Chapter 5

1138 Words
CHAPTER 5 PRESENT Matapos ang intense moment kasama ang lalaking ‘yon sa tabi ng dalampasigan ay napilit niya akong sumama sa isa sa beach restaurant na nandito sa resort. May mga kasing-edad ko na nagpaparty habang lumalaklak ng alak. Na-realize ko na ang lugar na ‘to ay ‘di para sa mga bata. Too wild for them. Sinundan ko lang ang gwapong stranger na nasa unahan ko. Mabuti na lang at hindi niya kapit ang kamay ko. That would be awkward. Ba’t ba iniisip ko pa ‘yon? ‘Di ko gaanong marinig ang sinasabi ng mga tao rito sa restaurant. Nakakabingi. Nakakasakit ng ulo. Tumigil ‘yung stranger na kasama ko kanina sa isang waiter na binati pa siya. Pamilya niya rin ba ang may-ari nito? “You?” tanong niya. Napaturo ako sa sarili ko at kumunot ang noo. “Anong gusto mo?” ‘Di pa naman ako nagke-crave sa pagkain simula kanina. Binusog ko na ang sarili ko sa alak at sama ng loob sa mga nangyari. Ta’s na-realize ko kung ano ang gusto ko. Gusto kong malaman ang pangalan niya. At kung nakiala ko na ba siya dati. “Kahit ano.” Sumimangot siya sa’kin. “Hindi ako pwedeng manghula ng kakainin mo. Pa’no kung may allergy ka sa ise-serve nila sa’yo?” Inabot niya sa’kin ang menu at mabilis ko iyong pinasadahan ng tingin. Kung ‘di pa ako dinala sa beach resort ni Kaleo dati ay ‘di pa ako magiging pamilyar sa mga nakalagay na pagkain sa menu. Nasa katamtaman lang naman ang pera ng pamilya namin at matagal na akong bumukod sa kanila. Ginusto kong magsimula ng buhay kasama si Kaleo no’n kaso nawala siya. Sinabi ko sa kanila ang order ko at lumayo saglit sa karamihan ng tao. Parang lason ‘yon sa tainga at mata ko. In the first place naman ay nandito ako para mag-isa. Ewan ko rin sa sarili ko kung bakit ko kinausap ang lalaking ‘yon. Siguro kailangan ko rin ng company matapos ang nangyari.  “Ba’t ka umalis?” Ang kanyang kamay ay nakapasok sa bulsa ng shorts niya. Kung siya ang may-ari nito, he must be looking good while wearing a formal suit. Habang suot naman niya ang beach attire ay nagmukha siyang mas bata. “Matao. Gusto ko pati rito sa labas.” “Toxic ba? Ang ingay para sa’yo?” “Hindi naman. Madaldal ‘yung dalawa kong kaibigan. Pati na rin ‘yong boyfriend ko.” “You mean your ex?” “He’s not my ex. He will never be my ex.” I lost him physically but I did not lose his soul. “Hanggang ngayon nandito siya.” Itinuro ko ang dibdib ko para patunayan sa kanya yon. “Ako kasi ayoko ng maingay at maraming tao. Lalo na kung wala naman silang magandang sasabihin sa’yo.” “Same.” Sinadya kong bitin ang reply ko. Unti-unti ay naiinis na ako sa pakikipag-usap sa kanya. Para siyang mayabang sa sinabi niya kanina. Kapag si Kaleo ang pinag-uusapan, ‘di ko magawang ‘di mainis at sumama ang loob.  Siya ang naging sandalan at buhay ko sa nakalipas na mga taon ta’s sasabihin ng lalaking kausap ko ngayon na tapos na kami? “Balik na tayo. Baka naka-serve na ‘yung pagkain sa table.” He tapped my shoulders. “Don’t worry. Malayo ‘yon sa maraming tao.” Wala sa mood akong sumunod sa kanya. May tama pa rin ata ako ng alak na nilaklak ko kanina.  Hindi siya nagsisinungaling nang sabihin niyang malayo kami sa maraming tao. May lamesa at dalawang upuan na nakaayos sa parte kung saan parang kaming dalawa lang ang tao. Much better. ‘Di pa man ako nakakaupo sa upuan ay naamoy ko na ang pagkain. ‘Di ko pa ‘yon nata-try dahil mag-isa lang ako. Ang kinain ko lang ng hapunan ay chicken inasal saka ilang bote ng alak. Mas nagutom ako sa pagkain sa tapat ko. Umupo na rin ang lalaking kanina ko pa kausap sa tapat ko. Ba’t kinakailangan niya pang pagmukhaing nagde-date kami? Hinding-hindi ko ide-date ang gaya niya lalo na ngayong kamamatay lang ng boyfriend ko. “May gusto pa po ba kayo, Sir Enriquez?” That must be his surname. Pero bagay rin naman siya bilang first name. Parang narinig ko na ang apelyido na ‘yon. Marami rin naman siguro siyang kaapelyido. “Ikaw ba?” turo niya sa’kin. “Alak.” “Which one?” “Kahit ano.” Naasar siya no’ng sabihin ko na naman ang phrase na ‘kahit ano’. Ayaw niya yata sa type na hindi sure kung madesisyon sa buhay. Libre niya namang siguro ‘to kaya ‘di na ako naging mapili. Nang umalis ‘yung waiter ay tinanong ko siya ulit. “What’s your story?” Barakong english ang accent ko no’n. Kung hindi lang kailangan sa trabaho ay ba’t pa ako mag-e-English eh wala pa naman akong balak na umalis ng bansa. “Wala lang. CEO ng resort at ng malaking kumpanya. Bata pa lang ay wala ng choice kundi ang sumunod sa mga magulang. Not interesting.” Nang matapos siyang magsalita, pinaghiwa-hiwalay niya ang parte noong alimango na kinuha niya sa plate niya. “Ba’t gan’yan ka makatingin?” “Nakakagulat lang na ang mayamang gaya mo ay nagkakamay.” “Mahirap kumain nito nang nakatinidor. Kahit naman mayaman kami ay ‘di naman kami binuhay na parang prisipe at prinsesa. Naka-gloves naman pati ako.” Tumango lang ako sa kanya. Sinimulan ko na rin ang pagkain ng talaba. ‘Di ako sigurado sa luto nito pero kanina pa ito nangangamoy sa harap ko.  Noong dinala ako ni Kaleo sa beach resort ay napakatanga ko para ‘di malaman kung ano ang tawag sa mga kinakain namin. Nagkaroon pa kami ng maikling lecture sa kung ano ang twag sa bawat pagkain. Habang pino-pronounce nga niya ay naglalagay pa siya ng accent. Nahampas ko pa siya noong panahon na ‘yon dahil sa kaartehan niya. Mula noon, ngayon lang ulit ako pumunta ng beach resort. Gusto ko kasi ‘yung kaunting tao rito tuwing gabi at malayo sa pamilya ko. ‘Di nila maiintindihan ang sakit na nararamdaman ko sa pagkawala ni Kaleo. May mga nagsasabi na boyfriend ko pa lang naman at hindi asawa. Napapamura na lang ako sa tuwing naririnig ko ‘yon. Kahit pa ‘di kami kasal ay pinaranas niya sa’kin na mahalin at alagaan.  He never treated me s**t.  “Na-realize ko lang na ‘di ko pa alam ang pangalan mo,” pagbasag sa katahimikan ng lalaking kanina ko pa kausap. Parehas naman kaming ‘di pa nagsasabihan ng pangalan. “What’s your name?” “Nazelle. Nazelle Santos.” And I have a fatal past.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD