilip niya ang checklist. Tama ang numero. Kumatok siya ng tatlong beses, gaya ng training. Tahimik.
“Okay, baka nasa meeting,” sabi niya. Binuksan niya ang pinto gamit ang master keycard at pumasok.
Pagpasok:
Pagkasara pa lang ng pinto, naamoy agad niya ang mamahaling cologne. Pero may kakaiba. Nakabukas ang ilaw sa kwarto, pero wala siyang naririnig na tao. Sinimulan niyang magpunas ng mga mesa at mag-vacuum ng carpet.
Nang matapos, binuksan niya ang pintuan ng kwarto para linisin ang loob. At doon siya napahinto.
Alexa:
“HOLY MOP!” Napasigaw siya nang makita ang isang lalaki—walang suot na pang-itaas—nakahiga sa kama, nakapikit, at mukhang… busy. Sobrang busy.
Napamulagat siya. Hawak-hawak ng lalaki ang isang libro na mukhang erotica at tila nasa kalagitnaan ng kung anong ginagawa habang nagbabasa.
Oliver:
Biglang napadilat si Oliver Vergara. “ANO KA BA?!” Sigaw niya. Tumalon siya mula sa kama at hinila ang kumot para takpan ang sarili. “Sino ka?! Anong ginagawa mo dito?!”
Alexa:
“Ako po yung cleaner!” Nanginginig ang boses ni Alexa, pero hindi niya mapigilan ang titig. “Nasa checklist ko po kayo!”
Oliver:
“Checklist?! Checklist ng katangahan?!” Napamura si Oliver.
Alexa:
“Pasensya na po, Sir! Akala ko po walang tao!” Tumakbo si Alexa palabas pero nadulas siya sa sarili niyang mop. “Aray ko, Lord!”
Habang gumagapang palabas, sinarado ni Oliver ang pintuan. Pero hindi ito ang katapusan. Bumukas ang pinto, si Oliver nakatayo, naka-boxers, at galit na galit.
Oliver:
“Next time, siguraduhin mong nasa tamang kwarto ka. At PAKIUSAP, wag kang tumitig na parang may multo!”
Alexa:
“Opo, Sir! Pasensya na talaga!” Nakatayo na siya pero nanginginig pa rin. “Ano po kasi, Room 1908 po kasi ang sabi ni ate Letty—”
Oliver:
“Room 1908 ito! Pero HINDI KO KAILANGAN NG CLEANER NGAYON!”
Alexa:
Napanganga si Alexa. Tiningnan niya ulit ang checklist. At doon niya nakita ang maliit na sulat kamay: Do not enter if guest is inside. Napangisi siya. “Noted po, Sir! Salamat sa paalala!”
Umalis siya ng mabilis, pero hindi pa rin napigilan ang tawa sa loob ng elevator.
“Si Sir Hot Boss pala yun? Ay wow… jackpot, Alexa. Jackpot sa kahihiyan!”
Pagkapasok sa elevator, napasandal si Alexa sa dingding, pero halatang hindi siya mapakali. Pinipilit niyang huminga nang maayos, pero parang may nakabara sa lalamunan niya—at hindi iyon ang mop o ang checklist na hawak niya.
“Anaconda…” bulong niya sa sarili habang nakatingin sa kisame, parang nagdarasal ng divine intervention.
Nanginginig pa rin ang kamay niya habang inaabot ang pindutan ng ground floor. Pilit niyang iniisip ang iba—mga labada, utang sa kuryente, grocery list—pero hindi talaga mabura sa utak niya ang eksenang nasaksihan kanina.
“Grabe… ang laki…” Napapikit siya, pero lalo lang lumilinaw sa isip niya ang nakita. Napahawak siya sa noo, halatang napapraning. “Hindi yun totoo. Baka guni-guni lang,” pilit niyang inaalo ang sarili.
Pero kahit anong pilit niyang burahin sa isip ang imahe ni Oliver Vergara at ang kanyang... bitbit, lalong bumabalik ito na parang slow-motion scene sa pelikula.
“Lord, bakit mo ako pinahintulutang makita yun? Di naman ako handa.”
Bigla siyang napahagikhik sa sarili, pero kinagat niya ang labi para pigilan ang tawa. Ayaw niyang magmukhang baliw sa CCTV ng elevator. Napailing na lang siya, sabay bumulong:
“Kung ito ang magiging dahilan ng heart attack ko, tanggap ko na.”
