Chapter 3

1162 Words
CHAPTER 3 PRESENT “Excuse me?” tanong ko pabalik sa lalaking nakatingin sa’kin. May sinabi siya na ‘di ko naintidihan at ‘di ko masagot. Nawala ang pagkalasing ko sa tanong niya. “Miss, do you have a problem with me?” He has an accent. ‘Di lang basta accent ng pinoy. He has an attractive and sexy accent. Pangmayaman. “W-Wala,” sambit ko sa halos pabulong na boses. Tumayo siya at naglakad patungo sa’kin. Umupo rin siya sa buhangin ngunit sa pagkakataong ‘to ay magkalapit ang aming katawan sa isa’t isa. “Kanina ka pa kasi nakatingin sa’kin.” Confirmed. Nakainom din siya gaya ko. Amoy na amoy ko ang alak mula sa kaniyang bibig matapos niyang magsalita. ‘Di ako sigurado kung lasing siya o lasing ako. “Wala,” tanging sagot ko. “Napapatulala lang ako.” “Why?” He slid a smirk on his lips. “Curious ako.” Habang paparami nang paparami ang mga salitang ibinibigkas niya sa kanyang bibig ay mas nagtutunog lasing siya. ‘Di ko siya kaibigan para pagkataliwalaan ko. ‘Di ko siya kilala para sabihin ang nangyari sa kanya. Tila bibig ko na ang nagkusang bigkasin ang totoo sa kanya. “My boyfriend died.” “Pa’no? Bakit?” “Aksidente. Kaming dalawa. Parehas kaming lasing. Mas kaya niya sanang mag-drive kahit may tama pero nagpumilit ako. Sabi ko sa kanya na ‘di pa ‘ko lasing at kaunti lang nag nainom ko. Tapos ayon nabangga kami ng truck. Kaunting sugat lang ang meron sa’kin pero sa kanya, buhay ang kapalit.” “That’s why you’re here?” Tumango ako. Napangiti ako sa patuloy niyang pagkausap sa’kin. Sa nakaraang mga araw ay wala akong nakausap nang matino. Wala ako sa mood na makipag-usap sa iba. “Ikaw ba? Ba’t ka nandito?” “Akin ‘to. Pamana ng parents to be specific. Wala, eh. Tanging kumuha ng business course sa’ming magkakapatid at tanging choice ng mga magulang para mag-handle. Walang interes ‘yung mga kapatid ko sa family business. Gusto ko sanang…” “Mag-start from scratch? Magsimula sa mababa?” “Right.” He nodded twice. “Tama.” “Overwhelming ba na mag-handle agad ng malaking business?” “Oo. Pero kailangan at natututunan naman. ‘Kaw ba? Sa’n ka nagwo-work?” Inisip ko ang name ng kumpanya ko. “Nasa dulo na ng dila ko, eh. Teka. Wait!” Pinosisyon ko pa ang palad ko sa kanya na parang power rangers. “Nakalimutan ko.” Natawa na lang ako dahil ‘di ko magawang masagot ang tanong niya. ‘Di naman ako mabilis makalimot kaso nasa impluwensya ako ng alak. Tinawanan niya rin ako. “Marami ka na bang nainom?” “Hindi pa. Mabilis lang ako tamaan. Kailangan ko rin naman, eh. Kailangan ko rin makalimot pero ‘yung masakit na parte ang ‘di mawala sa isip ko.” Humahaba ang usapan namin. Sino ba s’ya para magtiwala ako nang ganito katagal? Sino ba siya para tumawa sa harap niya. Ang alam ko lang naman ay siya ang may-ari ng beach resort na ‘to at gwapo siya. “Gano’n naman talaga. Pain isn’t forgettable. Ginagamit lang nating distracton ang alak o ibang bagay para mawala pero ‘di naman talaga.” “Bukod sa ikaw ang may-ari nito. Ba’t ka nandito?” “Freedom? Nakakasawa rin sa office.” “Madalas ka rito?” “Hmm… Hindi naman. Kapag may time pero usually I make the time. Kailangan ko ‘yung time rito para ‘di ako ma-burn out sa gawain sa office.” I leaned closer to him. Kakaiba ang nararamdaman ko pero lumalawak ang ngiti sa’king labi dahil sa pakikipag-usap ko sa kanya. “Why do you need freedom?” “Nakakasuka ‘yung pressure. It doesn’t stay constant. Nag-a-accelerate ‘yon at tumataas. The better performance you place, the more pressure they will put on you.” “Friends mo? Ba’t ‘di mo isinasama rito?” “I don’t have them. Merong isa pero may pamilya na. Bihira niya ‘kong masasamahan.” “Girlfriend? Fiancee? Asawa?” “No relationship since birth.” “Wow.” Nalaglag ang panga ko. Bihira na lag ata sa mundo ‘yung wala pang past relationship sa age range na twenty hanggang twenty-five. “Pa’no? Isa pa lang ang nagiging boyfriend ko, ha. Ang tagal nga namin kaso namatay. Ikaw? Ba’t wala ka pang girlfriend as in?” “Suplado raw ako.” “Sabi ng mga ka-date mo?” “Hindi. Sabi ng relatives ko.” I burst a laugh. “Hinahayaan mo silang magsalita sa’yo ng gan’yan. Hinahayaan mong i-define ka nila?” He shrugged. “Hinayaan ko na.” “So, virgin ka pa?” “f**k,” malutong na pagkakasabi niya. “Gano’n ba talaga makipag-usap sa stranger? Talagang pati virginity ay pinag-uusapan?” “Hindi naman ako gano’n. Natanong ko lang kasi nga wala ka pang nagiging girlfriend.” Ilang segundo ko siyang tinitigan bago siya sumagot. “No. Minsan ko lang ginagawa. To the women I met in bars or even here. Consented, ah. Anti-r**e ako.” “Same naman. Sino ba namang matinong tao ang ino-normalize ang r**e? Eh, ‘di ‘dami mo na palang experience ‘no. Sa boyfriend ko pa lang nagagawang makipag-s*x. Protected naman saka we’re in a relationship. Gift ko na sa kanya ‘yon.” Bumalik sa ala-ala ko ang mga panahon na ginagawa namin ‘yon ni Kaleo. Worst na ata ‘yung sa kotse dahi sikip na sikip at init na init ako. Best ko ‘yung staycation namin sa Manila. Sulit na sulit ‘yung ibinayad namin sa hotel. Then I realized na ‘di na namin magagawa ulit ‘yon. Natahimik kaming dalawa nitong estranghero na kasama ko. ‘Di na siya nagsasalita ngunit ang mga mata nya ay nakatuon sa buhangin. Tanging alon ng dagat ang bumabasag sa katahimikan naming dalawa. “Daldal ko ba? Baka may tama nga lang ako kaya ganito ako makipag-usap. Sino ba namang nagluluksa ang kagaya ko, ‘di ba?” He looked at me. He fixed his gaze on me. Kung apoy lang ang tingin niya, natunaw na ‘ko. “Hindi naman. Isa ka sa tatlong tao na nagawa akong pagsalitaan ng matagal.” “Baka dahil lang sa alak.” Hindi muli siyang nagsalita. Weird na tinititigan niya lang ako. ‘Di ako nagpatalo at tinitigan ko rin siya. He has a chiseled jaw and hunting eyes. Uminit ang katawan ko sa ‘di maipaliwanag na dahilan. And it felt like I want to kiss him… Mali. Mali ang naiisip ko. I just lost my boyfriend and now I’m thinking of kissing another man. Ang kanyang malamig na kamay ay humawak sa braso ko. Nanigas ako sa pwesto ko habang nakatingin pa rin sa kanya. “Tara kain tayo. My treat.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD