CHAPTER 54 PAST Pagkatapos ko gumraduate, nag-apply rin ako sa iba’t ibang kumpanya bukod sa ino-offer sa’kin ng Mommy ni Kaleo. Maganda ang offer, and basic salary, at ang position. Ngunit meron sa loob ko na gusto ko pa ring maranasan ‘yung mag-apply sa iba at ang challenges sa kinkaharap no’n. Isang buwan na akong nakaka-graduate ngunit ‘di pa rin ako nakakahanap ng trabaho. “Hindi mo kailangang i-pressure ang sarili mo,” advice sa’kin ni Kuya Nathan. Nandito kami ngayon sa may pinto ng bahay namin at nakatingin sa kalangitan at mga asong dumadaan. Minsan na lang kami nagkakasama ng ganito kahit nasa iisang bahay namin. Madalas siyang pagod at diretso tulog pagkauwi. He’s our breadwinner. Tumigil na kasi sa pagtatrabaho si Papa simula nang magkasakit. Tapos ay ‘di naman gano’n kala

