CHAPTER 53 PRESENT I was so wrong about Novel’s parents. At first, I thought of them as the typical billionaire parents who are strict and aloof, but the first thing they did to me was to kiss my cheeks and welcome me as if I’m being part of their family. Umupo kami ni Novel sa couch nang magkatabi. Ang ina niya ay nakaluhod sa tapat ko habang nakikipaglaro kay Kalix. Ang liwanag ng kanilang mga mata dinaig pa ang bumbilya sa sobrang tuwa. Habang ang ama naman niya ay nakaupo sa isa pa nilang classy na couch at nakangiti rin sa panonood kay Kalix. Tila nahihirapan na ang ina ni novel kaya tuluyan ko nang ibinigay si Kalix sa kanya. Nakkaahiya na ang isang mayamang negosyante ay lumuluhod pa sa harap ko habang nakikipaglaro sa kanyang apo. Binuhat niya ito at dinala sa kanyang asawa. A

