CHAPTER 30 PAST Maling desisyon na pumayag ako sa kagustuhan nina Shana na magsama-sama kaming lahat kasama ang mga nobyo namin. Dapat pala kinausap ko rin sila tungkol sa desisyon ko. Baka mas naintindihan nila kung bakit ayaw ko. Ayokong magharap sina Kuya Nathan. Naghiwa-hiwalay kaming magkakaibigan bandang tanghali. Kami kasi ang mag-iimbita sa mga boyfriend namin sa isang restaurant na malapit. Nag-text na ‘ko kay Kaleo na makipagkita sa’kin sa coffeeshop nila. Kakausapin ko muna siya na ngayong araw niya makikilala ang nakatatandang kapatid ko. I should’ve expected this earlier. Na balang araw, kailangan din na harapin naming dalawa ang pamilya ng isa’t isa. Kung questionnaire si Astid, talk show host naman si Kuya Nathan. Bagay na bagay talaga silang dalawa. Parang noong naging

