CHAPTER 4
PAST
Sumabay ako sa sasakyan ni Prof papunta ng restaurant. Lahat ng mga players ay may sari-sariling kotse kaya hindi na problema ni prof ‘yon.
Tumigil kami sa tapat ng restaurant. Pinagbuksan ako ni Prof ng pinto.
“Dito ka muna at hintayin mo ang mga players. Kapag kumpleto na sila ay pumasok ka na sa loob.” Tinapik niya ang balikat ko bago niya ako iwan dito sa tapat ng restaurant.
Nag-scroll muna ako sa f*******: habang wala pang kotse na dumadating. Kumain pala sina Shana at Astrid sa cafe bago sila umuwi. Sana nakasama ako kung hindi lang narinig ni Prof ang sinabi ko patungkol sa kanya.
“Si Prof?” Nag-angat ako ng tingin sa lalaking nagsalita. He was not familiar pero nakasuot siya ng jersey na kagaya noong sa mga players ng university kaya in-assume ko na isa siya sa mga players.
“Nasa loob pa. Hintayin daw muna natin ang lahat ng players dito sa labas.”
Tumango siya. “Okay.” Bumalik siya sa kotse niya at sumandal doon. May sumunod na kotse naman sa kanya at may bumababang dalawang lalaki mula roon.
“Novel, ang aga mo yata?”
The guy shrugged. So, his name is Novel? Ang cute ng pangalan parang siya.
“Time is gold,” he said.
Nakipag-fist bump sa kanya ang dalawang lalaking kasama niya. Nagpanggap akong hindi nakatingin sa kanila sa pamamagitan ng cellphone ko. Nakatingin ako kunwari sa cellphone ko kahit pa hagip ng mga mata ko ang tatlong magkakaibigan na ‘yon.
Ilang minuto pa ang lumipas nang makumpleto na ang lahat ng players. Malamang nababagot na si Prof sa loob ng restaurant. Bakit ba kasi ako ang iniwan para mag-abang sa mga players?
“Ganda naman ng assistant ni Sir.” Napalingon ako sa lalaking nagsalita. Masama ko itong tiningnan.
“Tyler, naiinis na,” saway ni Kaleo sa kaibigan. Savior ko na si Kaleo. Ang awkward na ako lang ang babaeng kasama nilang lahat. Dapat man lang nagsama si Prof ng isa sa mga kaibigan ko para hindi awkward.
Pumasok kami sa loob ng restaurant at sinenyasan kami ni Prof na maupo sa long table kung saan nakahanda na ang lahat ng mga pagkain. Uupo sana ako sa table nina Prof, sa katabi ni Novel nang mapuno kaagad iyon ng mga players.
“Santos, doon ka umupo sa table nina De Guzman.”
I pouted at naglakad papunta sa table nina Kaleo. Ang malas ko lang dahil siya pa ang nakatabi ko. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman na parang pumoporma siya kanina sa may stadium sa akin.
I can’t help, but to feel awkward. Gwapo naman siya, kissable ang lips, kay gandang pagmasdan ng mga mata, at ang tangos ng ilong. Paborito rin siya ng Diyos dahil ang kinis ng mukha niya. Mula sa kinauupuan ko, kitang-kita rin ang kanyang mga muscles na may kaunting pawis pa. Kaya siguro crush na crush ‘to ng mga kaibigan ko.
“Anong gusto mong kainin?” pagtatanong niya sa akin na para bag boyfriend ko siya at gusto niya akong hainan. May mga kamay naman ako at kaya kong kumuha ng pagkaing gusto kong kainin. Pinapauna ko lang sila dahil players sila at extra lang naman ako rito.
“Mamaya. Pagkatapos n’yo.”
He clicked his tongue. “Pa-humble pa kayong mga babae.” Kinuha niya ang kanin at ipinaglagay ako sa pinggan ko. Naglagay rin siya ng isang pirasong fried chicken sa plato ko.
“Hindi dapat ako kakain ng kanin. Don’t you know that I’m on a diet?” Hindi ko naman siya sinungitan pero parang gano’n ang dating sa kanya no’n. Hindi naman talaga ako masungit, nai-intimidate lang siguro sa kanya at sa mga kaibigan niya.
“Hindi porke hindi ka kakain ng kanin ay mamamayat ka na? Pati hindi ka naman mataba, ah? Ang sexy mo nga sabi nito ni Tyler. Kailangan mong kumain para magkalakas ka sa mga susunod na araw.”
He has a point and I can’t help, but to smile. Mukhang hindi naman talaga siya gago tulad ng inaakala ko. May pinag-usapan sila ng mga kapwa niya players na hindi ako maka-relate kaya tahimik lang ako na kumakain.
Nang matapos na silang magkuwentuhan ay pinatayo kaming lahat ni Prof dahil gagabihin daw ako.
“Thank you, Prof at hindi na po mauulit ang sinabi ko.”
