Chapter 6

1227 Words
CHAPTER 6 PAST “Naz, pakuwento naman ng nangyari noong Friday? Iyong nakasama mo ‘yung mga gwapong basketball players,” si Shana habang kumakain kami sa cafeteria. “Okay lang. Masarap ‘yung pagkain.” Sumimangot sina Shana at Astrid. Kahit kailan talaga ay gusto nila na may kuwento akong baon para sa kanila. “That’s it? You should tell us detail by detail,” pamimilit ni Astrid. I mentally rolled my eyes. Ang kulit talaga nitong dalawa kong kaibigan. Kung gusto nilang magpa-cute sa mga gwapong players ay huwag na nila akong idamay. Pare-pareho naman kaming magaganda, kaya lang ay walang jowa. “Hinatid ako ni Kaleo sa amin noong gabi.” Nagtilian ang dalawa at nagkatinginan pa. Kung hindi ko lang mga kaibigan ang mga ‘to ay sinaway ko na sila. Kaleo was the Most Valuable Player of the game last night. Isa siya sa mga hinahangaan sa school. Crush ng buong campus kumbaga. Hindi naman ako ‘yong tipong easy para mahulog kaagad sa kanya. Ayaw ko sa mga lalaking kakikita pa lamang ay pumoporma na kaagad.  Hindi naman sa ayaw ko kay Kaleo. Ayoko lang ng mga actions niya kasi minsan ang awkward. “Kung ako ‘yon baka buntis na ako after one month.” Hindi ko na napigilan na batukan si Shana. “Shana, kadiri ka. Protect yourself at huwag kang gumawa ng mga bagay na hindi mo magugustuhan ang epekto.” “Naz is right. Kahit pa ganito tayo mag-fangirl sa kanila ay huwag kang gan’yan.” Between the two of them, Astrid is more mature than Shana. Si Shana kasi ay walang filter ang sinasabi at si Astrid naman ay alam niya kung ano ang sasabihin sa hindi. “Sorry na. Joke lang naman, ‘no? May mga pangarap pa ako.” Ipinagpatuloy namin ang pagkain at pag-uusap nang tumili ang babaeng katabi ng table namin. Parang tinusok ng cotton buds na biglaan ang tainga ko dahil sa tili niya. Napatingin ako sa direksyon kung saan naka-focus ang mga mata no’ng babae. Sina Kaleo at ang mga kaibigan niya. Hindi ko naman alam ang mga pangalan ng kaibigan niya bukod do’n sa Tyler. Hindi naman sila lahat gwapo kaya kung makatili naman ‘tong babae ang sarap saksakin ng kutsara ang bunganga. Nag-iwas kaagad ako ng tingin nang makumpirma kong si Kaleo nga iyon. “Ang gwapo aba,” bulong ni Shana. “Gwapo rin naman si Tyler kaso babaero raw ‘yon,” si Astrid naman. “Nasa mukha naman nilang magkakaibigan. Lahat sila babaero.” Ngumisi ako at tinapos ang pagkain ko. “Tara, alis na tayo rito,” anyaya ni Astrid. Tumayo kami mula sa kinauupuan namin. Nakapila sina Kaleo at mga kaibigan niya ro’n sa may pila. Mabuti na lang at hindi sila nakatingin sa amin. Paniguradong nakikilala pa nila ako dahil si Kaleo ang naghatid sa akin. Palabas na sana kami ng cafeteria nang may boses akong narinig. “Nazelle!” Tumigil ako sa paglalakad. Alam ko kung kanino ang baritonong boses na ‘yon. Bakit niya pa kasi ako nakita? Ayaw ko siyang makita dahil inis na inis ako sa kanya kagabi. “Hindi ako si Nazelle.” “Legit ba?” Tumawa siya at ang mga kaibigan niya. Hindi pa rin ako lumilingon at sa mga pagkakataong ‘yon ay nakakarinig ako ng mga yabag ng mga paa na papalapit sa akin. Uminit ang makabila kong pisngi nang maramdaman kong may tao na sa likod ko. Kulang na lang ay magpaulan ng pawis ang buo kong katawan dahil damang-dama ko ang presensya ng lalaking nasa likod ko. “Nazelle, umiiwas ka ba sa akin?” natatawang tanong