Pagdating ni Alexa sa staff quarters, dire-diretso siyang pumasok sa maliit na utility room at inilapag ang mga bitbit—mop, balde, at vacuum cleaner. Pero habang nag-aayos, tila may sarili siyang mundo. Nanlalambot pa rin ang tuhod niya at parang nawalan ng lakas sa bawat hakbang.
“Anaconda...” muling bulong niya, sabay napahawak sa dibdib na parang may sakit sa puso. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nakita kanina. Parang eksena sa isang forbidden movie na aksidenteng napindot sa remote.
Sinubukan niyang mag-focus. Kumuha siya ng basahan at nagsimulang magpunas ng mga shelf, pero hindi pa rin siya mapakali. Tuwing ipipikit niya ang mga mata, bumabalik ang imahe ni Oliver—walang suot pang-itaas, may hawak na libro, at... “Huy, Alexa! Wag ka nga mag-isip ng masama!” Pinilig niya ang ulo para iwaksi ang imahinasyon.
Biglang bumukas ang pinto.
“Hoy, Alexa!” boses ni ate Letty na ikinagulat niya. Napatalon siya at muntik nang mahulog ang hawak na basahan.
“Ate Letty! Diyos ko naman! Puwede bang kumatok ka muna?” reklamo niya habang hinahabol ang hininga.
“Ano ba? Pinapatawag ka ni Sir Oliver,” sabi ni ate Letty na may halong panunukso ang ngiti. “Mukhang may atraso ka, ha? Ano na naman ang pinasok mong gulo?”
Biglang kinabahan si Alexa. “Si Sir Oliver?” Nalunok niya ang sariling laway. “Bakit daw ako pinapatawag?”
“Eh di mo ba alam? Nalaman daw niya na nilinis mo yung kwarto niya. Ang tanong, bakit? Wala ka naman sa schedule doon, di ba?”
Namula si Alexa at nagpa-panic na sa loob. “Ate, mali kasi ng room number na binigay mo!” bulong niya, para lang masiguro na walang ibang makarinig. “At saka... ate... nakita ko si Sir Oliver na...”
“Na ano?” Kumunot ang noo ni ate Letty. “Na... ano? May ginagawa?”
Tumango si Alexa nang dahan-dahan, mukha nang naaawa sa sarili. “Oo, ate. Nakita ko siyang... may hawak na libro. Pero hindi yun ang problema.”
Napanganga si ate Letty. “Ano? May hawak na libro? At ano pang nakita mo?!”
Nagdalawang isip si Alexa bago sumagot. “Ate... basta... marami. Ayoko nang balikan. Pwede bang hindi na ako pumunta kay Sir Oliver? Baka kung anong gawin nun sa’kin!”
“Naku, girl. Wala kang choice. CEO yun. Kaya kumalma ka na lang at pumunta na doon. Good luck!” Tumawa si ate Letty bago umalis, iniwan si Alexa na parang gustong matunaw sa kinatatayuan.
Huminga nang malalim si Alexa, pero hindi pa rin mapigilan ang kaba. “Lord, sana naman buhay pa ako pagkatapos nito...”
Nanginginig ang tuhod ni Alexa habang naglalakad sa hallway pabalik sa penthouse ni Oliver. Parang mas lumamig ang aircon, pero ang pawis niya ay tumatagaktak sa noo. Pilit niyang inaayos ang sarili—naglalakad nang diretso, pero halatang parang zombie.
“Kaya mo ‘to, Alexa. Hindi ka papatayin ni Sir Oliver. Hindi pa siya siguro ganun kabrutal.” Pinilit niyang palakasin ang loob, pero tuwing naiisip ang eksenang nasaksihan kanina, bumibilis ulit ang t***k ng puso niya. “Anaconda... Wag mo nang isipin, Alexa! Fokus ka na!”
Pagdating sa pinto ng penthouse, huminga siya nang malalim bago kumatok. Tatlong katok, katulad ng itinuro sa training. Maya-maya, bumukas ang pinto, at sumalubong sa kanya si Oliver Vergara—suot na ngayon ang isang fit na itim na polo, pero kahit ganun, hindi nabawasan ang tensyon sa pagitan nila.
“Pasok,” malamig na utos ni Oliver.
Napalunok si Alexa. “Opo, Sir.”
Pagkapasok niya, sinara ni Oliver ang pinto at tumayo sa harap niya, nakapamewang at seryosong nakatingin. Para siyang ini-scan mula ulo hanggang paa.
“So, ikaw si Alexa Fernandez,” panimula ni Oliver, mababa at mabagsik ang boses. “Yung cleaner na pumasok sa kwarto ko nang walang paalam.”
