CHAPTER 56 PAST Kuya Nathan introducing to Astrid’s whole clan turned out well. Hindi naman siya hinamak ng mga ‘to at nagustuhan ang kanyang mga sagot sa mga tanong. Pakiramdam ko nga ay job interview ang pinasok ni Kuya Nathan at hindi basta pagpapakilala sa pamilya ng girlfriend niya. Ang sabi pa ng pamilya ni Astrid ay ‘di naman kailangang mayaman ang lalaking mapapakasalan nito, basta’t marunong rumespeto at nagsisikap. Nakita nila ‘yon sa kapatid ko. Legal na silang dalawa. Pwede na silang lumabas at mag-date nang walang takot. Isa pa, nasa tamang edad na sila para doon. Masaya ako para kay Kuya Nathan dahil alam ko kung gaano niya kamahal si Astrid. Matapos ang araw na ‘yon, balik na naman ako sa trabaho kasama si Kaleo. Matumal ang benta ng coffeeshop nitong mga nakaraang araw

