Chapter 10

2110 Words

Alexa’s POV Tahimik akong nakaupo sa isang sulok ng opisina ni Oliver. Hindi ko alam kung bakit ako nagpaiwan dito. Siguro dahil gusto kong ipaglaban ang tama. O baka naman... ayokong magmukhang talunan sa harap niya. Tumingin ako sa paligid. Ang ganda ng opisina niya, masyadong maayos at malinis—parang siya. Pero hindi ko maiwasang mapansin ang isang maliit na larawan sa gilid ng mesa niya. Isang bata at babae na nakangiti, mukhang masaya. "Sino kaya sila?" bulong ko sa sarili. Napabuntong-hininga ako at inisip kung paano ko ba haharapin si Oliver sa susunod na round ng pagtatalo namin. Alam kong matigas ang ulo niya, pero hindi rin naman ako magpapatalo. Wala siyang karapatang tanggalin si Jake nang basta-basta. Pero habang iniisip ko iyon, biglang sumagi sa isip ko ang eksena kagabi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD