CHAPTER 7
PRESENT
Weird.
Weird na kumakain ako kasama ang ibang lalaki. Weird na nagawa ko pang makipag-usap at mag-entertain ng stranger. Weird ang gabi na ‘to.
Naiisip ko tuloy na nangangaginip lang ako at nakikipag-usap sa mayamang lalaking katapat ko.
“Pamilyar. Your name sounds familiar. Nagkita na ba tayo bago tayo magputna rito?” tnaong niya at inangat ang wineglass na may champagne.
“Kanina sa beach?”
Natawa niya. Namumula na ang mukha niya at halata sa kanya ang pagkalasing. “You’re funny. Siyempre bukod do’n.”
Hindi ko rin alam sa sarili ko kung nakita ko na ba ang lalaki na ‘to noon. Pamilyar ako sa kanya at gano’n din siya sa’kin. Baka dahil lang sa alak ay ‘di namin magawang kilalanin ang isa’t isa. Tunay na nakaka-amnesia ang pag-inom ng alak.
Bahagya kong ininom ang alak sa wineglass ko saka nagtanong sa kanya. “Ikaw anong pangalan mo?”
“Novel.”
“Novel as in nobela?” Tumango siya. “Curious ako sa history ng pangalan mo.”
He shrugged. “H’wag mo nang itanong. Maski ako ay ‘di ko alam. Maybe my mother thought of it while she’s pregnant with me.”
“Baka nga.”
Nakatitig lang kami sa ia’t isa habang umiinom ng alak. ‘Di ko alam kung ano pa ang dapat kong itanong sa kanya. Nawalan na kami ng tanong na ibabato sa isa’t isa. Itinigil ko na rin ang paglalagay ng champagne sa baso ko. Nananakit na ang ulo ko sa dami ng alak na nainom ko simula kanina.
“Babalik na ako sa room ko,” pagbasag ko ng katahimikan. Habang kaya ko pa ay kinakailangan ko nang bumalik mag-isa. Ayoko naman maging parang bangkay na basta-basta tataob sa dalampasigan.
“Ang bilis. Why don’t you stay here for a moment? May trabaho ka ba bukas?”
“Wala. Naka-leave ako two days from now. Inaantok na ako kaya babalik na ako sa room ko.” Tumayo ako mula sa upuan. Akala ko ay hahayaan niya na lang ako umalis ngunit nang bitawan niya ang wineglass at ipatong ito sa table, alam kong ‘di niya ako basta-basta pakakawalan.
Hindi ako sigurado kung harmful o harmless siyang lalaki. Nasa impluwensya ako ng alak kaya ginawa ko kung ano ang dapat kong gawin. Ang maglakad palabas at papunta sa kwarto.
He followed me!
“Nazelle! Nazelle!” Paulit-ulit na pagtawag niya ng pangalan ko na parang kaming dalawa lang ang tao rito sa dalampasigan. Gwapo at swabe ang boses niyang ‘yon. Tila nang-aakit sa dilim ng gabi.
Nilingon ko siya. ‘Di ko alam kung ba’t tumatawa ako nang harapin ko siya. “Bakit? Babalik na nga ako.” Pupungay-pungay ang mata ko nang harapin siya. Hindi ‘yon makapag-focus ng diretso sa mukha niya. Ang tanging maliwanag lang na nakikita ko ay ang labi niya.
“I told you. Ihahatid kita sa room mo. Sabihin mo lang sa’kin kung saan.”
“Kulit mo, ah! Kaya ko na nga.”
“Babae ka at maraming lalaki d’yan na baka kung ano na lang ang gawin sa’yo. ‘Di ko hahayaan ang isang babae na kakikilala ko pa lang na bumalik sa kwarto niya nang lasing.”
Ngumisi ako. “Hindi pa nga ako lasing.”
“Basta. Ihahatid kita sa ayaw o sa gusto mo. Tell me your room number now.”
Ewan ko sa sarili ko ngunit binigkas ko iyon. Hinawakan niya nang mahigit ang braso ko at ianlalayang maglakad sa direksyon kung nasaan ang kwarto ko. Kada paglayo namin sa dagat ay mas sumasakit at nahihilo ako.
Tanging pabango lang niya ang nasisinghot ng ilong ko. Para ‘yong katol para magising pa ako lalo. Para ‘yong usok na umaakit sa’kin patungo sa kanya. Para akong naka-droga at malakas na ang tama. Tama sa lalaking ‘to.