Walang pakialam na tumingin lang sa akin si Prof. Lumabas kami ng restaurant. He congratulated the players. Ang galing naman kasi talaga nila ang they deserve it. He told them that they will have a high grades in PE. Wala rin namang kwenta ‘yon dahil ‘di kasali ang PE sa General Weighted Average ng mga students.
“Bago umuwi ang lahat, hintayin muna nating makasakay ng taxi si Ms. Santos. Siya ang babae sa ating lahat kaya kailangan natin siyang alagaan.”
Ang weird ng sinabi ni Sir. Kaya ko na naman mag-isa kapag nagsi-alisan na sila. Hindi naman gano’n ka-delikado rito sa lugar na ‘to kasi maliwanag naman ta’s matao.
“Kaya ko naman po…”
“Prof, ihatid ko na siya,” si Kaleo? Hindi naman kami close kaya bakit siya ang maghahatid sa akin? Sinasabi ko na nga bang pinopormahan niya ako.
“Hindi na kailangan. Uuwi na ako.”
“Sige, De Guzman. Ipinagkakatiwala ko sa’yo si Santos. Ikaw naman, huwag ka nang mag-inarte pa.”
Nakakainis naman si Prof. Porke may nasabi ako sa kanya feeling niya ay under na niya ako. I respect him so much kaya mukhang makakasabay ko pa pag-uwi ang lalaking ‘to. He’s not bad though, but ang awkward kung lalaki ang maghahatid sa akin. It feels that I am locked into a relationship. Hindi pa ako nagkaka-boyfriend kaya hindi ko pa nararanasan. Nababasa ko lang ang mga ganito sa pocketbook.
Wala na akong nagawa nang hilahin ako ni Kaleo papunta sa kotse niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng shotgun seat at pumasok naman ako ro’n. Umikot siya para makasakay siya sa upuan ng driver.
“Saan ka ba nakatira?” tanong niya. I told him my address. “Uhm, madadaaan naman pala. Don’t worry wala akong gagawing masama sa’yo. Kung hindi ka sigurado, ‘wag kang matulog sa biyahe.”
Hinding-hindi talaga ako matutulog sa biyahe. Baka mamaya pagkagising ko na lang ay nasa ibang lugar na ako. Baka mamaya nasa paanan na kami ng bundok o kaya naman sa masukal na gubat.
Nagpatugtog siya ng music dahil may bluetooth input ang kotse niya. Mabuti na lang at hindi cringey ang kanta niya na pinapatugtog sa mga inuman malapit sa amin. Those songs were in 90’s. Bakit ba parang nababasa niya ang nasa utak ko? I love 90’s songs so much.
Dahil sa antok at ganda ng kanta ay hindi ko namalayan na napapasabay na pala ako rito. Feel na feel ko pa naman kahit na hindi maganda ang boses ko.
“Favorite mo?” Natauhan lang ako nang magsalita si Kaleo.
“Oo, sorry inaantok lang.”
“Kapag pala inaantok napapakanta.” He chuckled. Ano bang alam niya?
“Oo nga ang pangit na ng boses ko. Isa kasi ‘yan sa mga favorite kong kanta kaya napakanta ako. Akala mo namang hindi ka napapasabay sa kanta kapag feel na feel mo na ‘yong pinapatugtog mo.”
“Ang dami mong sinabi na para bang may sinabi akong masama. Hindi naman nakakainis ang boses mo. It is actually soothing even though you’re out of the tune.”
“Salamat, ha. Nakatulong,” sarkastiko kong sabi. Hindi ko alam kung honest lang ba talaga siya o inaasar niya ako dahil ang pangit ng boses ko. Either way, nakakainis siya.
“The song is beautiful just like you.” Nag-wink siya sa mirror kasabay nang pag-init ng pisngi ko. Umiwas ako ng tingin sa kanya. Bakit naman niya bigla na lang ginawa ‘yon.
“Huwag mo akong i-prank. Lolo mo beautiful.”
“Eh, ‘di ikaw ang lolo kasi ikaw ‘yung maganda.”
I gritted my teeth. Talaga bang nang-aasar siya o gusto niya lang magsalita. Kung hindi ba ako kumanta ay matatahimik ang biyaheng ‘to?
“Diyan na lang sa tabi,” pagpara ko nang makita ko ang bahay namin. Ang suwerte ko! Kung kailan malapit na ay saka niya ako inasar.
Bumababa siya ng kotse para pagbuksan ako. Hanggang ngayon ba kaming dalawa lang ay magpapaka-gentleman pa siya?
“Thank you for the ride. See you never, Kaleo.”
He chuckled. Sumandal siya sa kotse niya at inilagay ang mga kamay sa kanyang bulsa.
“See you again, Nazelle.” He licked his lips and I felt that I was going to explode. f**k him for being so handsome and charming.