Chapter 55 Ang katotohanan ay kumislap sa kanyang mga mata. Totoo na ang mga tao ay nakakapagsinungaling gamit ang salita ngunit ‘di nila maloloko ang isa sa kanilang mga mata. Bakit niya ako binababaan ng roses sa tapat ng unit ko? Anong purpose niya? “Tax?” baling ko muli sa kanya nang ‘di niya pa rin ako sinasagot. Imbes na magsalita, hinila niya ako papasok sa unit ko at isinara ang pinto. “Ano ba?” Kinalas ko ang braso ko mula sa kanya. “Makinig ka. Sana hindi mo iniisip ang naiisip ko.” “Na ano? Na kaya ka naglalagay ng roses sa tapat ng unit ko ay dahil may gusto ka sa’kin?” Namutla ang kanyang mukha. “Hindi, ah. Grabe naman ‘yang nasa isip mo. Okay, tatapatin na kita. Napag-utusan lang ako ng ama ng anak mo na maglagay ng roses sa tapat ng bahay mo.” Pinagsalikop ko ang akin