niya. Hinarap ko siya nang nakataas ang aking kilay ngunit halos mawalan ako ng boses dahil sa lapit ng mukha niya sa akin. “B-Bakit naman ako iiwas sa’yo?” “It’s a prank lang ta’s natutuliro ka na. Crush mo ‘ko, ‘no?” Inirapan ko siya at hinampas ang dibdib nang may puwersa. “Asa ka, ‘no?” Tinalikuran ko siya at iniwan. Ang hilig niya talaga na asarin ako. Hindi naman kami close pero kung makaasar siya para bang magkaibigan kami. “Nakakakilig naman kayong dalawa. May couple na sa kaibigan natin, Astrid.” Shana giggled. “Agree, I hope na magtagal pa sila.” “Sana ‘di kayo maging asawa n’yo ‘yung adik sa kanto.” Tumawa ako nang mag-isa dahil sa mga reaksyon nila. Bakit ba kasi nila ako pinipilit kay Kaleo na para bang siya lang ang karapatdapat na lalaki sa ‘kin?  “Grabe ka naman.” Siniko ako ni Shana. Wala akong gana na makinig sa klase dahil minor subject lang naman ‘yon. Hindi naman pabagsak ang grades ko kaya ayos lang ‘yon. Basta tres pataas ay ayos na sa’kin para makatapos ako at hindi naman ako mukhang nakakahiya sa mga Family Reunion. … Akala ko ay magiging madali ang mga sumunod na araw kaya lang ay sunod-sunod silang nagsabi na may exam daw sa susunod na linggo. Halos hindi pa naman ako nakapakinig sa mga lectures ng professors kaya kailangan kong magbasa ng book to book. Hindi muna ako sumama kina Shana at Astrid sa pupuntahan nila dahil kinakailangan kong mag-aral para sa exams. Linggong-linggo ngayon pero nasa coffee shop ako para mag-aral. Mas gusto ko mag-aral sa coffee shop dahil sa pakiramdam na ibinibigay nito. Kapag na sa bahay lang ako ay mas madali akong makakatulog. Una kong inilabas ang book ko na tungkol sa management. Kaka-order ko lang ng iced coffee at pine-prepare pa nila ‘yon.  Sa lahat ng subject, sa Management talaga ako hirap na hirap. Nakakalito ang mga theories at examples. Mas trip ko na lang gumawa ng essay sa mga minor subjects kaysa mag-aral ng Management. Bakit kasi Business Management pa ang kinuha kong course? Akala ko magiging madali lang kaysa sa mga Engineering at Accountancy pero gano’n din pala ang hirap. Pangarap ko lang naman na makapagtrabaho sa office pero ganito rin pala ang hirap. “Ma’am, ito na po ang order n’yo.” Nabitawan ko ang libro ko nang mapagtantong pamilyar ang boses na ‘yon sa akin. Nag-angat ako ng tingin at sumimangot nang makitang si Kaleo iyon hawak-hawak ang iced coffee na in-order ko. “Bakit ka nandito? Are you stalking me?” Pinulot ko ang libro ko at ipinatong iyon sa lamesa. Inilagay niya naman ang iced coffee ko sa ibabaw ng lamesa. Umupo siya sa upuan na katapat ko. “Hindi ba puwedeng nakita lang kita habang naisipan kong tumambay rito sa coffee shop namin?” Nag-angat siya ng kilay. Coffee shop niya ‘to? Hindi ko naman siya nakikita rito noon kapag nag-aaral ako, ah. “Sa inyo ‘to?” He nodded. “Yup. Family business.” “So, bakit mo naman ako nilapitan? Aasarin mo na naman ako, ‘no? Hobby mo ba na inisin ako?” “Woah, chill ka lang, Naz.” “Don’t call me in my nickname. Hindi tayo close.” He chuckled, then he licked his upper lip. “Iyon nga ang point! Kaya kita nilalapitan para maging close tayo. So, can we be friends?” Biglang natuliro ang isipan ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin dahil ang bilis lang ng mga pangyayari. Ang bilis lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD