CHAPTER 29 PRESENT Sana nananaginip na lang ako. Sana hindi totoo ang mga nangyayari. Sana isa lang ‘tong bangungot. Sa lahat ng bagay na ‘di ko aasahan, ito pang magiging empleyado ako ng lalaking lumapastangan sa’kin sa beach resort nila. Alam kong maraming businesses ang pamilya ni Novel Enriquez. Bukod sa sinabi ‘yon ni Shana, sinabi rin mismo ni Novel ‘yon noong gabing nagkita kami sa beach resort nila. Ang malala pa, makikita at haharapin ko siya mamaya. Makikilala niya pa ba ako? Ang babaeng basta iniwan niya na lang sa beach resort at pinag-isipan niyang isang bayaran. Ang sakit-sakit ng parteng ‘yon para sa’kin. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng dangal. Tapos ngayon ay haharapin ko pa siya. Siguro’y ‘di na niya ako maaalala. Hindi ako espesyal na tao para sa kanya. Noong gabin