Napayuko si Alexa. “Pasensya na po, Sir! Akala ko po talaga walang tao! Sabi po kasi ni Ate Letty linisin ko yung—”
“Tumigil ka,” putol ni Oliver, taas-kilay na nakatingin sa kanya. “Hindi na importante kung bakit ka pumasok. Ang importante... kung ano ang nakita mo.”
Namula si Alexa, at napatingin sa sahig. “Sir, promise po, wala akong nakita.”
“Talaga?” Napangisi si Oliver, halatang hindi naniniwala. “So hindi mo nakita yung libro? At hindi mo nakita... ang iba pang bagay?”
Napalunok si Alexa at mas lalong nahiya. “Sir, nakita ko po. Pero swear, wala akong balak ikwento kahit kanino! Kahit kay Ate Letty po, hindi ko sinabi kung ano talaga yung... ano... yung nakita ko.”
Lumapit si Oliver, halos isang hakbang na lang ang layo sa kanya. “Good. Dahil kung may makarinig ng kahit anong kwento mula sa’yo tungkol dito, siguradong may mangyayari. At hindi maganda.”
Nanlaki ang mga mata ni Alexa. “Opo, Sir! Pangako po! Secreto po ito. Wala pong makakaalam kahit kailan!” Halos umiyak na siya sa kaba.
Tahimik si Oliver habang pinagmamasdan siya, parang iniisip kung totoo ang sinasabi niya. Maya-maya, tumango siya nang bahagya. “Fine. Pero tandaan mo, Alexa—isa lang ang usapan natin. Mananatili itong secreto. Kung hindi...”
Napakurap si Alexa. “Hindi po, Sir! Pangako, sikreto po ito hanggang kamatayan!” Napatayo siya ng tuwid, parang sundalong nasa harap ng heneral. “Walang lalabas na kahit ano sa bibig ko!”
“Good,” sagot ni Oliver bago tumalikod at lumakad papunta sa sofa. “Ngayon, lumabas ka na.”
Parang nabunutan ng tinik si Alexa. “Salamat po, Sir! Salamat po talaga!” Mabilis siyang lumabas ng kwarto, halos tumakbo pabalik sa elevator.
Pagpasok sa loob, huminga siya nang malalim at napahawak sa dibdib. “Lord, buhay pa ako.” Napangiti siya, pero nang muling bumalik ang alaala ng “anaconda,” napailing na lang siya. “Alexa, wag na wag mo nang ipagkalat ito. Hindi ka lang mawawalan ng trabaho, baka ipahanap ka pa ni Sir Oliver.”
Pagbagsak ni Alexa sa kama sa staff quarters, akala niya'y tuluyan na siyang makakatulog matapos ang nakakabaliw na araw. Nakatitig siya sa kisame, nakabalot ng kumot, pero kahit anong pikit ng mata niya, hindi siya dalawin ng antok.
“Bakit ba kasi kailangan ko pang makita yun? Sana nagkulong na lang siya ng maayos!” bulong niya, sabay balikwas ng higa. Tumagilid siya, pero hindi pa rin mapakali. Napatingin siya sa maliit na orasan sa tabi ng kama—alas-dose na ng gabi.
Huminga siya nang malalim at pilit kinakalma ang sarili, pero parang may bumubulong sa utak niya. Paulit-ulit na bumabalik ang eksena kanina. At sa gitna ng kanyang pag-iisip, biglang pumasok ang isang linya sa kanyang utak:
“One Night, One Secret.”
Napakunot ang noo niya. “One night, one secret?” bulong niya sa sarili. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang ideyang iyon, pero ramdam niyang may bigat ang mga salitang iyon.
Napaupo siya sa kama, hinawakan ang unan at isiniksik ito sa mukha. “Alexa, ano ba? Tigilan mo na ‘yan! Tulog na, girl! Baka mamaya bangungutin ka pa!” Pero kahit anong gawin niya, hindi niya maalis sa isip ang posibilidad na ang nakita niya kanina ay magiging malaking problema kung hindi niya pagbabantayan.
“Isang gabi, isang sikreto.”
Napailing siya. “Oo na, Alexa. Secreto na nga. Walang makakaalam. Pero bakit parang may kutob akong hindi pa ito tapos?”
Pinilit niyang humiga ulit, nagtalukbong ng kumot, at sinubukang huwag nang mag-isip. Pero sa ilalim ng kumot, bumulong siya:
“Kung ito man ang magiging sikreto ko habang buhay... Lord, sana naman hindi na maulit. Please.”