“Nandito na tayo,” aniya. Narinig kong bumukas ang pinto. “Dapat nila-lock mo ang kwarto mo ‘pag umaalis ka. Kahit pa sinisiguro namin ang safety at privacy ng mga customers namin ay advisable pa rin na mag-lock kung aalis ka.”
‘Di ko pinakinggan ang sermon niya. ‘Di rin ako pumasok sa kwarto. ‘Di ako natinag sa kinatatayuan ko.
Nakatingin lang ako sa kanya nang diretso. Alam ko sa sarili ko na ‘di ito sa dahil lasing ako. Nakikita ko siya. Hindi bilang Novel o may-ari ng beach resort na ‘to. Bakit si Kaleo ang nakikita ko sa kanya? Bakit nararamdaman ko ang ex-boyfriend ko na patay na ilang linggo na ang nakalilipas? Bakit parang si Kaleo ang lalaking kaharap ko?
I stepped closer on him. Ang kamay ko ay dumampi sa dibdib niya at dumulas ‘yon pababa.
“Nazelle…” halos-pabulong na saad ni Kaleo… o mas mabuting sabihin na si Novel na sa tingin ko ay si Kaleo ngayon.
Sa labi naman niya ako nakatingin ngayon. ‘Di ko mawari kung parehas ba sila ng labi ni Kaleo. ANg labi na kaysarap damhin sa tuwing nauuhaw kami sa isa’t isa. ‘Di ko alam kung bakit nauuhaw rin ako sa lalaking sa harap ko.
It felt like kissing him was the best option tonight.
Hindi siya gumalaw. Nanatili siya. Nakatingin din siya sa mukha ko at napangisi. Ginaya ko ang ngisi niya. Ngisi na parang nagtataksil. Ngisi ng may masamang balak. Ngisi ng taong nagpapaloko sa tadhana.
Nagdampi ang aming mga labi. Parang planeta sa planeta. Kontinente sa kontinente. Bansa sa bansa. Malakas ang puwersa at epekto no’n saming dalawa. Nakaramdam ako ng kakaibang init kahit pa malamig ang gabi.
Ang aking braso ay pumuluot sa kanyang beywang habang ang kamay niya ay nasa aking pisngi. We walked inside my room at isinara ang pinto. Patuloy lang siya sa paghalik at ang sarili ko naman ay inilulunod ko sa kanya.
Tatlong linggo. Tatlong linggo akong walang lalaking hinalikan. Tatlong linggo kong inakala na mananatiling parang bangkay ang buhay ko. Ngunit ang lalaking humahalik sa’kin ngayon ay parang pag-asa na nagbigay-buhay sa’kin.
I moaned when he bit my lip. There was a pain in it but I didn’t care.
Itinulak niya ako nang bahagya sa kama at nagtanggal ng shirt. Nakita ko ang kabuuan ng kanyang katawan. Kagaya ni Kaleo ay may maganda siyang hubog ng katawan.
Pagkatapos ay hinalikan niya akong muli at ang kanyang kamay ay naglaro sa iba’t ibang parte ng katawan ko. Kagaya ni Kaleo ay magaling siyang humalik.
Sa mabilis na galaw, natanggal niya ang suot kong damit at itinapon ‘yon sa sahig. Kagaya ni Kaleo, mabilis siyang kumilos.
Bakit si Kaleo ang nakikita ko sa kanya? Bakit hindi ko gustuhin ang gabing ‘to dahil siya si Novel?
I lost myself on him. Our kisses got deeper. Mas nakalulunod at mas mapusok. Nasa kalagitnaan kami ng rurok ng sigaw ng aming mga puso nang tumigil siya.
“Sigurado ka ba na gusto mo ‘to?” Gusto niyang manigurado. Gusto niyang manigurado na ‘di lang ako lasing kaya ko ginusto ‘to.
Tumango ako. Pangalawa. Pangatlo. I want him tonight. I want him to make love with me. “Hindi ako lasing. Do whatever you want.”
Nginitian niya lamang ako at saka hinalikan muli. We don’t have any protection and I never thought of that. Basta ang alam ko sa gabing ‘to ay umaapaw sa kaligayahan ang puso at katawan ko. I was satisfied. I was fulfilled. I was healed.
But again a realization struck me. This is Novel. And Kaleo will never come back.